Chapter 33 "Kidnapped"

Magsimula sa umpisa
                                    

Ilang tao na ang nabunggo ni Saimon dahil sa pagtakbo nya.Hindi sya papayag na makuha nya si Yumiko.Oras na maabutan nya ang lalaki,siguradong magiging madugo ang mga susunod na eksena.Ilang metro na lang ang layo nya sa lalaki nang biglang...mawala 'to sa paningin nya.

"Damn!Dammit!"

Lumiko ang lalaki sa isang madilim na parte ng lugar.Doon naghihintay sa kanya ang isa nya pang kasamahan.Mabilis nyang hinubad ang itim na jacket at bonnet pati na rin ang face mask.Nagsuot sya ng pulang cap.

Pinagtulungan nila ng kasama nya na ilagay si Yumi sa isang may kalakihang box.Magkatulong din sila sa pagbubuhat ng box hanggang sa makarating sila sa parking lot.Parang isang normal na kargada lang ang box habang nilalagay nila ito sa loob ng delivery track.

All of their moves were already calculated.Everything was in the plan.The operation is successful.

They had kidnapped Yumiko Almante.

Shunrei's POV

"You have one hour to finish your tests.No cheating!I can see you."

Sinulyapan ako ng weirdo naming professor.Creepy.

"Okay...start!Start!Stop wasting time!Start!"

Tsk.Nakakairita sya.Sino ba sa tingin nya sa 'min ang nagsasayang ng oras?

Nangalumbaba akong nagsimula sa pagsasagot.Pahikab-hikab pa ako.Ang hirap ng kulang ka sa tulog.Si Hime naman kasi,alas-dose na umuwi.Bumili lang daw sya ng ice cream.At talagang may props nga syang ice cream.'Di ko akalaing mag-aabala pa talaga syang mag-effort para lang pagtakpan si Marcus.Akala nya hindi ko alam?Tss...Alam ko ang lahat ng pinupuntahan nya.

Bigla akong napayuko at halos masubsob pa sa lamesa nang may malakas na bumatok sa 'kin galing sa likod.

"'Wag tatamad-tamad!Magsagot lang nang magsagot!"

Sigaw ng matandang babaeng prof namin.Nararamdaman ko pa rin ang lakas ng pagbatok nya sa 'kin at dahil do'n...nabali ko ang hawak kong ballpen.

Sino sya para batukan ako?Sasapakin ko na ba?Wala nang edad na pinag-uusapan dito.Talo-talo na 'to!

"Tunganga nang tunganga!Paano ka matatapos nyan?!"

Aish.Kahit kelan talaga 'tong prof na 'to.Lahat na lang napapansin!

Nakakunot ang noo ko habang naghahalungkat ng bagong ballpen sa bag ko.Makakapagsagot na sana ako ulit ang kaso lang...may maliit na problema.Napakaliit na problema lang naman.

Wala nga pala akong dalang extrang ballpen.

Sinulyapan ko ang mga kaklase kong nakatingin sa 'kin.Mukhang alam nilang may kailangan ako dahil lahat ng kaklase kong babae,nagkanya-kanya ng halungkat sa mga bag nila.

Wala pang isang minuto,may nag-abot na ng ballpen sa 'kin.

"Ah,Shunrei.Use this muna oh,"sabi ni Karly.Isa sya sa mga sikat na artista ngayon dito sa Pilipinas.

Tinignan ko ang inaabot nyang pink na ballpen na may glitters pa.

-_____-<-my face

"No,thanks."

Pagkatapos ng rejection ko kay Karly,nagsunod-sunod na sila sa pag-aabot sa 'kin ng ballpen.Ang unang nakalapit sa 'kin at nagpahiram ng ballpen,bukod kay Karly,ang tinanggap ko.Parang naglaro lang kami ng 'Bring Me'.

"Ano?!Sige,magsayang pa kayo ng oras!Ipapasa nyo ang papel nyo kahit hindi kayo tapos!"

I just tsked.

Nakasimangot ang lahat ng kaklase kong babae habang naglalakad sila pabalik sa mga upuan nila.Pare-pareho kaming badtrip habang nagsasagot.

Patapos na akong magsagot nang may mapansin ako sa labas ng room namin.Isang babaeng nakasuot ng uniform ng Grimson ang nakasandal sa pader,sa gilid ng pinto.Her hands are in her blazer's pocket while her right foot is resting in the wall.

Napatigil ako sa pagsusulat habang nakatingin sa kanya.

A-anong...Anong ginagawa ni Hime dito?!

Habang gulat akong nakatingin sa kakambal kong tumingin din sa 'kin...binatukan na naman ako ng matandang prof namin!This time,pinigilan ko ang sarili kong baliin ulit ang ballpen na hawak ko pero kahit anong pigil ko...

*binali yung ballpen*

Binatukan nya ako sa harap ng kakambal ko!

"Ano bang problema mo?!"

Singhal ko kasabay ng pagtayo.Nanlilisik akong nakatingin sa prof naming nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa 'kin.

"A-aba't---Sinisigawan mo ba ako?!"

"Kanina pa ako nagtitimpi sayo---"

"Shun."

Nilingon ko si Hime na nakatayo na ngayon sa may pintuan.Umiling sya.

Nakipagtitigan ako sa kanya.Sa tingin pa lang,nagkakaintindihan na kami at base sa nakikita ko sa mata nya ngayon,sinasabi nyang 'kumalma ka'.

Unti-unti akong kumalma at nilibot ang tingin ko sa mga kaklase ko.Iisa lang ang nakikita kong reaksyon sa kanila.Pagkagulat.Sino nga namang mag-aakalang ang tahimik at kalmadong tulad ko ay bigla na lang sisigawan ang isang prof?

Napabuntong-hininga ako bago ko ulit hinarap si Mrs.Dazel.

"I'm sorry for my behavior,Miss."

Hindi ko na tinapos ang exam at inabot na lang sa kanya ang test paper ko na kinuha nya naman habang nakatulala sa 'kin.Agad kong binitbit ang bag ko.

"Abby,papalitan ko na lang yung ballpen mo,"baling ko sa kaklase kong nagpahiram sa 'kin ng ballpen.Napatango-tango na lang sya.

Dire-diretso akong naglakad palabas.Hinawakan ko sa braso si Hime at naglakad sa hallway nang hindi lumilingon sa room na pinanggalingan ko.

"Shun,what the hell was that?Hindi mo tinapos yung exam mo?"

"Nawala na yung focus ko sa exam."

Huminto ako sa tapat ng bakanteng room kaya ganun din sya.

"Ano nga bang ginagawa mo dito,Hime?At talagang nakasuot ka pa ng complete uniform."

"I was on a rush.There's an emergency."

"Emergency?What kind of emergency is that for you to rush in here?"

"Si Mom."

"Si Mom lang pala.Ano?Sumugod na naman ba sya dito sa Pilipinas dahil nag-away sila ni Dad?Paano naging emergency 'yon?"

Umiling sya.

"Shun...she was kidnapped."

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon