"Anong klase ng libro ang gusto mong basahin?" She asked.



"Nasa mood akong magbasa ng love story." I giggled.



Bigla namang pumasok sa isip ko si Sapphire. Oh, I missed my sister so much. Excited na akong makita siya soon.



She grinned. "Nandun sa section na yun yung mga love stories." Sabi niya sabay turo sa mga librong nasa dulo.



Tumango naman ako. "Thanks, Ate Candace."



"Sure." Sabi niya sabay punta sa ibang section ng mga libro.



Kasing laki lang ata ng library namin tong library ng palasyo ng Amadelica. Dark blue yung kulay ng library nila habang samin naman ay white.



Napili kong basahin yung libro tungkol sa isang babae na pinilit na mag-aral sa Paris at nainlove sa isang french guy.



Agad kong kinuha yung libro at naglakad sa bakanteng upuan, sa tapat ni Ate Candace.



Ngumiti siya sakin nang makaupo akk sa tapat niya. Ngumiti ako balik bago binuklat yung libro at nagsimulang magbasa.



Nagskip ako ng apat na pages dahil gusto ko nang mabasa yung scene ng main characters. Ganito talaga ako magbasa ng libro, tsaka di naman ako bookworm. Si Sapphire yon.



"Alexandrite," Tumikhim si Ate Candace at inangat ko naman yung tingin ko. "nasabi na ba sayo ni Dasher?"



"Yung alin po, Ate?"



"Yung tungkol kay--..nevermind, wala ako sa position na sabihin sayo yon." Ngumiti siya bago sinara yung libro at tumayo.



Lumapit siya sakin at tinapik ang balikat ko bago niyakap yung libro at lumabas sa library.



Damn, that was weird and awkward.



****



Naglalakad ako sa hallway, papunta ako sa kwarto para magpalit ng dress. Kakagaling ko lang sa labas dahil nilaro laro ko si Chase at Frost.



Hindi ko pa nakikita si Dasher simula nung lumabas ako sa kwarto habang nagsshower siya. Natanong ko siya sa maid three hours ago at sinabing pumunta raw sila ni King Ryland sa town para bisitahin ang town hall.



I'm sure nakauwi na sila, namimiss ko na rin yung lokong yon.



Agad akong pumasok sa loob ng kwarto nang makarating ako dun. Naghanap ako ng dress na hanggang sa ankle at pumasok sa banyo. Nagshower ako bago nagpalit. Inayos ko rin ang buhok ko, naglagay ako ng light makeup at lumabas.



Nasan kaya si Dasher?



Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa nakarating ako sa living room.



Nandun sina Ate Candace, Tita Adeline at isang babae na hindi ko kilala.



"A-Alexandrite!" Gulat na sabi ni Tita Adeline bago tumayo at lumapit sakin para magbeso.



"Hi, Tita and Ate," I smiled. Hinarap ko yung babae na nakaupo sa gilid ni Ate Candace. "hi!"



Ngumiti siya sakin bago tumayo at yumuko. "Hello, po."



Pinaupo ako ni Tita sa gilid niya. "Nakita niyo po ba si Dasher?"



Napatingin sakin yung babae. Teka, is she a princess? Saang kingdom?



Well, she looks rich. Nakadress siya na hanggang tuhod, nakakulot ang buhok, light yung makeup niya pero super red yung lips niya.



"Uh, hindi ko alam, iha," Ngumiti si Tita. "iha, this is Princess Alexandrite Davis. Galing siya sa Kaharian ng Gemlitez."



"Oh!" She smiled before offering her hand. Nakangiti ko naman itong tinanggap. "hi, Princess Alexandrite."



"Alexandrite, this is Slyvia Carson." Sabi naman ni Ate Candace



"Hi, Slyvia, nice to meet you." Masaya kong sabi.



Tumango siya bago ngumiti.



"So, Ate Dace, alam na po ba ni Dasher na nandito ako?" She asked politely.



"H-Hindi ko pa alam." Sabi ni Ate Candace bago tumingi kay Tita tapos sakin.



"Are you Dasher's friend?" I asked.



She giggled. "Nope."



"Oh, best--.." Pinutol niya naman yung sasabihin ko.



"I'm Dasher's girlfriend." She smiled widely.



Natigil ako sa sinabi niya. Wait, what? Girlfriend?



Sakto namang dumating si Dasher at nagulat nang makita ako at si Slyvia.



"Slyvia? You're here?" Gulat na gulat niyang sabi.



Agad namang tumayo si Slyvia at inatake ng yakap si Dasher.



"I missed you!" Excited niyang sabi.



Nabigla si Dasher don, akala ko itutulak niya si Sylvia o ano pero hindi. Niyakap niya ito balik kaya sumakit ang puso ko.



"I..I missed you too." Sabi niya habang nakatingin sakin ng diretso.



Wow. Just wow! What do you fucking expect, Alexandrite? He's a fucking playboy!



________

#shortupdate

Julia Barretto as Slyvia Dominique Carson



Yes, chinange ko po yung characters. Si Arisse na po yung gaganap bilang si Daphne Lee.



My Dashing PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon