Ang Pang-Dalawampu't Apat

Start from the beginning
                                    


Gusto kong umatras pa. Hindi ko makaya ang napakalakas na kalabog ng aking dibdib, at ang nagkakamahog nilang pagtibok. Hindi ako makahinga. Habang pinagmamasdan na nahihirapan si Sir Ram ay ayaw ko nang huminga pa.


"Hindi ka malilito sa akin dahil diretsong daan lang ang gusto ko. Hindi katulad mo na umaatras-abante..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Kapag ikaw na ang hinahabol ko ay matakot ka. Dahil kapag humabol na ako, hindi ko na kayang pigilan. Hindi ako tumitigil at kahit nakuha na ng iba ay aagawin ko pa rin." Sa kaniyang matalim na titig ay nagawa nitong ngumisi. 


Nanuyo ang aking lalamunan. Ngayong ako ang pinagmamasdan ni Sir Ram ay ramdam ko ang umaatikabong init sa aking balat tuwing dadampian niya ng tingin. Ang aking saradong kamao ay nanlalamig sa kaba.


"Damn girl,  you're such a poison to me..." Nag-iwas ito ng tingin at tuluyan na akong tinalikuran.


Pumihit na ako patungo sa loob. Kumakabog pa rin ang aking dibdib. Hindi ko iyon mapigilan at nangingig ang aking mga kamay habang nagtatrabaho.


Nang kinagabihan ay hindi ako makatulog. Paulit-ulit sa akin ang tungkol sa nangyari kanina. Napapikit na lamang ako ng mariin.

Totoo man o hindi ay alam kong simpatya lamang iyon para sa akin. Simula pa noong nakilala niya ako sa aksidente. Minsan lang mapalapit ang isang tulad niyang mayaman, sa isang mahirap. Iyon ay buo at solidong simpatya na hindi na dapat kalituhan pa. 

Dahil ang totoo naman nito, siya ang aking kandidato para protektahan ang sarili ko sa mga sakit na naidulot ni Jerard. Isang rebound, na alam kong hindi ako papatulan, kaya mas magiging mas madali para sa akin.

Iyon ang katotohanan.


Kinabukasan ay nagbago ang aking isip sa pagpunta ng mini concert. Dahil ayaw akong pumunta ng bistro (sa unang pagkakataon!) ay pumayag ako kay Lucy.

Dumaan akong saglit ng bistro para magpalaam kay Mirna. 

"Oh, ipinabibigay ni Sir Ram. Ano nanaman ito?" Hinampas kaagad ako ni Mirna sa dibdib gamit ang bouquet na hawak.

Kinurot-kurot ko ang palad habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Naka cover ng light pink ang mga pulang-pulang rosas na mahigit kumulang singkwenta. Napabuga ako ng hangin sa bibig.

Red roses!

"Ginagawa ka bang bulag ng bokalista na iyon kaya hini mo na alam ang flowers?" Sinimangutan ko si Mirna. Kinurot nito ang aking tagiliran.

"Maraming pwedeng landiin pero hindi lahat, gusto lang ay landian! Ang tanga mo naman, Chrissy!" pabulong nitong bulyaw.


Ang ibig sabihin ba niya ay isang seryosong lalaki si Sir Ram? Tsk, hindi naman iyan ganoon. Isa siyang ultimate playboy na alam kong hindi magtatagal dito sa bistro. Iiwan din niya kami.

Sa pala-isipang iyon ay naubusan ako ng hininga. Hindi ako makagalaw nang makita ang future na ganoon.

Iniwan ko kay Mirna ang bouquet para balikan na lang bukas. Tumungo akong kitchen para magpaalam kay Colofer ngunit naroon si Sir Ram nang aking abutan.


Natahimik ang crew nang lingunin ako ni Sir Ram. Ang kausap na si Colofer ay hindi na nito pinansin.

The PristineWhere stories live. Discover now