To be honest akala ko mauunahan pa ako ni Mika. Na ako yung unang magsasalita sa kasal niya. Na-iimagine ko rin na ako ang sasalo sa bouquet niya. Pero nagkabaliktad yata kami at ako ang nauna.

Sobra-sobra ang panghihinayang ko nung nalaman kong naghiwalay na silang dalawa. Sila na kasi ang simbolo na tinatawag natin na "forever" ngunit ika nga nila "walang forever". Pero guys, I'm assuring you na Mika has acceptable and valid reasons. Hahayaan ko na siya na lang magsabi sa inyo kung bakit. For now, I'll party muna with my friends and make the most of the night.

*****

Mika's POV

Touchdown Philippines. Nalalanghap ko na muli ang polusyon ng ka-Maynilaan. Na-miss ko 'to. Yung traffic sa EDSA, yung mga makukulit na jeepney drivers, yung mga wagas na singers sa videoke at iba pa. Sobrang iba talaga kapag nandito ka na yung tipong at ease ka kasi alam mong payapa ang kaluluwa mo kahit madaming magnanakaw at holdaper dito.

Ngunit ang pinakanamimiss ko talaga dito ay ang barkada. Alam ko na naging masakit ang aking pag-alis ngunit kinailangan ko lang gawin ang nararapat sa mga panahon na 'yon. Hindi naging madali para sa'kin ang ginawa ko lalo na't ayaw ko naman talaga silang iwan lalong-lalo na si Vic.

Nasabihan ko siya ng masasakit na salita. Hindi ko alam kung bakit lumabas ang mga salitang 'yon sa aking mga bibig. Siguro, sumabog na lang din ako katulad ng iba. Pinili ko siyang saktan at iwan kapalit ng aking pangarap.

Tawagin niyo na akong selfish pero ginawa ko lang naman din 'yon para sa ikabubuti ko at sa ikabubuti ng lahat. At ngayon na nakauwi na ako, sana'y bigyan niya ulit ako ng pagkakataon para ayusin ang lahat ng pagkakamali ko.

Hindi ko man maibabalik ang tamis ng aming pagmamahalan pero okay lang. Ang gusto ko lamang ay ibalik ang friendship namin ni Daks. Wala eh, solid talaga kaming dalawa. Walang makakatalo sa kanya dito sa puso ko.

*****

"Huy Miks, gising ka muna. Iniwian kita ng pagkain. Alam ko naman na masakit pa yang ulo mo dahil sa jetlat. Pero kailangan ng tyan mo nito. Dali na tayo na" sabi ni Jessey.

"5 minutes BF, sakit pa ulot" sagot ko naman dito.

"Anong 5 minutes? Dali na tayo ka na. Mas sasakit lang 'yan kapag hindi ka kumain" ika ni Jessey. Wala naman na akong magagawa eh alam kong kukulitin lang ako nito hanggang sa tumayo ako.

"Oo na, tatayo na" sabi ko at inayos ko na ang aking sarili.

"Bf, okay ka lang ba. Wala namang bang sumasakit sa'yo?" OA naman 'tong si Jess.

"Meron nga yung ulo ko, kainis naman this jetlag oh" sabi ko sa kanya. "Anyway, nasaan na ba ang pagkain" dugtong ko na tila'y kumikinang ang mga mata.

Usapang pagkain eh, makakahindi pa ba ako. Kilala niyo naman ako diba at alam kong alam niyo na may anaconda ako sa tyan.

"Alam mo bf, mas naging matakaw ka yata. Ganyan na ba epekto ng New York sa'yo" luh, dinamay pa ang New York. Eh hindi nga ako masyadong nakakalabas doon.

"Baliw ka bf! Alam mo namang matakaw lang talaga ako since birth" sabi ko na natatawa.

"Nga pala asan na si Riri your love is like the sun?" corny kong sabi.

"Nandyan siya kanina. Kaso pinauwi ko na rin kasi I'm sure na pagod na pagod na 'yon. Don't worry Miks, she's in great hands. Kasama niya naman sila Kimmy eh so wala akong dapat ikagambala" sagot naman nito.

Tadhana: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now