Ang Pang-Dalawampu't Apat

Start from the beginning
                                    


Habang naglalakad sa aking harapan ay nakasulyap pa rin ito sa akin. Para akong insektong nadawit sa liwanag. Naputol lamang iyon nang dumiretso na siyang kitchen.

Dumaan ang iilang minutos. Inaabangan ko ang pag-akyat muli ni Sir Ram ngunit hindi na ito dumating. Siguro ay naiirita ito dahil hindi niya ako kayang tingnan. Na-realize na niya siguro na ang halikan ang isang niyang employee ay mali.


Namura ko na ang sarili dahil hindi naman iyon maapektuhan ng dahil sa akin. Ang taas lang ng tingin mo sa sarili, Chrissy!

Kinailangan kong magtungong kitchen dahil sa mga naipong tray. Habang kausap sina Kurt doon ay lumulutang ang aking pag-iisip. Nang mapunta ako malapit sa exit ay nahagip ng aking mga mata si Sir Ram.


Dinadala ng malamig na hangin ang mga usok ng kaniyang sigarilyo patungo sa akin. Tumapang ang aking mukha sa anghang ng usok.

Pinanuod ko ito habang naninigarilyo at nakatanaw sa pool. Mababa ang mga bituin na para bang gusto siyang abutin. Iisipin kong may kapayapaan siya sa sarili ngunit nahihilo ako sa dami ng emosyon sa kaniyang nakasingkit na mga mata.


"Get back inside, Chrissy..." Lumalim ang tono ng kaniyang boses sa malamig na gabi.


Napalunok ako nang lingunin ako ng matangkad niyang pigura. Kanina pa ba niya alam na nanunuod ako?

Tumaas ang kaiyang kilay nang hindi ko ito kibuin. Kumagat pa lalo ang liwanag ng buwan sa mukha ni Sir Ram.


"Bakit mo ako iniwan kanina?" inosente kong tanong.


Wala naman akong balak na mamilit. Kung ayaw niyang sabihin ay ayos lang. Para sa isang katulad niyang makapangyarihang lalaki ay iilang bagay lamang ang pwedeng makapagpaapekto sa kaniya. 

Malaking bagay siguro iyon kaya stressed siyang naninigarilyo. 


Matagal ako nitong pinakatitigan.

"I'm stuck, and downright trapped. That's why." Nag-iwas ito ng tingin at muling humithit.

Napaubo ako nang ako ang makatanggap ng usok. Kumunot ang noo ni Sir Ram atsaka lumayo ng kaunti.


Saang bagay naman kaya siya naiipit? Hindi ba kaya ng kaniyang diskarte at pera na makawala? Hindi ba't iyon ang silbi ng pera? Ang maging solusyon sa lahat ng bagay, lalo na ang pagtakas?


Tumango na lamang ako rito at hindi na siya tinanong pa. Pasulyap-sulyap lamang ito sa akin habang siya'y pinanunuod ko. Mukhang hindi naman na niya ako uutusang pumasok sa loob.

"Sana kung lalayo ka rin lang, huwag ka nang lumapit," mahina kong sabi habang inaalala ang kanina.

"Hindi ako ang lumalapit..."


Nang wala akong maisagot pabalik ay kinagat ko ang loob ng pisngi. Tama naman siya. Dahil iyon sa aking pakay na alam kong gagana.

Mariin ako nitong tiningnan. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking mga labi ay napaatras ako.


"I don't chase, Chrissy. If that's what you want to hear, then I don't really chase. Stop confusing me too much, honey..." Pumikit itong mariin at nagpakawala ng sunod-sunod na mura.

The PristineWhere stories live. Discover now