Chapter 13

19.2K 567 4
                                    

LUMIPAS ang araw na magkasama sina Renan at Sheryn sa resthouse ng binata. Wala naman silang naging problema habang magkasama sila. Habang nakaupo si Sheryn ay biglang nagring ang tawagan niya. At ng tingnan niya kung sino ito ay ang kaibigan niyang si Kathryn ang tumatawag. Kaya dali-dali niyang pinindot ang answer button.

"Hello, napatawag ka sis?" Agad niyang bungad dito.

"Bruha ka, nasaan ka ba?" Sagot ni Kathryn sa tanong niya. Kaya napakunot noo ito dahil sa sagot ng kaibigan niya. "May problema ba?" Nagtataka niyang tanong.

"Yeah! Si Aslea Dennisse." Sagot ni Kathryn na halatang umiiyak ang boses. "Anong nangyari sa kanya?" May pag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

"Nasa hospital siya. May sakit pala siya pero hindi lang niya sinasabi sa'tin. Kanina lang namin nalaman ng isugud siya sa hospital." Ang malungkot nitong pagbabalita kay Sheryn.

"OMG! Kumusta ang lagay niya?" Muli ay tanong niya. At dahil sa narinig na meron sakit si AD ay bigla siyang kinabahan.

"Sa ngayon ay stable na siya, kaylangan lang niya ng heart donnor sa lalong madaling panahon." Anang kausap ni Sheryn na kinabigla niya.

"What???"

Gulat niyang tanong. Halos manlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. Pinaprank ba siya ng mga ito. What the hell.

"I'm serious. Bigla siyang nahulog sa pool kanina sa mansyon ng grand parents ni Kurt ng atakihin siya ng sakit niya." Ani Kathryn.

"Oh! God, save my bestfriend at sana may mahanap agad na heart para maging donnor niya." Naidalangin nito na agad pumatak ang mga luha.

"I know makaka survive siya, matapang yun e. Hindi yun sumusuko sa lahat ng laban." Ani Kathryn. "Your right." Pagsang ayon nito.

"Teka! Nasaan ka ba, ilang weeks ng hindi ka namin nakikita?" Pag-iiba ni Kathryn ng usapan nila.

"I'm in trouble." Mabilis nitong sagot. "What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Kathryn.

"Sangkot ako sa isang kaso, nasa pangangalaga ako ng NBI ngayon para sa kaligtasan ko. Witness kasi ako sa isang chinese national na pinatay ng isang grupo." Anito kay Kathryn.

"Oh! My God. Alam ba nila tito ang nangyari?" May pag-aalalang tanong ni Kathryn sa kanya. "No, hindi nila alam. Kaya, I'm begging you, don't tell them. Ayaw kung mag-aalala si Mommy." Makaawa nito sa kaibigan sa takot na malaman ng parents niya ang totoo. Kung bakit sila magkasama ni Renan ay baka mapano pa ang kanyang ina.

"Yeah! Sure, don't worry hindi makakarating kina tito at tita. Basta mag-iingat ka dyan. If you need help, just call me." Anang kanyang kaibigan na kinahinga naman niya.

"Thanks sis, pakibalitaan na lang din ako tungkol sa kalagayan ni AD." Anito.

"Sure, don't worry about here. Gagaling yun, makikita mo." Panigurado ni Kathryn.

"Hon."

Dinig ni Kathryn sa kabilang linya na kinakunot ng noo nito. "Sis, sino yan?" Curious nitong tanong kay Sheryn.

"Huh! Ano sis----

"Sis, magsabi ka ng totoo. Wag kang maglihim kundi baka makurot kita sa singit." Biglang agaw ni Kathryn ng sasabihin ni Sheryn.

"Ano kasi. Um."

Bigla itong napakagat ng labi habang nakatingin sa nakatayong si Renan. Hindi kasi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan ang totoo. Kunot noo namang nakamata sa kanya ang binata.

GIRL IN YOUR DREAM(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon