Chapter 6 - Butiki

30.3K 385 17
                                    

SORRY NA GUTOM SA SPACE AT ENTER hahaha naka-copy paste lang kasi ito galing sa word ko :D Scroll pa more na lang wahahaha

**

Mag iisang oras na din ako nakatayo lang dito sa tapat ng convenience store, wala akong pakialam sa ulan! Leche! Ulan lang yan! Ang dapat kong initindihin kung saan ako tutuloy ngayon. May isa pa talaga akong choice eh, pero ayoko talaga.  Ayoko naman ding humingi ng tulong kay mama at papa. Nag promise din kasi ako na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maprove lang na hindi kumpanya ang sagot sa future ko. Kaya kong tumayo at mabuhay sa sarili kong paa.

Nagulat at natauhan nalang ako nang may dalawang batang cute na cute ang lumapit sakin.

"Noona, here's an umbrella. You can share with us." Sabi niya habang naka ngiti nang napaka cute. Yung isa naman na babae, naka ngiti lang din na napaka cute katulad ng sa kasama niyang lalake. Kung titignan sila, they look like twins.

"Thank you.." Hinawakan ko yung payong at inalalayan silang pareho. Makapal na kung makapal pero ayoko ding magpa-ulan kaya naman take the opportunity and blessings na.

"Uy, call kuya, tell him!" Pangungulit nung babaeng bata sa lalake niyang kapatid.

"Bakit? Nasaan ba kuya niyo?" Tinanong ko, nakakaintindi naman siguro sila ng tagalog.

"He's inside the store." Sagot niya habang nakangiti, "Oh here's kuya!" At saka niya kinausap ang kuya raw niya sa cellphone niya.

"Kuya! We helped a girl here outside! Bilis mo kuya ha?" Saka niya binaba yung phone. Hay ang cute talaga nila! Pwede kidnapin?

"Sabi ko diba sa loob lang kayo ng sasakyan? hayy ang kulit niyo talaga." Napatingin naman ako dun sa lalaking may maamong boses.

Did I just say maamo? Mali pala kasi yun. Hindi maamo.

"Oh anong ginagawa mo dito? Ano yan?" Gulat na tanong niya sakin habang tinitignan ang kalagayan ko na basang basa at hawak-hawak ang maleta.

No i cant look weak infront of this guy. I.Cant.Look.Weak.

Napa smirk lang naman siya at hinila ako sa tabi niya.

"Umuulan. Baliw ka ba?"

Di rin naman kasi kami kasya sa payong kasama nung dalawang cute na bata... kaya bwisit na asungot to, kung maka-akbay akala mo close kami.

"Kapatid mo ba yung dalawang cute na bata?" Pagtatanong ko.

"Oo, buti alam mong cute? Mana sakin eh"

"ANG HANGIN NAMAN." Bulong ko.

"Ano nangyari sayo?" Tanong niya. Naninibago ako ah, mabait pala siya kapag gabi? Bakit may mga ganung tao? Nagtatransform kapag gabi.

"Kung akala mong napa-alis ako sa dorm ko....." Hindi ko na natapos dahil wrong timing na dumating ang dalawa kong asungot na kaibigan.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon