Chapter 7

19.9K 543 2
                                    

MANILA...

"Men. Siguraduhin niyong malinis ang pagkakatrabaho natin sa missiong ito. At kung kinakaylangang walang putukang mangyayari ay gagawin nitin." Ang command ni Renan sa mga kasamahan nito sa trabaho. Lulusubin nila ang isang istablesiminto sa Manila dahil umano sa maanumalyang kalakalan ng trabaho dito at ayun sa naitimbre sa kanilang report ay malaki daw ang palapurnalya sa naturang istablesiminto na pagawaan ng ilegal na droga. Pagdating nila sa target ay agad na  pumuwesto ang mga ito para mapasok ang ang naturang istablesimento. Wala kang maririnig na ingay mula sa mga ito tanging talas ng pakiramdam, galaw ng kamay at mata lang tanging daan para magkaintindihan silang lahat. At dahil ayun sa natanggap nilang report ay nasa under ground di umamo ang pagawaan ng droga ay dahan-dahan ang mga ito sa pagbaba ng under ground para hindi sila makagawa ng ano mang ingay. Ng malapit na sila sa bungad ng under ground ay biglang nagsign si  Brexx ng stop at ginawa naman ng mga kasamahan niya.

"Pare. CR muna ako." Anang may pagkamatabang lalaki sa kasama nito.

"Sige pare, bilisan mo lang." Aniya naman ng lalaking may katangkaran at payat.

Nang makaalis ang isa sa mga bantay ay dahan-dahan ang pagkilos si Brexx at dahil nakatalikod ang lalaking naiwan ay isang palo lang ang ginawa niya dito sa ulo ay agad na itong nakatulog. Kaya ng matapus mapusasan ito ay ang iba naman ay sinundan nila ang lalaking nagtungo ng CR. At sina Renan at Brexx ay maingat ang ginawang pagkilos para pasukin ang nasa loob ng kwartong nasa under ground ng naturang istabliseminto. At matagumpay nga nila itong napasok ng walang putukang nangyayari.

"Walang kikilos FBI ito, itaas ang mga kamay kung ayaw niyong pasabugin ko ang mga bungo niyo." Sigaw ni Renan sa mga ito. Kaya hindi nakapalag ang mga ito dahil na rin sa gulat. Pinagpupusasan naman ang ito ng mga kasamahang FBI ni Renan ng masakuti nila ang mga nagtutulak ng ipinagbabawal na druga.

At habang abala ang mga kasama ni Brexx na mga FBI. At si Renan naman ay sa pagsiyasat ng mga palapurnalyang ginagamit ng mga ito sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot ay biglang namataan ni Brexx ang isang lalaki na pupuslit sana ito.  Kaya biglang tinutukan ito ni Brexx sa ulo ng baril.

"At saan ka pupunta sa inaakala mo?" Ani Brexx na agad niyang pinusasan ito sa kamay. Ng makaharap ito ay agad nakita ni Brexx na isa itong chinese national. "Abah! May plano pa si ikaw puslit ha. Ako takasan mo gusto si ikaw balik ko china ngayon din." Ang pag-iiba ni Brexx ng boses nito.

"Good job men." Ani Renan sa mga kasamahan niya. Dahil matagumpay nilang napasok ang isa na namang pagawaan ng mga ilegal drugs sa kamaynilaan.

BUKIDNON...

Masayang-masaya ang magkakaibigan sa pangangabayo kaya hindi nila namalayan ang oras. At dahil magtatanghali na ay naisipan ng mga itong bumalik na sa mansyon ng mga Samonte. At habang pabalik ang mga ito sakay ng kabayo ay naalala nila ang kaibigang si Aslea Dennisse.

"Saan kaya nagpunta si Brat? Hindi ko akalain na takot pala siyang sumakay ng kabayo." Ani Kathryn sa mga ito.

"Takot sa kabayo pero hindi takot makipagkarera ng sasakyan." Aniya naman ni Sam sa mga ito.

"Mayron kasi siyang phobia sa kabayo." Sabat ng pinsan ni Aslea na sumama sa kanilang mangabayong si Aeron.

"Huh! Eh! Bakit nagkaphobia si ate AD sa kabayo?" Nagtatakang tanong ni Belle sa binata.

"Seven years old siya that time ng makawala ang isa sa mga kabayo sa kwadra. At bigla itong nagwala at nagtatakbo then accidentally na sa kinaroonan niya ito tumakbo. Dahil bata pa siya that time ay napatanga siya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Kaya nahagip siya ng kabayo at dahil sa takot niya ay bigla nalang siya nawalan ng malay, kaya mula noon ay takot na siyang lumapit sa kabayo. Maging si tita Weng that time ay nadala sa hospital, dahil sa takot rin niya ay bigla rin siyang hinimatay. Ang akala kasi niya ay nakaladkad na ng kabayo si AD." Ang kwento ni Aeron sa kanila.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon