C20- A DATE WITH JSEN (4)

3.5K 83 14
                                    

Paolline's P.O.V


"DI-DITO?!" 

Nanlalaki ang mga mata ni Ian dahil sa hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Pumangewang ako't tinitigan siya sabay itinaas ko pa ang isa kong kilay para matapang tignan, "OO--BAKIT?! MAY ANGAL KA?!" 

"MICH NAMAN!" Nawala ang pagtaas ng isang kilay ko nang magreklamo siya sa'kin. May papikit-pikit pa siya ng madiin sa mga mata niya dahil sa disapproval niya. Idagdag mo pa ang malalim niyang paghinga, "PAPATAYIN MO BA AKO NG MAAGA? SA TINGIN MO NAKAIN AKO NG GAN'YANG MGA KLASE NG PAGKAIN?!" Masama ang titig niya sa'kin na parang bang may ginawa ako sa kaniyang masama. Tsk.

"Oh? Ano namang ginawa ko sa'yo? Diba ikaw pa nga ang nagsabi na AKO--" Tinuro ko ang sarili ko ang in-emphasized ko pa 'yung word na 'AKO', "--ang masusunod kung ano ang kakainin natin?" Hindi ko na napigilang hindi mapangiti ng mapang-asar dahil sa plano kong ipakain sa kaniya. Hindi ko naman siya lalasunin guys, sadyang OA lang ho si Ian, hihi.

He grouch that made me giggle, "Mich naman e! Pinagbigyan na nga kita kanina tapos dito mo pa ako papakainin?" Tumitinis na ang boses niya sa pagtatampo at nagawa pa niya talagang mag-pout. Akala ko niya siguro madadala ako sa pout-pout niya? 

"HAHAHAHA!" I laughed louder than what I thought. Natatawa ako sa kung paano magpaawa sa'kin si Ian. "Ian--" Mabagal pa ang pagtawag ko sa pangalan niya in a calm manner, "--hindi mo ako madadaan sa pout mo no! Kailangan mong makatikim ng ibang pagkain hindi iyong puro pangmayaman!" 

"EEEEE~ Michyyyyy~" 

Alam mo 'yung parang any minute ay iiyak na siya? Ang sarap sa feeling HAHAHA!-- Dejoke lang syempre hindi naman ako gano'n kasama kay Ian, e--slight lang--HAHAHA!

Hindi ko nalang siya pinansin na patuloy lang sa pagpout at pagpapaawa. Humarap ako kay manong ng nakangiti ng malapad,

"Manong pabili nga po ng sampung pisong fishball, bente pesos na kikiam at--hmm" Inilagay ko ang index finger ko sa pisngi ko't naglibot ng tingin sa mga pagkaing itinitinda ni manong, "--limang kwek kwek!" Nagpatango-tango ako in contentment. Tumingin ako kay Ian at hindi ko alam kung ano'ng irereact ko bigla.

Kasalukuyan siyang nakanganga habang nakatulala sa kawalan. Humarap ako sa kaniya't tinitigan siya ng maigi baka sakaling mabalik siya sa katinuan at mapansin niya ang presence ko, pero mukhang tuluyan na siyang nakuha ng kabilang mundo.

'Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng marami kumain ng street foods?' 

I cleared my throat to make a sound at baka sakaling matauhan siya pero wa epek. I hummed strongly like pinning something, "Baka pasukan 'yan ng langaw" Asar kong sabi sa kaniya habang tinataas 'yung baba niya para sumara ang nakanganga niyang bunganga pero parang wala lang sa kaniya 'yung pang-aasar ko, pero mukhang nabalik na naman ang senses niya kaya umayos na ako ng tayo't nag-crossed arms.

"Michy" Mahina ang boses niya. Hindi man lang siya tumitingin sa gawi ko na nasa gilid niya. Parang siyang nagshu-shooting ng isang movie na may natuklasang isang bagay na hindi niya mapaniwalaan, lol.

Hindi na ako sumagot, ni gumawa ng sound bagkus ay hinintay ko nalang ang susunod niyang sasabihin. "Babae ka ba talaga?" Tanong niya't nakatingin na siya ngayon sa'kin na parang bang unsure na unsure siya kung ano'ng bagay ako sa paningin niya. 

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon