Mahabang paliwanag nito sa tatlong babae na tahimik na ikinakikinig lang ng lalaki sa kanila na palihim na ngumiti pa nang marinig ang pinakahuling sinabi ng babae.

"Aye Aye Captain!" Masiglang sagot naman agad ng babaeng umirit na parang bata, habang tumango lang ang dalawa pang babaeng kasama nito.

"Seryoso ako Yas." May pagbabantang tono ng babae dahil sa pagtawag sa kanya ng Captain na siyang parang lokohan lang ang lahat. Bigla rin namang naiba ang atmospera nilang lima dahil sa naging tono nito.

"Fine Zit." Sagot ni Yas na automatikong nagpawala ng batang ugali nito, tila nabuhusan ng tubig at naging seryoso bigla. Simpleng ngiti lang naman ang ibinigay ni Zit kay Yas at saka bumaling ng atensyon sa dalawa pang babae.

"So now, Wiz dalhan mo ng pagkain si E sa kwarto niya. At ikaw naman Xha, direct him to his room." utos nito sa dalawang babae na ikinatango lang ng dalawa. Agad nang pumunta ng kusina si Wiz para maghanda ng pagkain habang si Xha naman ay umakyat na sa itaas kasama ang lalaki para ituro dito ang magiging kwarto nito. Naiwan naman si Yas at Zit sa salas.

"Pasensya na Zit kanina. Natuwa lang ako dahil bumalik na kayo. And about your favor. Nagawa ko na nga pala." Lintanya ni Yas kay Zit na ngayon ay nakaupo at nakapikit ang mata.

"Good. Alam mo namang tayo ang aasahan ngayon ni E. Bawal tayo pumalpak. We'll never betray her, remember that." Sagot ni Zit kay Yas kahit na nakapikit ang mga mata nito. Wari ay nagpapahinga dulot sa sobrang kapaguran.

"No worries about that Zit. Ginagawa naman natin ito, not because it's our job pero dahil kaibigan at kapatid na din ang turing natin sa kanya. And Zit, before I forgot. Day after tomorrow ay pasukan na sa inenrollan nating eskwelahan na gusto mo." Sambit ni Yas na siyang nagpamulat ng mga mata ni Zit.

"Really? Kung ganun dapat na tayo maghanda. We'll be seeing her group Yas. At kailangan niya tayo." Seryosong saad ni Zit kay Yas habang nakatitig sa mga mata nito.

"I know Zit. At handa naman tayo lagi dyan. Anyway, how about E's parents?"

"Nakausap ko na sila. Mr. Hades and Ms. Thanalia agreed. Hindi naman daw sila ang masusunod, kundi si Empress lang." paliwanag nito kay Yas at muling ipinikit ang mata.

"Kung ganun, tuloy na talaga tayo sa pagpasok sa Empire High?" Kwestyon ni Yas na ikinatango tango lang ni Zit sa kanya. Napangiti lang naman si Yas at napabuntong hininga na lang sa kinauupuan niya.

"Haist. Mahirap talaga siguro maging isang tulad ni Empress." bulong bulong niya sa sarili na ikinailing na lang niya.

Samantalang, isang ngiti lang ang isinukli ng lalaki kay Xha sa pagturo nito sa magiging kwarto niya. Pumasok na ito sa loob at agad nahiga na lamang sa kama. Ilang minuto na rin ang lumipas pero nanatiling gising ang kanyang diwa dahil sa mga iniisip niya.

"Hindi masamang mahalin nga ang isang Empress."

Isip isip nito na ikinangiti niya lang habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Ngunit natigil lang ang pagmumuni niya ng sunod sunod na malalakas na pagkatok ang narinig niya sa kanyang pintuan. May kung anong naramdaman siya kaya agad agad niyang binuksan ang kwarto at isang naghahangos na Wiz ang nakita niya pagbukas ng pinto.

"Nawawala siya. E is missing."

Agad siyang napamura sa sarili niya at mabilis na kinuha ang susi niya sa may mesa malapit sa kama niya at agad nagtatakbo paibaba ng hagdan. Naabutan naman niya ang tatlong babae na kalmado lamang habang naglalakad patungo sa kanilang mga kotse.

"Hinay hinay lang Mr. Forever ni E. She's just around. Having fun."

Biglang sigaw sa kanya ni Yas bago pa pumasok ito ng kotse. Napabuga lang siya ng hangin at binalewala ang sinabi ng babae. Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang kotse at nagpalinga linga sa bawat kantong madadaanan niya. Natigil lang siya nang makita ang isang bar. Hindi imposibleng naroon ang babaeng hinahanap niya. Ilang saglit pa lang ay dumating na rin ang apat na kotse ng babae at kalmadong sumunod sa kanya pagpasok sa loob ng bar.

HEARTLESS EMPRESSWhere stories live. Discover now