Chapter 18

20K 578 5
                                    

HALOS panabay na itinaas ni Renan at Dave ang kamay ng bumungad sa kanila ang baril ni Nicole. Nakatutuk ito sa kanila na kinagulat ng dalawang binata.

"B-babe anong ginagawa mo? Put the gun down, baka makalabit mo yan." Ani Dave sa dalaga.

"Nicole ayaw ko pang mamatay. Magpapakasal pa kami ng girlfriend ko." Saad naman ni Renan.

"Um. Sorry, akala ko kasi kalaban ang dumating at kinakalikot ang pinto." Ani Nicole na nakangiti. Agad nitong binaba ang baril na siya namang paglapit sa kanya ni Dave.

Si Sheryn naman ay agad umalis sa likod ng couch at mabilis nitong tinakbo ang pagitan nila ni Renan. "Are you okay?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa binata.

"I'm good hon." Anito. "Oh! Thanks God." Naisatinig ni Sheryn na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"What happened about Mr. Vasquez?" Maya ay tanong ni Nicole na ikinatiim bagang ni Dave. Halata ang inis sa mukha ng binata na kinangiti ni Nicole ng lihim.

"His fine, bugbog sarado siya kay Dave. Hindi halatang pinanggigilan niyang putulan ng sungay." Ani Renan na natatawa bago niya inakay si Sheryn patungo sa silid nilang dalawa.

"Your free to go any where you want now, honey." Ani Renan kay Sheryn sabay pulupot nito ng dalawang kamay sa baywan ng dalaga.

"Really. So, pwede ko nang makita ang family and friends ko?" Excited nitong tanong sa nobyo. "Yes hon, but in one condition." Anang nobyo na kinakunot ng noo ni Sheryn.

"Condition. Ano naman ang kundisyon mong yan?" Tanong nito sabay tikwas ng kilay niya.

"Sasama ka muna sa'kin para makilala ang family ko." Anitong kinapula ng mukha ng dalaga. "Hon, hindi ba pwede na paghandaan ko muna. Kinakabahan ako e. Pano kung hindi nila ako gusto at may iba silang gusto para sa'yo." Sagot nito kay Renan at umslis sa pagkakayakap nito sa nobyo.

"Hey! Ikaw ang girlfriend ko. At hindi na magbabago yun, ikaw ang mahal ko. I don't care kung may iba man silang babaeng gusto dahil hindi naman ang puso nila ang tumitibok para sa'yo kundi ang akin." Anito kay Sheryn upang mapanatag ang loob.

Alam ni Renan na tama ang kutob ng nobya na may babaeng gustong maging nobya niya ang magulang. Pero hindi siya nagkainterest na magustuhan yun. Tanging kay Sheryn lang tumibok ang kanyang pihikang puso.

"Please hon, trust me."

"I will, mahal kita Renan kaya may tiwala ako sa'yo. At kung sakaling tatakbuhan mo man ako. You know my father. Kilala mo siya kung ano ang kaya niya at mga kaibigan niya." Anitong seryoso ang mukha na kinangiti ng binata.

Kilala nga ni Renan ang ninong Edward niya at kung ano ang kaya nitong gawin kasama ang mga kaibigan nito. At bago pa man makakarating ang lahat sa magulang ng nobya ay malamang nauna pang umataki ang magkakaibigan na Gangster Squad. Kilala niya ang iba sa mga ito at ang iba naman ay hindi pa niya nakakatagpo.

"All I want is trust me hon, kahit ilang babae pa ang nandyan kung wala naman akong nararamdaman para sa kanila. Ikaw at ikaw lang ang babaeng mahal ko at mamahalin ko. Sa'yo lang tumitibok ang puso ko at sa'yo lang din nagwawala ito." Anitong nakangiti sabay nguso niya sa paanan ng hita niya. At dahil sa huling salitang binanggit niya ay kinurot ito ng nobya sa tagiliran ng mahina.

"Dyan magaling ka talaga." Ani Sheryn na nakasimangot kaya agad itong siniil ni Renan ng halik sa labi na siya rin namang pagtugon ng dalaga.

"I love you, Sheryn. No matter what happened, remember how I love you." Ani Renan ng maghiwalay ang mga labi nila.

"I love you too. At panghahawakan ko ang sinabi mo sa'kin. I'll trust you and if someone will take you at me. I swear, magkakamatayan kaming dalawa. What mine is mine and I don't wanna share." Seryoso nitong turan na kinatuwa ng binata.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon