chapter one

388 8 0
                                    



Madilim ang gabi, tanging anag-ag ng ilaw sa poste ng MERALCO ang tumatanglaw sa kubong nasa gitna ng hardin. Huni ng panggabing ibon at ng mga nagkakasiyahang kuliglig ang tanging maririnig.

Payapa ang gabi sa malayong nayon na iyon sa Batangas, mahimbing ng natutulog ang lahat habang matiyaga pa ring gumagawa ng mga visual aids at teaching materials si Teacher Vivian para sa kanyang mga estudyante na nag-aaral sa Haligue Silangan Elementary School.

Ang Haligue Silangan Elementary School ay matatagpuan sa Sitio Ibaliw sa barriong iyon. Kinakailangan pang maglakad ng humigit- kumulang na dalawampung minute mula sa kanyang tinitirahan.

Si Teacher Vivian ay "dayo" sa lugar na iyon ng Sitio Payapa, nagtapos siya ng BS Elementary School (BEED) major in content course sa Maynila. Nakatapos siya sa pamamagitan ng scholarship na ibinigay sa kanya ng mga madre . Lumaki siya sa bahay ampunan kung kaya wala siyang naaalala sa kanyang nakaraan. Bilang ganti sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanya, kalahati ng kanyang kinikita ay ibinibigay niya sa ampunan bilang tulong na rin sa mga batang naroroon. Mababait ang mga madreng nagpalaki kay Teacher Vivian kaya naman minahal din ito ng butihing guro.

"Ummm!" wika ni Vivian na tila nangawit na mula sa matagal na pagkakaupo sa silya at pagkakatalungko sa maliit na mesita. Agad na tumayo si Teacher Vivian at nag-inat upang maibsan ang pananakit ng baywang at balikat.

"Hmmm!" naghihikab na rin sya dulot ng matinding pagod. Sa biglang pagsulyap sa relong pambisig ay nagulat pa ito.

"Naku! Alas nueve na pala" bulalas ng guro.

Ang alas nueve ay maaga pa kung ikaw ay nakatira sa Maynila ngunit sa nayon ay malalim na ito ng gabi. Kinakailangan na ring matulog ng guro upang hindi ito maging late sa pagpasok kinabukasan. Agad na niligpit at inayos ng guro ang mga visual aids na ginawa. Ang lesson plan naman ay naihanda na rin niya noon pang nakaraang Sabado.

Larawan ng kasimplehan ang maliit na kubong inuupahan niya. Tanging tv na maliit at cellphone at ang net book na nabili niya mula sa perang hiniram sa GSIS dalawang taon na ang nakakaraan ang makikita sa maliit na sala ng kubo. Ang sofa naman at ang mesa ay ipinahiram sa kanya ng may-ari ng siya ay lumipat sa Barangay Haligue Silangan.

Simple ang kagandahang taglay ni Teacher Vivian na nagmumula sa ganda ng kanyang kalooban. Nagtataglay siya ng alon-along buhok na tila sumasayaw sa hangin, bilugang mapupungay na mga mata at katamtamang tangos na ilong at mapupulang labi. Hindi sya nabiyayaan ng maputing kutis ngunit nagtataglay siya ng kayumangging kutis.

Dahil sa taglay na kagandahan ay marami rin namang kabinataan ang nagnanais na siya ay mapangasawa subalit ang lahat ng ito ay hindi pinagtutuunan ng pansin ng guro. Nakatuon ang kanyang buong pansin sa kanyang propesyon bilang guro at ang pagtulong sa bahay ampunang pinanggalingan, bagamat konti lang ang nakakaalam ng kanyang nakaraan at pinagmulan.

Marami ang nagtatanong sa butihing guro kung paano siya nagtatagal sa barriong iyon na larawan ng karukhaan at kahirapan. Kung ikukumpara sa buhay sa Maynila ay masasabing outback ang pamumuhay rito.

Katahimikan at kapayapaan ng loob iyon ang ikinagusto ni Teacher Vivian sa lugar na iyon bukod sa kabaitan ng mga naninirahan doon.

Si Aling Nena na naninirahan sa kabilang bahay ang may-ari na itinuring na siyang anak dahil sa ang mga anak nito ay may kanya-kanya ng buhay at pamilya na naninirahan sa Maynila. Umuuwi naman ang mga ito ngunit madalang. Kilala na rin siya ng mga anak nito dahil na rin sa tagal na ng kanyang pamamalagi sa lugar na iyon.

Bata pa si Teacher Vivian sa edad na dalawampu't tatlo.

Maya- maya pa ay nakatulog na rin ang guro. Dahil sa pagod at puyat ay hindi na niya naramdaman ang matamang pagsilip ng lalaki sa kanya mula sa siwang ng bintana ng kanyang tinitirahan.

GOD GAVE ME YOUWhere stories live. Discover now