"Good Morning.." bati niya sakin.

Lumapit ako sa kanya at dahil hindi siya handa, nahalikan ko siya.

"Good Morning din... ^_______^" sabi ko.

"Kiss stealer!" sabi niya.

"Eh di ibabalik ko.." sabi ko.

"Tara, akin na!" humawak siya sa mukha ko sabay inilapat ang mga labi nito. Buti na lang tinted tong salamin ng kotse ko.. Sarap nun ah XD lol

Habang nasa byahe kami papuntang school, napag-usapan namin na huwag munang ipaalam sa mga magulang namin yung tungkol sa relasyon namin. Kagaya ko, hindi pa din siya handang ipaalam ito.

~◘~◘~◘~◘~

Habang nasa school kami, kagaya nang dati, may lalapit saking babae, may lalapit kay Jirong babae. Magkakatinginan, magtutunguan. Syempre kailangan naming umakto ng normal. Dahil ngayon, hindi lang kami mukhang artista sa mata nila.

Natapos ang klase nang walang nangyare. Ang lalandi ng mga bakla't babae dito sa pinasukan kong school.

Okay lang sakin na landiin ako, basta wag lang si Jiro. Pero parang unfair naman yun sa kanya? Paano kung yun din iniisip niya?, Ahh bahala na!

"Ano, tara na?!" sabi sakin ni Jiro. Umakbay ako sa kanya..

"Okay, Dala ko nga pala si RoLan.. Sa kotse ko na lang ilalabas.. Tara na!" ayun nga, dumiretso na kami sa kotse.

Nilabas ko na si RoLan, pinakita at binigay ko kay Jiro  saka pinaandar na ang kotse ko.

Sa baywalk kami dumiretso.

Habang naglalakad-lakad kami, may napansin kaming dalawang lalaking naghaharutan sa daanan. Ang cute nilang tignan *u*

Nakatayo lang kami doon ni Jiro at pinagmamasdan yung dalawang naghaharutan. Parehas kaming nagulat nang biglang halikan nung isang lalaki yung isang lalaki.

(⊙o⊙)(⊙o⊙)?

Napatingin sa paligid yung hinalikan nyang lalaki, tapos napansin niya kami.

Hinila nung nanghalik yung lalaki papunta samin.

"Dude, boyfriend ko, gwapo no?!" sabi nung nanghalik. Namula yung kasama niya. Sinuntok niya to sa braso ng mahina.

"Narinig mo yun Jiro? Di tayo nag-iisa! By the way, Lance nga pala pare! Eto naman si Jiro, boyfriend ko!" sabi ko dun sa lalaki.

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora