"Pero Jess, napapagod din naman sila. Tao din naman sila. Nasasaktan din naman sila" sagot naman ni Ate Moks.

"Alam mo kasi Ate Mowky. Nagmahal ka na lang din diba, why not make the most out of it. Na sa gayon ay hindi natin pagsisisihan ang mga maaring mangyari. Until now ate naniniwala pa rin ako sa katagang ito na "Ang tunay na nagmamahal ay hindi napapagod at ang totoong nagmamahal ay marunong maghintay" saad ko sa kanya.

"Babe, hinding-hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Nandito lamang ako 24/7. Handa akong maglingkod sa'yo hanggang sa dulo ng walang hanggan. Hindi kita isusuko sa kahit na sino man. Kasi Jess, ikaw lang at ikaw lang ang mamahalin ko" singit naman ni Ria.

Babe naman eh, kinikilig ako kapag ganyan ka sa akin. I'm so lucky talaga to have you in my life in my whole entire lifetime.

"Wooh, grabe humugot talaga kayong dalawa ah. #LoveTeamoftheYear #JeRia" magiliw na sabi ni Kianna.

"Sira ka talaga Kianna. Lagot ka sa'kin pag-uwi" pananakot ko kay Kianna.

"Ate Jess naman, joke lang. Alam mo naman love na love ko kayong dalawa ni Ate Ri" ika pa nito.

"Mga ate wait lang ha, naiihi na kasi ako. Maya na natin ituloy itong hugutan" sabi ni Kianna sabay takbo patungo sa CR.

"Jess maiba nga tayo. Since tayong tatlo na lang naman ang nandito pag-usapan nga natin yung kanina" ika ni ate Moks.

"Anong kanina ate? Yung kasal namin ni Riri? o yung--" hindi ko na natapos dahil sumingit na siya.

"Hindi. Si Mika. Hello Jess, hindi ba nila deserve malaman na nakauwi na rin si Ye" sabi ni Ate Moks.

"Bawal pa Ate Moks, please lang. Alam mo na naman yung rason diba. Oo, nahihirapan na si Vic pero hindi ba mas nahihirapan si Mika" seryoso kong sabi.

"Paano mo naman ipaiintindi sa kanila 'yan eh kung para sa kanilang lahat eh si Vic lang ang nasasaktan at nahihirapan" tanong niya naman sa akin.

"The right time will come ate. Minsan kasi mahirap nang magbigay kapag ubos ka na" hugot ko naman. Siyempre mas kakampihan ko si Mikang kahit boss ko si Vic.

"Ang sa akin lang bakit pa kailangan itago sa kanila. Eh malalaman din naman nila" tanong muli ni Ate Moks.

"Anong malalaman?" singit naman ni Cienne sa amin. Kahit kailan talaga palagi nalang singit 'tong si singkit.

"Ciennang, wala ka na doon. Akala ko ba uuwi na kayo ni Cyd?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga. Kaya nga ako nandito diba kasi magpapaalam ako. Eh mukhang gusto niyo pa ako mag-stay" sabi ni Cienne.

"Huy don't say bad words. Bye na Ciennang. Uwi na ha. Take care. Love you. Bye Cyd" sabi ko sa kanila.

"Osya, ingat kayo ha. See you when I see you" sabi naman ni ate Moks.

"Sige na nga! Bye guys. Tara na ate Cyd" nagpaalam na sila at umalis.

"Muntik na tayo doon babe" nakahinga naman kaming malilim ni Riri.

Tama nga kayo. Alam ni Riri na nakauwi na nga si Mika ng Pinas. Besides kay Kim, alam ko din naman kung ano ang tunay na rason ng pag-alis ni Mika. Sobrang nasaktan din ako nung nalaman ko kung bakit. Siyempre ayaw kong iwan niya ako. Duh, ultra BF kami eh. Pero kung sa ikabubuti ng lahat why not let her go right.

Nakatira nga pala si Mika sa Bahay ko. Siyempre ako ang design at si Ara naman ang nagtayo nito at kasama niya ang pogi kong babe na si Riri. Speaking of Riri, it's official na pala guys. We're getting married. Siyempre alam na nila 'yon gusto ko lang ibalita sa inyong lahat. Kinikilig pa rin kasi ako haggang ngayon.

Tadhana: Syntax ErrorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora