Tumawa naman siya.

"Small world hahahaha wait? Master? Sino yon?" siya.

Di pa pala niya alam.

"A-Ahh si Master Almada siya yung tumayong magulang ko simula nung namuhay ako sa mundong ito" ako.

"Wala kang magulang?" Kiesha na mukhang nagulat.

"Patay na daw pareho eh" ako.

"Hala sorry about that huhu!" Kiesha na medyo nalungkot.

"No it's okay, no big deal" ngumiti nalang ako at bigla ulit siyang nagsalita.

"B-Buti nakita kita kaagad akala ko masasapak mo na si Zhyron kundi malalagot ka sa mga babaeng patay na patay sakanya!" natatawa niyang sabi.

"Duh sa pangit niyang yon? Maraming patay na patay? Jusko pare parehong bulag mga tao dito" ako.

Nabulunan naman etong si Kiesha kaya iniabot ko sakanya yung tubig uminom siya at nagsalita "I-Ikaw ata ang bulag Zandra e!"

"Huh? Bakit ako?" ako.

"Di mo ba nakikita? Sobrang gwapo ni Zhyrooon! Lalo na yung best friend niya na si Tyron!" kilig na kilig niyang sabi.

Alam ko namang gwapo yun e pero ang panget ng ugali kaya panget na siya!

Ohhh wait something fishy..

"May gusto ka ba kay Zhyron? Wag doon masama ugali nun" paasar kong sabi sakanya.

Bigla namang nagulat yung mukha niya "HA?! Hindi ah! Baka malagot nanaman ako kay Ms. M"

"Bakit ka naman malalagot kay Margaret- I mean Ms. M?" ako.

Tumingin tingin naman siya sa paligid at saka bumulong sakin "Dahil inaangkin niya na sakanya si Zhyron"

"Ay ganon?" bakit niya inaangkin hindi naman sakanya?

Eh ano namang pake ko diba? Tinanong ko nalang siya ulit.

"Eh kung hindi si Zhyron, si Tyron?" Nakangisi kong sabi.

Bigla namang namula ang pisnge niya.

"H-hindi k-kaya!" tanggi niya pa.

"Don't worry your secret is safe with me" nakangisi kong sabi.

Natatawa nalang ako sa itsura niya dahil pulang pula siya.

*RINNGGG*

"Saved by the bell!! Tara na Zandra malalate tayo" nawala na yung pagkapula ng mukha niya at sabay hinila niya ko papuntang Section A.

Pumasok na kaming room at naghanap ng bakanteng upuan, sa likod nalang ang may bakante kaya doon na kami umupo ni Kiesha.

May katabi kami kaso mukhang tulog, hindi pa nga nagstastart yung klase tulog na agad.

Kiesha* Me *Sleeping guy

Yan yung seating arrangement namin.

Bigla namang may dumating na professor, sa itsura palang niya mukha na siyang terror.

"Good morning class" siya.

"Good morning" sabi namin lahat except sa katabi kong natutulog.

Napatingin yung terror prof sakin parang gusto kong magtago sa ilalim ng upuan ko dahil ang talim ng tingin niya sakin.

"Well it looks like we have a new student here" nakatingin pa rin siya sakin ng matalim.

Napalingon naman sakin lahat ang mga classmate ko.

"Would you mind to introduce your self to us? In front?" sabi ni Miss terror prof.

Tinignan ko naman si Kiesha ginesture ng ulo niya yung harap na parang sinabi niya na "tumakbo ka na sa harapan bago pa sumabog yung bomba"

Tumayo naman ako, nagsimula akong maglakad papuntang harap ramdam kong lahat sila ay nakatingin sakin.

Okay Zandra chill magpapakilala ka lang! Inhale... Exhale.. Inhale.. Exhale...

"H-Hi I'm Chazandra Miracle turning 17 soon, I'm new here sana maging kaibigan ko kayo" nagsmile naman ako natuwa naman ako kasi may nagsmile din naman pabalik napalingon ako sa kabilang side at nakita ko doon si Margarett- I mean Ms. M tsaka yung dalawang kambal na nakataas nanaman ang kilay sakin kaklase ko din pala sila.

Bumalik na ko sa upuan nakahinga nako sawakas ng maluwag, naggesture naman si Kiesha ng thumbs up sakin kaya napangiti nalang ako.

"Welcome sa Avalon Chazandra I hope you can survive until the end of this school year, I'm Ms. Red or you can call me Ms. R, so shall we start our discussion?" siya.

Napatango nalang kaming lahat except sa katabi ko, tulog parin nako patay siya pag napansin siya ni Ms. R.

Gisingin ko kaya? Sayang kasi ang lessons!

"Psst! Psst! Gising start na ang klase!" pabulong kong sabi.

Niyugyog ko siya ng niyugyog, nagising siya at napalingon sakin *cold stare* no way siya nanaman!

"Just mind your own business stupid!" sabi niya at bigla uli siyang natulog.

"A-ba--" sisigaw na sana ako pero biglang tinakpan ni Kiesha ang bibig ko.

"Kung ayaw mong mapuntang detention ngayong araw be a good girl, ganyan yan talaga siya sa lahat ng klase hayaan mo na matalino na yan" pabulong na sabi ni Kiesha.

Eh kasi naman eh! Kung alam ko lang na siya yung walang modong nilalang edi sana hindi ko na siya ginising hmp! Matalino? May utak pala tong Zhyron na to?

Hindi ko nalang siya pinansin, nilabas ko nalang ang notebook ko at ang cool pen ko gaya ng ginawa nila Kiesha at nung ibang estudyante, siguro magtatakedown notes kami habang nagdidicuss si Ms. R.

"So I know you are all familiar about sa history ng Zonadia but ididiscuss ko ulit to bago natin pagaaralan ang Zodiac Tribes" Ms. Terror Prof.

Zodiac tribes? History? Mukhang marami rami akong maisusulat ngayon...

**
A/N:

Oraaaayttt as promised nagUD ako today! ^

This chapter is dedicated to unknown_025

Sana magustuhan mo tong update salamat sa flattering message! :*

Ayan na po malapit na nating maiintindihan ang history at ano yung mga Zodiac tribes? Let's find out next update! See ya gals!

Di po to edited so sana kung may typos pakintindi ty! :*

-diwata

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now