"What the fuck? Pffttt..Shokoy song daw Troy. Tang ina, nabigyan pa tayo ng kanta" nagsimula na namang tumawa si Owen.


"Nevermind, ayokong magheheadbang katulad niyo. Pahingi na lang ng mga pinamili nyo, madadamot kayo" nakita kong mabilis kinuha ni Troy ang yema at pastillas. Agad niya itong binuksan at tinanggal ang mga balat.


"Owen, say A..." ako ang napanganga. Seryoso ba itong ginagawa ni Troy? Sinusubuan niya ba si Owen? Ano na namang kalandian ang pinaggagawa ng dalwang ito? Kailan pa sila naging sweet?


"What the h—" hindi na natapos si Owen sa sasabihin niya dahil agad na siyang pilit sinubuan ng pinsan niyang Shokoy.


"Anong lasa?" mabilis na tanong ni Troy sa pinsan niyang kunot noong ngumunguya.


"Masarap naman.." sagot ni Owen habang nangasab. Malamang lahat naman ng pagkain ay masarap kay Owen.


"Hindi nanlalabo ang paningin mo? Nasusuka? Sumasakit ang tiyan? Parang mamamatay?" ano daw? Anong tanong ng Shokoy?


"What?" nagtatakang tanong ni Owen. Hindi na siya sinagot ni Troy dahil bumaling na ito sa akin.


"Okay na to Doll, natikman na ni Owen. Walang lason, pwede mo ng kainin" mabilis niyang inihagis sa akin ang mga pastillas at yema.


"Gago!" nakita ko pa ang mabilis na pagsuntok ni Owen sa braso ni Troy na tatawa tawa lamang. Napapailing na lang ako.


--


Sa wakas ay nakarating na rin kami sa aming patutunguhan. Kasalukuyan kaming nasa entrance ng extreme park.

Natahimik lang naman ang dalawang lamang dagat na kasama ko.


"Hindi pa tayo napasok tatlo, pwede pa kayong umatras" pang aasar ko sa kanilang dalawa.

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa dalawang Shokoy na nakatingala at ilang beses ng napalunok dahil sa mga taong nagsisigawan mula sa mga rides na talagang nakapagpapabaliktad ng tiyan.

Nakapasok na kami at kapwa nakatingala pa rin silang dalawa, pareho na silang maputla. Damn, this is so exciting.


"Sasakay ba talaga tayo dyan?" kinakabahang tanong sa akin ni Troy.


"Ofcourse! Tayo ng pumila" halos parehas ko pa silang hinila sa posisyon nila.

Una kaming pumila sa ride kung saan, ilalagay kami sa pinakamataas at bigla kaming ibaba. Sinulyapan ko ang naggwapuhang Shokoy na kasama ko, pinagpapawisan na sila. Maaawa na ba ako?

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking pisngi at pinapungay ko ang aking mga mata sa kanilang dalawa.


"Ngayon ko lang narealize, lalo kayong nagwapo dalawa pag kinakabahan" pang aasar ko sa kanilang dalawa. Halos sabay silang umismid sa sinabi ko. Haist Shokoys..

Hinila ko na naman silang dalawa nang kami na ang isasalang.


"Tang ina Owen, sabihin mo kay LG mahal na mahal ko siya" napahagalpak na ako ng tawa sa sinabi ni Troy.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon