"Sa akin na lang siya...pwede? Sa akin na lang siya Almero..." huli na nang lingunin ko siya pabalik, pasara na ang pintuan ng elevator.

Tanging mata na lang niyang lumuhuha ang nakita ko hanggang sa tuluyan ng magsara ang pintuan ng elevator.

Agad kong pinindot ang elevator button para habulin siya pero huli na at nagdiretso na ito pataas. Anong sabi niya? Tama ba ang narinig ko?

Who is she pertaining to?


"Kuya narinig nyo ba ang sabi ng babaeng kasabay natin?" tanong ko sa crew na nakakunot ang noo sa akin habang panay ang pindot ko sa elevator button.


"Wala po Mam, baka po napapagod na kayo" sagot niya sa akin na parang nahihiwagaan sa akin. Guni guni ko lang ba ang narinig ko?

But I saw her crying! She even called my name! God! Who is she?

Huminga muna ako ng malalim. I need to rest then.


Kung sakaling makikita ko siya muli dito bukas, saka ko na lang siya kakausapin. But, that's too weird. Ipinilig ko na lang ang sarili ko, I should not think too much. Hindi ito maganda sa akin.

Nakarating na kami sa kwarto ko.


"Dito na po kayo Mam, enjoy your stay" ngumiti na lang ako sa crew at mabilis ko siyang binigyan ng tip na ikinatuwa niya.


"Thank you po mam! Hindi lang kayo maganda, galante ka rin po" napabuntong hininga na lang ako. Bakit nang nagsabog ng kagandahan ang diyos ay sa akin lahat nagpunta?

Unang pagpasok ko pa lang ay namangha na ako sa ganda ng suite. Damn, I should stay here for days. From the furniture, paintings, lightings and even the wonderful view outside. This is amazing. Ang bawat parte ng kwartong ito ay detalyadong detalyado na talagang sumisigaw ng karangyaan.

Kung ako na lang rin naman ang magbabayad sa ganitong klase ng kwarto ay wag na lang, siguradong hindi birong halaga ang magagastos ko kung sakaling magtatagal ako dito.

Oh well, I have my cousin with his multi billionaire friend. Wala na akong dapat ipag alala sa bills. Napangisi na lang ako, may pakinabang kahit papaano ang masungit na Gio na 'yon.

Agad kong inihilata ang katawan ko sa malambot na kama.


Kamusta na kaya siya? Mag aapat na araw na rin siyang wala. Sinunod ko ang sabi ng mga kaibigan ko na dapat hindi muna ako tumanggap ng kahit anong tawag o text mula kay Nero at Ashong.

But I'm goddamn nervous. Ano na kaya ang nangyayari? Papaano kung gawin ni Cassidy ang lahat para akitin si Nero? Damn.

Agad kong kinuha ang phone ko na ilang araw ng nakapatay. Tinitigan ko lang ito at dahandahan ko itong ibinaba. I trust him.

Bumangon na ako sa kama at nagdiretso na ako sa banyo. Kahit ang bathtub ay napakaelegante. I hope he's here.


Damn, agad kong ipinilig ang ulo ko sa naiisip ko. Haist Florence. Sinimulan ko nang ibabad ang sarili sa bathtub. Ang sarap sa pakiramdam.

Kamusta na kaya si Troy at Owen? I hope they're fine.


Sinimulan ko nang laruin ang mga bula sa tub. Haist, baka sobra akong mawili sa hotel na ito. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang babaeng nasa elevator. Sino ang tinutukoy niya?

She looked too young about eighteen? God! Sino ang sinasabi niya? Kahit hindi ko siya masyadong pinagmasdan, I know she's beautiful. She looked so naïve and innocent but looking into her eyes, she's carrying heavy emotion.

Naaalala ko ang sarili ko sa kanya. The way her tears fall. Damn. Naguguilty ako ng wala sa oras.

Dahil sa kakaisip sa babae sa elevator ay hindi ko na napansin na nakatagal na pala ako ng isang oras sa tub, kaya naman pala nilalamig na ako. Agad na akong umahon at tinuyo ang sarili ko. Nakapili naman ako ng damit mula sa mga pinamili namin. At dahil siguro sa pagod ay mabilis na akong dinalaw ng antok.


--


Maaga akong nagising kinabuksan. Danil gusto kong suyudin ang kabuuan ng La Cortez, maaga ko na rin inayos ang sarili ko.

I need to find that intriguing girl yesterday. I should find Lexus then?


Ngayon ko pinagsisihan ang hindi pagkuha ng number ni Lexus, siguro naman ay makikita ko siya agad dito. Sana hindi siya lumipat ng ibang hotel, I need to ask his help.

Eksaktong pagsara ng pinto ng aking suite ay siya rin pagsasara ng suite na katapat ko. At halos maipatak ko ang card na hawak ko nang magtama ang aming mga mata ng babaeng kalalabas lang rin ng kanyang suite.


I can't utter any words.

Akala ko ay galit ang mabubuo sa akin sa sandaling magkita kami muli... I thought I will hate her to my heart extent. Pero bakit nangingilid ang luha ko?


"Sapphire..." mahinang sabi ko. Kahit siya ay gulat rin ang nakikita ko sa kanyang mga mata


"Florence..."

Hindi ko alam pero bigla na lang niya akong niyapos at kusa na lang gumalaw ang mga braso ko sa kanya.

Kami na lang dalawang magkapatid ang natitira, we no longer have a father nor mother to rely on. Kami na lang.


"Bakit ka nawala...?" nangangatal na tanong ko sa kanya. Naramdaman kong umiling lang siya sa tanong ko.

Mas pinili naming pumasok na lang sa aking suite para makapag usap kaming dalawa ng maayos.


"Akala ko ay next week pa tayo magkikita, mukhang pinapaaga ng pagkakataon Florence.." bahagya siyang ngumiti sa akin na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.

She still this exotically beautiful. Wala man lang pinagbago ang kanyang kagandahan. Kahit ang mga mata niyang nakuha mula kay Dad ay ganoon pa rin kaganda but there are something else. There is something in her.


"Bakit bigla ka na lang nawala? Hindi mo ba alam na hinanap ka namin? Bakit kailangan mong hindi magpakita? I don't understand you Sapphire! We are family.."


"Family..." mapait siyang ngumiti.


"How's Nero? Wala ba siyang sinasabi sayo?" nagulat ako sa biglaang tanong niya..Sinasabi?

Don't tell me she's still into Nero? It can't be. Not with my sister, akala ko ba ay napag utusan lang siya ni Samuel? Totoo ba na nagkagusto siya kay Nero?


"Sapphire..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya


"Can I ask a favour? As a sister atleast.." bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niyang ito. Damn, what is it?


"Before anything else..I need to tell you something...." hindi na ako nagsalita at hinintay ko ang sasabihin niya.


"I'm pregnant and it's a Ferell" pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ng kapatid ko.


She's bearing a Ferell.


--

VentreCanard

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon