Chapter 8

21.8K 599 8
                                    

MATAPUS ang one week vacation ng magkakaibigan ay balik Manila na ang mga ito at balik trabaho na rin sila. At dahil isang linggo na wala sa opisina niya si Sheryn ay tambak ang mga papers na sumalubong sa kanya. Kaya subsub siya maghapon sa trabaho at kung hindi pa siya pinuntahan ng secretary niya para magpaalam na uuwi na ito ay hindi niya maalalang dapit hapon na pala.

"Ma'am may kailangan pa po ba kayo o ipag-uutos?" Ani Beth kay Sheryn.

"H-huh! Oh! My God, hapon na pala. Sige you can go now Beth." Anito sa kanyang secretary.

"Okay po. Ah! gusto niyo po ba ng coffee ma'am? Ipagtitimpla ko po kayo bago po ako uuwi."  Ani Beth sa kanya.

"Wag na Beth. Thanks na lang at aayusin ko lang ang mga gamit ko at uuwi na rin ako." Anitong nakangiti kaya naman tumango nalang si Beth at iniwan na siya nito.

Matapus maihanda ni Sheryn ang mga gamit niya ay agad siyang lumabas ng opisina niya at nagtungo sa lift ng kumpanya nila. Pagkapasok niya doon ay agad niyang pinindot ang botton going to ground floor. Kung saan nakapark ang kotse niya at ng marating niya ito ay agad siyang sumakay. Agad niya itong inistart at tahimik niyang tinahak ang daan pauwi sa condo unit niya.

"Oh! Shit." Mahina niyang mura. "Langya namang traffic oh!" Ng makakita siya ng isang eskinita ay agad siyang pumasok doon at yun ang binaybay niya pauwi. Ngunit yun pala ang malaking kamalian na ginawa niya. Habang patuloy niyang tinatahak ang eskinitang pinasok niya ay isang grupo ang nakita niya at kitang kita ng dalawa niyang mga mata kung paano binaril ng mga ito ang isang lalaki. Dahil sa takot ni Sheryn ay pinaharurut niya agad ang kanyang sasakyan upang makaalis sa naturang lugar.

"Letche, sundan niyo bago pa kumanta yun sa mga police." Agad siyang sinundan ng mga ito. Kung gaano kabilis ang pagpapatakbo niya ay ganun din naman kabilis ang mga humahabol sa kanya. Kahit takot na takot ito ay nagawa parin niya hagilapin ang tawagan niya sa kanyang bag at may tinawagan siya.

"Hello?" Anang nasa kabilang linya.

"Ailyn. It's that you? It's me Sheryn Lleu Samañego. I need your help please. I'm in trouble, accidentaly I saw a group of men when they killed a man and now there following at me." Anitong nanginginig sa takot sa kausap.

"Okay. Calm down. Were coming just tell us the place." Ani Ailyn sa kanya. Agad naman niya sinabi ang location ng lugar kung saan ang kreming naganap. At sinabi rin niyang on the way siya sa condo unit niya.

Kaya agad na inereport ito ni Ailyn sa mga kasamahan na agad naman ang mga itong nagrespondi. Dahil may ilan silang mga kasamahang malapit sa lugar kung saan ang pinangyarihan ng krimen. Kaya agad nila itong tinungo at napag-alaman nilang positive ang area dahil nandoon nga ang bangkay na sinilid sa malaking garbage bag.

At dahil nasa labas rin sina Renan at Brexx ay itinawag dito ni Ailyn ang nangyari sa mga ito para mapuntahan nila si Sheryn kung saan ang condo unit nito.

Pagdating ni Sheryn sa building kung saan matatagpuan ang kanya condo unit ay agad nitong inipark ang kanyang kotse. Agad siyang pumasok sa loob at nagmadali siyang buksan ang lift. Ng bumukas ito ay agad siyang pumasok sa loob.

Kapapasok palang niya sa loob ng lift ay siya naman pagdating ng mga lalaking sumusunod sa kanya. Ng makita ng mga ito kung anong floor bumaba ang dalaga ay agad na nagtanong ang isa sa mga ito sa isang matanda na papasakay sa lift.

"Ah! Lola, kilala niyo po ba yung babae na pumasok dito sa elevetor?" Anang isa sa mga ito.

"Bakit, kaano-ano  ka  ni Sheryn Lleu?" Anang matanda.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon