Chapter 9

19.9K 586 4
                                    

DAHIL sa mahabang byahe ay hindi namalayan ni Sheryn na nakatulog na pala ito. Napangiti si Renan sa tuwing nililingon niya ito. Makalipas ang ilang oras na byahe ay narating nila ang rest house nila Renan. Dahil tulog ang dalaga ay hindi malaman ng binata kong bubuhatin ba niya ito o gigisingin. Mga ilang minuto rin ang hinintay niya bago siya makabuo ng pasya. Agad siyang bumababa at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at maingat niyang binuhat ang dalaga palabas ng kotse. Nakahinga ito ng maayos ng makitang nanatili itong tulog, agad siyang nagtungo sa malaking bahay na agad namang pinagbuksan ng katiwala ng rest house.

Agad niyang dinala ang dalaga sa isa sa mga kwarto sa malaking bahay at maingat niya itong inilapag sa kama. Agad tinanggal ng binata ang suot ng dalaga na sandal at agad niya itong kinumutan. Bago ito iniwan ng binata ay pinagmasdan muna niya ang maamong mukha nito na payapang natutulog, napangiti ang binata bago ito tuloyang lumabas ng naturang silid at muling binalikan ang mga gamit nila sa sasakyan.

"Hijo! Nobya mo ba yang kasama mo? Abay, ki gandang bata at mukhang mabait pa." Anang matandang katiwala.

"Ah! Ano po Nanay----

---Ay! Wag kang mahiya pang bata ka, parang hindi mo naman kami kilala." Anang matandang pinutol ang sasabihin sana ng binata kaya napakamot na lang ng ulo si Renan.

Makalipas ang ilang minuto mula ng iwan ng binata si Sheryn kung saan ito natutulog ng maalimpungatan ito. Agad niyang iginala ang mga mata at nakita nitong nasa isang silid na siya. At ng makarinig siya ng mga yapak ay muli siyang nagkunwaring natutulog.

Agad na tinulungan magdala ng mga dalang gamit ng matandang katiwala si Renan at saktong sa kabilang kwarto sana ipapasok ng binata ang mga dala niyang gamit ng punahin ito ng matanda.

"Oh! Hijo saan mo dadalhin yang mga gamit niyo? Nandito ang kwarto kung saan natutulog ang nobya mo." Anang matanda na kinakamot ni Renan ng batok. Agad na ipinasok ni Renan ang mga gamit nila ng dalaga sa silid kung saan natutulog ang dalaga.

"Ah! Sige po Nanay pakilapag na lang po dito ang mga yan, salamat po." Ani Renan dito.

"Oh! Siya kung may kailangan kayo ay wag kayong mahiya magsabi ha!" Anito sa binata. "Sige po, salamat Nanay." Ang kamot-kamot na anang binata.

Samantala si Sheryn ay nakikiramdam lang ito sa nangyayari sa paligid niya. Dinig na dinig nito ang usapan ng dalawa.

"Patay ka ngayon Renan, napagkamalan pa kayo." Naisatinig ng binata. Kunwari namang nagising si Sheryn kaya bahagya itong umungol. "Hmmmm." Agad na napatingin dito si Renan.

"Hi."

"Nasaan na tayo?" Kunway tanong ni Sheryn sa binata.

"Um. Nandito na tayo sa resthouse." Sagot ng binata. "Ganun ba? Pansensya kana nakatulog pala ako." Hinging paumanhin nito kay Renan.

"Wala yun, it's okay I understand." Nakangiting anang binata. Maya't maya ay nakarinig ang mga ito ng katatok kaya agad tinungo ng binata ang pinto para pagbuksan ito.

"Naku! Pasensya na sa abala hijo, pero naiwan mo ito sa baba, baka gamit ng nobya mo." Anang matanda na kinakamot ng ulo ni Renan. "Oh! Gising kana pala hija." Anang matandang nakangiti kay Sheryn. Agad na bumaba sa kama ang dalaga at lumapit sa mga ito kung saan ang matandang katiwala nakatayo.

"Ah! Opo, magandang gabi po sa inyo." Bati ni Sheryn ditong nakangiti.

"Magandang gabi rin sa'yo hija. Mukhang napagud ka sa byahe at nakatulog kana. Oh! siya nga pala baka hindi pa kayo naghahapunan at ipaghanda ko kayo." Anito sa dalawa.

"Ah! Nanay wag na po kayo mag-abala pa dahil naghapunan na po kami." Bigla naman nagulat ang dalaga ng bigla itong akbayan ng binata. "Darling, ikaw nagugutom ka ba?" tanong nito sa dalaga.

"Ah! Busog pa ako darling." Nakangiti nitong aniya sa harap ng matanda. "Salamat na lang po Nanay, magpahinga na lang po kayo." Aniya pa nito sa matanda.

"Oh! Siya kayo ang bahala, sige maiwan kuna kayo at kung may kailangan kayo ay tawagin niyo na lang ako." Anito bago niya iniwan ang dalawa. Saka tinanggal ng binata ang pagkakaakbay nito sa dalaga ay ng makatalikod ang matanda. Muling bumalik sa kama si Sheryn na nangingiti na hindi nalingid sa binata matapus niyang i-lock ang pinto.

"Why?" Bahagya lang umiling ang dalaga bilang sagot, ngunit ang totoo ay natatawa siya sa endearment na itinawag ng binata sa kanya. At parang nag-echo sa pandinig niya ang "darling" sa dinami dami ba namang endearment na pweding itawag sa kanya ay bakit yun pa. Dahil hindi parin mawala ang pagkakangiti ng dalaga kaya biglang inilapit ng binata ang mukha niya sa dalaga.

"So, wala lang ba talaga yang pangiti-ngiting yan?" Anito sabay kindat niya sa dalaga.

Bigla naman umakyat ang dugo ng dalaga sa kanyang mukha dahil sa inasta ng binata. "Tse! Bakit masama bang ngumiti?" Taas kilay nitong tanong sa binata upang pagtakpan ang pamumula ng mukha niya.

"I don't know?" Ang kibit balikat na anang binata bago ito tumalikod at pumasok sa loob ng bathroom. Maya-maya ay narinig ng dalaga ang lagaslas ng tubig kaya sigurado na itong naliligo ang binata.

MAKALIPAS ang ilang minuto mula ng pumasok sa paligoan ang binata ng lumabas itong nakatapis lang ng towel kaya ng makita ito ng dalaga ay bigla siyang napalunok. Kitang kita niya ang kakisigan ng binata at idagdag pa ang mamasa-masa nitong katawan at litaw na litaw ang abs nito na ani'moy alagang alaga ng gym sa tikas.

Napangiti naman ng lihim ang binata dahil nakita nito ang reaction ng dalaga. Agad itong kumuha ng black sando at isinuot. Matapus niya itong isuot ay bigla niyang tinanggal ang towel na ginamit niya kaya biglang napatakip ng mata ang dalaga sa pag-aakalang walang suot pang-ibaba ang binata, kaya natawa si Renan dito.

"Bakit tinatakpan mo ang mata mo?" Anito sa dalaga. "Magsuot ka nga ng ano, wag yung nakaganyan ka." Anito.

"Bakit nakasuot naman ako ng ano." Anang binata na natatawa. Kaya pagdilat ni Sheryn ay nakasuot na nga ito ng puting pants. Bigla naman pinamulhan ng mukha ang dalaga kaya agad nitong dinampot ang inilabas niyang mga damit at dali-dali siyang pumasok sa loob ng bathroom. At sa pagmamadali niya ay hindi nito napansing nahulog ang dala niyang bra. Kaya agad na kinatok ng binata ang pinto ng bathroom, ngunit ayaw itong buksan ng dalaga.

"Darling, open the door. You forgot the horse mask." Tila walang narinig ang dalaga dahil hindi parin niya binuksan ang pinto.

Nang marialize ni Sheryn ang ibig sabihin ni Renan ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata niya. "Oh My God. What should I do?" Tanong niya sa sarili. "Ah! Bahala na." Aniya.

"Bakit ba ang hilig niyo magsuot ng maskarang ito pero iniiwan niyo lang sa tabi-tabi---

Biglang bumukas ang pinto at lumuwa doon ang mukha ng dalaga na namumula sabay hablot nito ng bra niya. "Bastos." At pabalibag niyang isinara ang pinto ng banyo.

Napangiti naman ang binata at agad nitong hinila ang falling couch at agad na kumuha ng unan at comforter at nahiga sa couch.

Makalipas ang ilang minutong pagbabad ng dalaga sa banyo ay agad itong nagbihis at nagpasyang lumabas. Paglabas niya ay tahimik ang buong silid, napataas naman ang kilay niya. Kaya dahan-dahan itong naglakad patungo kung saan ang mga gamit niya, naramdaman naman ng binata ang presinsya nito ngunit nanatili itong nagtulog-tulogan.

Matapos mag-ayos ng dalaga gaya ng nakagawian na nito kung matapos  siyang maligo ay agad siyang sumampa sa kama at nahiga. "Tulog na nga siguro siya?" Anito sa isip ng biglang kumulog ng napakalakas kaya bigla siyang napatili sa gulat.

Napabalikwas naman ang binata ng bangon kasabay nang pagkawala ng ilaw. "Mom. Mom." Tawag ng dalaga sa ina habang nakatakip sa magkabilang tainga ang kanyang mga kamay.

"Sheryn?"

"R-renan. I'm scared." Agad na niyakap ng binata ang dalaga matapus makalapit ito dito. "Ssshhh. Don't be scared because I'm here." Sabay halik ng binata sa ulo ni Sheryn. Iniksik naman ng dalaga ang mukha niya sa matipunong dibdib ng binata. At ang takot niya ay biglang nawala. Hanggang sa nakatulogan ng dalaga na yakap-yakap siya ng binata.

TBC.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon