Chapter 27 - Heartbreaks

21.9K 294 16
                                    

Kasama ko ngayon si Jay at nagpapasalamat talaga ako sakanya dahil at least hindi ko na kinailangang magpanggap na hindi nasasaktan sa tuwing nakikita ko si April at Kyle na magkasama. Oo kasi inaamin ko na. Kahit na saglit palang yung mga moments namin ni Kyle, mabigat at malakas na talaga ang tibok ng puso ko sakanila. Siguro nga kapag itawag ko to kay papa jack sasabihin lang niya na ang tanga ko at ang isip bata ko, kasi hello? Wala pa ngang 4 months na kami eh. Wala pa nga atang 2 months simula nung nagka-aminan kami. Sabihin na nating, matagal na talaga kaming nagkita. Tulad nung niligtas niya ako noon kay Alex. Pero hindi pa rin, eh. Hindi naman kasi kami nakapagusap noon. Ni-hindi ko nga narinig ang boses at nakita ng malinaw ang mukha niya.

**

"Thanks ulit Jay ha." Pasasalamat ko nang nakita kong nandito na ako sa tapat ng apartment ko. Hindi ko na siya pinababa ng sasakyan niya dahil wala rin naman akong balak na papasukin siya kasi sobrang gulo ng bahay. Nakakahiya naman kasi, diba?

"Oh, sabi ko wag ka na bumaba eh." Tinulak tulak ko siya papasok ulit ng sasakyan niya kasi nahihiya talaga ako! Yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat, yung makita kung gaano ako kaburarang tao sa bahay.

"Di naman ako papasok eh, wag ka mag-alala haha." Pagkasabi niya nun ay nagsimula na ang awkward atmosphere.

"Ihahatid lang kita papasok." Saad niya habang napakamot pa sa likod ng batok niya. Nahihiya? Hala!  Bakit naman siya nahihiya? Haha loko-loko talaga. Nung makapasok naman na ako sa gate at siya nasa labas, "Oh, nakapasok na ako. Okay na uwi ka na." Hindi naman mukhang tinataboy ko siya diba? Nahihiya lang talaga ako. Okay, paulit-ulit? Tumalikod naman na ako para papasok na talaga pero napatigil ako nung tawagin niya ang pangalan ko.

"Suzy.."

Kaya napalingon ako sakanya at nagulat nalang ako nang bigla ko nalang maramdaman na yakap-yakap niya ako.

W-wait.

Jay?

"Suzy, sundin mo ang puso mo. Kung mahal mo siya, sundin mo yan. Dahil kung kayo naman talaga para sa isa't-isa, maaayos yan. Eh pero mukha kasing nagpapataasan lang kayo ng pride. Ayusin niyo yan, pati kasi ako nadadamay na." Pagkasabi niya nun ay kumalas na siya sa pagkakayakap sakin at mabilis na pumasok na sa sasakyan niya, leaving me speechless and confused. Pati siya nadadamay na? How come?

Pumasok na ako ng bahay. Madilim sa loob tanging ang TV lang sa sala ang nakabukas. Napakamot nalang ako ng ulo ko, "Naiwan ko palang nakabukas tong TV dito?" Bulong ko sa sarili ko. Umupo muna ako sa couch para hanapin yung remote pero halos mamatay ako sa takot at gulat nang may gumalaw.

"HOY! SINO KA HA?" Madilim kasi kaya hindi ko makita ang mukha niya. Agad akong tumayo at lumapit sa switch-on ng ilaw at mabilis ko itong nabuksan. Pagkabukas ko nito ay bumungad ang isang diyosang tulo-laway na natutulog sa couch ko.

Nilapitan ko siya at pinakaka-labit. "Huy bakit ka nandito?" Agad napadilat ang mga mata niya at biglang napa-tayo.

"Ah! You scared me! I hate you!"

"Wow, I love you for that." Sarcastic kong sagot sakanya. Pero seryoso? Anong ginagawa ni Angela dito? Baka akala niya dito niya mahahanap yung ex-labs niyang si Kyle. At akala ba niya nakalimutan ko na yung pagpapanggap niyang bilang AKO? Kaya siya ang inatupag ni Kyle noon kasi akala ni Kyle siya yung niligtas niya kay Alex... na ako naman talaga.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon