"Sino ka ba talaga Xancho? Alam kong hindi ka janitor, part-time bellboy and driver you are someone else."

Nagulat ito sa biglang tirada niya, tumikhim muna bago siya sinagot. "Gusto mong malaman kung sino talaga ako?" hindi siya sumagot because she is waiting, really waiting, she is curious. "Sasabihin ko sa isang kondisyon."

"Ano?"

"Kiss me-."

"No thank you, kapag nandoon na tayo sa unang stop natin wake me up nalang." Nagkibit-balikat siyang umayos ng upo.

"Ang daya naman ayaw mo talagang malaman?" she didn't reply. "Wala ka talagang interes?" of couse she is interested but won't give in. "Kahit kaunti." She closed her eyes and pretend that she didn't hear him. "Kapag natulog ka pagising mo sa simbahan kita dadalhin."

"Bakit? Papatayin mo ako?"

"Oh no princess papatayin lang kita sa sarap, baka gusto mo kasing palitan ang apelyido mo ng bago pwedeng pamalit ang apelyido ko mukhang bagay naman sa iyo." At kumindat pa ito.

"Xancho can you do me a favor?" malamig na tanong niya.

"Sure, what is it?" excited na tanong nito.

"Can you kill yourself this instance? As in now na?"

Isang malakas na halakhak ang narinig niyang lumabas sa bibig nito, it's a very rich laugh that gives her a different kind of shiver. It's a delicious foreign feeling that she feels from the tip of her toes to her head. Napansin niya ang pag-iling nito as if he saw or heard something very amusing but didn't say a thing, thanks to God. Muling natahimik silang dalawa hanggang sa magpull-over ito at huminto sila sa tapat ng hindi siya pamilyar na lugar.

"Saan tayo?"

"Sa langit."

"Xancho."

Ngumisi ito sa kanya. "Princess Nica huwag mo masyadong banggitin ang pangalan ko kinikilig ako."

"Buwisit ka."

Tumatawang bumaba ito sa kotse saka binuksan ang side niya, she hopped out and she almost tripped when her feet suddenly gave up. Mukhang masyado siyang nasanay sa pag-upo kaya bumigay ang tuhod niya.

"Easy." Nagmamadaling sinalo siya nito. Nakapulupot sa beywang niya ang dalawang braso nito and they look like they are hugging. Namimintig ang binti niya kaya hindi muna siya gumalaw. "Masarap ba sa bisig ko princess?"

"Stop calling me princess at hindi ako nagpapasarap sa bisig mo namimintig ang paa ko." Napatingin ito sa kanyang binti.

"Nice."

"Huh?"

"Legs. Nice legs." Kinuro niya ito pino na ikinasinghap nito. "Ikaw talaga hindi ka na mabiro pero maganda talaga ang legs mo, ikaw na ang biniyayaan ng Diyos ng mga magagandang katangian. May boobs ka na maganda pa ang legs mo maganda ka pa." she fought a blush not to creep on her cheeks dahil sa mga papuri nito hindi lang siguro siya sanay.

"Whatever." She dismissed him as she tried to relax her foot.

"Our first stop, welcome to the Blood compact shrine."

"Gusto ko sa Baclayon church." Iyon kasi ang una niyang gustong puntahan nakalimutan niyang sabihin dito dahil mas inabala niya ang sarili sa hitsura nito. Gusto kasi niyang magdasal muna para magkablessing naman ang araw niya.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin