Ang Pang-Dalawampu't Tatlo

Začať od začiatku
                                    

Para akong trolley. Tsk!


"Bakit gusto mo d'yan sa likod?" sabi ko habang naglalakad kami. "Bakit ayaw mo sa tabi ko?" 

Napasimangot din ako sa sariling tanong. Nitong mga nakaraan ay nawawala na talaga ako sa huwisyo. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin.

Habang naglalakad ay nakakawit pa rin ang kaniyang dalawang kamay sa aming mga balikat. Mabuti na lamang at walang masyaong tao sa hallway.

"Can you just walk? Ang daldal..."

Napasimangot akong lalo. Hindi ako madaldal! Nagtatanong lang naman ako!

"Hindi ka sanay na may kasabay maglakad? Anti-social ka, sir?" tanong ko rito.

Diniinan nito ang kapit sa aking balikat, kasabay ng kaniyang singhal sa aking tainga. Napapikit ako sa init na dala nito ngunit nagising ang diwa.

"Aray! Masakit, Sir Ram! Tsk..." Hinimas ko ang mga balikat na masakit. Kinabig ko ang kamay ni Sir Ram sa akin balikat habang hinihimas iyon.

"I told you to drop the 'sir'. You're so stubborn!" Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito habang nagmamartsa kami.


Napanguso na lang ako. Nalulukot ang aking mukha dahil sa kaniyang pagtaas ng boses, ngunit tumataas ang isang sulok ng aking labi. May kumiliti sa loob ng aking tiyan.

"Maganda ka kung hindi mo bubuksan ang bibig mo. You are always tripping..."

Umangil ako. Binilisan ko ang lakad. 

"Wait! I'm just kidding, Chrissy!" Humabol kaagad si Sir Ram. 


Panandalian ko itong nilingon. Hindi ko matanggap na ang katulad niya ay marunong magbiro. Clean haircut, thick eyebrows, matangos na ilong at mapula't manipis na labi. Pero ang kaniyang mga mata ay sobrang dilim na asul. Kasi ay sobrang seryoso, strikto. 

Sobrang intense at intimidating ang dating.

"Does it hurt..." Nilapat nitong muli ang dalawang palad sa ibabaw ng aking mga balikat. Kinagat niya ang pang-ibabang labi.

Tinitigan ko lamang ito. Napanguso ako sa pagpipigil ng kung anong mainit sa aking tiyan.

"Sorry..." Ito ang naghimas sa mga balikat ko. 


Nang malapit na kami sa kotse ay nauna na si Sir...si, uhmm, si Ram. Inilahad nito sa akin ang pinto. Nang makasigurong nasa loob ay ako ay umalis na kami.

Sa isang mamahaling restaurant niya hininto ang sasakyan. Napatitig ako sa marangyang mga taong labas-masok doon. Napatingin naman ako sa suot kong tshirt at jeans.

"Uhh, uuwi na lang ako. Salamat..." 

Baka naman may date ito at dito lang didiretso, hindi na sa bistro. Kaya aalis na lang ako.

"What? Why are you going home, Chrissy?" Humahabol ang mga mata ni Ram sa akin.


Muntik na akong mapatigil sa aking plano dahil sa mga matang iyon. Tuwing magiging kaswal siya ay nagugulat ako. Nalilimot ko ang mga bagay. Lalo na kapag rumerehistro sa aking utak na ang isang katulad niya ay kasama ang isang katulad ko.

Pagkababa ko ay dinig ko rin ang kaniyang pagbaba. Pabagsak nitong sinarado ang pinto ng kotse.

"Chrissy! Wait! Why do always keep on running?" Kumunot ang noo ni Ram sa akin at inismiran ako. "Saan ka pupunta?"

The PristineWhere stories live. Discover now