Lumapit ako sa kanya at kinorner sya. Tumingin ako sa mga mata nyang hindi mapakali. Mas lumapit ako sa kanya at halos isang dangkal na lang ang pagitan samin.

"Akala mo totohanin ko ang tinext ko sayo 'no?" ngumisi ako. Lalo syang namula. Napakagat ako ng labi para pigilan ang sarili ko sa pagtawa. "Gagawin ko lang yon sa ibang paraan." hinalikan ko sya sa noo nya. Hinawakan ko kamay nya at umakyat sa kwarto ko.

Pinaupo ko sya sa kama at ako naman nagbihis ng komportable. Tshirt at pants lang. Pagkatapos kong magbihis binalikan ko si maid at hinawakan ulit ang kamay nyang malambot.

"Let's go?" tumango sya kaya lumabas na kami ng bahay. Habang nilo-lock ko ang bahay ko binubuksan naman ni maid ang gate. Sumakay ako ng kotse at inilabas ng bahay. Hinintay kong makasakay si maid bago pinaandar patungo sa bahay nila Mama.

Hawak-hawak ko ang kamay ni maid habang nagdri-drive. Ang lambot kasi ng kamay nya, nakakagigil lang. Tahimik lang kami ni maid, syempre pipe nga diba? Pero okay na 'to dahil hindi naman awkward.

Pagkapasok ko pa lang ng gate nila Mama nakita ko na ang triplets na naghihintay sa pintuan. Nakasimangot sila pero nung makita nila ang kotse ko ay napangiti. Nailing na lang ako.

"Ate Nissan!!" mga letche 'to. Imbis na ako yung salubunganin si maid pa ang sinalubong.

"Hey baby girl." boses pa lang kilala ko na. Nakasimangot akong lumingon sa kanya.

"What the heck Kuya?" Tinawanan nya lang ako. Bwisit. Ilang beses ko na sinabi na wag akong tawagin na baby girl ang kulit! Mana kay Papa bwisit.

"Hello, I'm History, kuya nila. You're Nissan right? Ang maid ni baby girl."

"Kuya!" hays! Kulit talaga!

Sinamaan ko ng tingin si maid na ngumingiti ngiti.

"Whatever baby girl." napairap ako. Letche lang. "Pasok na tayo naghihintay na sila don."

Sumunod kami sa kanya. Nag-uunahan yung triplets pumasok sa loob habang nakasunod kaming tatlo. Hinawakan ko kamay ni maid at hindi naman sya umangal. Subukan nya lang hahalikan ko sya.

Napabungisngis ako nung maalala ko ang nangyari kanina. Shet! Hindi ko alam na se-seryosohin nya yon. Binibiro ko lang sya at hindi ko nga alam kung bakit ko yon sinabi 'di ba? Jeez maid you never failed me to make me smile.

Nawala lang ngiti ko nang makita ko na naman si Kris. Bakit ba 'to inimbita ni Mama? Nakakapikon kaya ang tagmumukha nya.

"Hi Nissan." napairap ako ng lahat sila ay unang binati si maid kaysa sakin. Buti pa si Kuya, ako unang binati.

Si Leaf lang hindi bumati dahil busy sa pagbabasa ng libro. Kaming tatlo nila Right nagmana kami kay Papa ng mahilig magbasa ng mga libro.

Lumapit ako kay Right at tumabi sa kanya. Pinanood ko sila Mama na nakikipag-usap kay maid. Panay ang tanong nila kung paano ko pakitunguan si maid at kung okay lang ba sya sa bahay ko. Yung totoo? Sino samin ang anak nila?

"Maupo na muna tayo at makakain na. Gutom na ang mga bata." sabi ni Papa habang inaalalayan si Mama.

Sakin naman tumabi si maid dahil sa tabi ko lang ang bakante.

"Ano meron at nagpa-dinner date kayo?" tanong ko habang hinahanda ng mga maid dito ang pagkain.

"Ikaw talaga. Ikaw lang ng anak kong nagreklamo sa dinner date na 'to." sabi ni Papa. Napairap ako.

"Baby girl kaya may dinner date dahil may gusto akong i-announce." ngiting sabi ni Kuya. Napatingin naman kami sa kanya.

"Ano naman yon, Kuya?" tanong ni Legend.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon