Chapter 9 - Confused Feelings

26.8K 358 18
                                    

"Dahil sayo kung bakit nagkaganito mukha ko. Gamutin mo ko."

"At saka bakit ganyan yang suot mo? Ang ikli-ikli."

Umupo siya sa may dulo ng kama at binigyan lang ako ng look na 'ano-pang-tinutunganga-mo-jan'. Like a boss talaga siya. Tinignan ko lang naman din siya. Di ko namang sinabi na makipagbugbugan siya dun diba? So bakit ako ang may kasalanan? Lumapit ako sa may maleta ko at kumuha ng face towel at agad na itinapon ito sakanya.

"Ayan! Hugasan mo at ipunas mo diyan sa mukha mo." Sinabi ko habang naka crossed arms pa. Ako ang boss ngayon!

"Fine." ‘Yan lang naman ang sinagot niya. Nagulat naman ako nang in-unbotton niya ang polo niya at hinubad ito sa harap ko! Oh my gad.

"Huy ano ba!! Dun ka nga sa CR! Tsaka kwarto ko to baka nakakalimutan mo! Dun ka! Dun!" Pilit ko sakanya habang tinutulak-tulak siya.

"Tsk masanay ka na sa kaalindugan ko." Napa nga-nga ako sa sagot niya, jusko tinatangay na po ako ng hangin! Kaalindugan? Meron ba siya nun?

"Alindugan mo yang mukha mo. Dun ka na nga! Dali!"

**

"Di mo ba talaga gagamutin to? Kasalanan mo to eh kaya dapat ikaw ang gumamot."

"No" mataray-taray kong sagot sakanya.

"Ok kwento mo nalang sakin bakit ka umiiyak kanina." Napa-tingin ako sakanya with inis. Bakit ba ang dami-dami niyang gusto? Hindi na ako magugulat kung pati ako gusto niya.

"FINE! Akin na yang towel." Lumapit ako sakanya at pinunsan ang mga sugat niya. Ginamot ito, nilagyan ng betadine at nilagyan ng band aid. Mas gugustuhin kong gamutin nalang siya kesa na ikwento sakanya ang buong buhay ko at kaawaan niya ako.

"Aray dahan-dahan naman!" Pagrereklamo niya. Mas lalo ko pang tinigasan ang hawak sakanya. Bahala siya jan!

"ARAY!" Iniwas na niya ang mukha niya at tumayo. "Ako na nga lang!" Kukunin sana niya yung towel pero hindi ko hinayaan na mangyare yun kaya pagkahawak niya sa towel, hinigpitan ko ang hawak ko dito at hinila ito na nagging dahilan ng pagkabagsak niya sa ibabaw ko.

Oo bumagsak siya, sa ibabaw ko......

"Hi ate! kuya! Ano po ginagawa niyo?"

Napatingin ako sa mga batang nakadungaw sa may pintuan at saka napatingin kay Kyle na sa kasalukuyang nasa ibabaw ko pa din at gulat din na nakatingin sa mga bata.

"K-kyle.." Mahina kong tawag sakanya. Kasi nabibigatan na ako at saka, iba eh. Iba yung feeling!

"ATE! KUYA! ANO BA GINAGAWA NIYO?" napatingin nanaman ako ulit kaagad dun sa dalawang bata na nakatayo na ngayon sa may gilid ng kama kung nasaan kami ni Kyle.

"Naglalaro kami ng ate niyo! Halika dali sali kayo!" Pabirong sabi ni Kyle sa mga bata at saka dumagan samin yung dalawang bata. Ako nasa pinaka ilalim, si kyle sa ibabaw ko at ang dalawang bata nakipatong na din.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon