Ang Pang-Dalawampu't Dalawa

Beginne am Anfang
                                    


"Ah! Susunduin na lang kita sa apartment mo. Sige na kasi!"

"Hindi nga, Lucy. Magpasama ka na lang sa iba---"

Naiwang bukas ang bibig ko at napatigil kami sa paglalakad. May nag-crack sa likod ng ulo ko.


"Sino 'yung nambato? Napaka walang modo naman!" Sumigaw kaagad si Lucy sa mga tao sa likuran namin, lalo na sa mga lalaking nagtatawanan. 

Malagkit ang nagbitak na itlog sa bumbunan ko nang hawiin ko iyon. Napanganga ako sa gulat. Nagtawanan pa lalo ang mga hindi kilalang lalaki sa aming likuran na siyang may pakana.

"Sino ba kayo? Walang hiya!" muling sigaw ni Lucy.


Ang mga kwintas at tshirt na nakikita ko sa katawan nila lamang ang aking naging basehan. At sapat na iyon para sabihing ito ang mga kasapi nina Clarisse sa frat! Anim ang lalaking nasa likod namin at ni isang estudyante ay hindi nakielam.

"Ikaw ang walang hiya! Hindi ka naman kasali," halakhak ng isang may katangakarang lalaki.

Hinila ko si Lucy palayo pero nambubuntot ang mga ito. Ramdam ko ang panginginig ni Lucy sa takot. Napatiim-bagang ako. Pinapatay ko na si Clarisse sa aking utak. Rules na ng university ang binabangga niya para sa isang lalaking nagpapakadesperada siya!

"Mali naman ang description ni Clarisse. She's got a pretty face and pretty ass, dude!" Nagtawanan ang mga lalaki.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasabay ko sa sidewalk. Nakasunod itong mga mukhang naka-high na mga lalaking ito. Mas lalo lamang akong pinuno ng takot at kaba.

"Woah, there. Anong pangalan mo? Why are you with Chrissy, anyway?" Hiniklat noong isang lalaking naka-jersey pa ang braso ni Lucy.

Nag-init ang ulo ko at agad na hinati ang kamay nito at ang braso ni Lucy. Lumamlam ang mga mata ng kaibigan ko. Nawala na ang dila niya sa takot.

"Ano bang problema niyo? Ka lalaking niyong tao pumapatol kayo sa babae! Tigilan niyo na kami!" Sumigaw ako.

"Ohh! Galit na galit! Tara doon sa gilid at doon natin pag-usapan!" Hinawakan nito ang braso ko pero binawi ko kaagad.


 Tiyak na naroon na si Clarisse sa kung anong park man ang mayroon sila rito sa loob ng university. O, mas mahirap para sa akin ay sa hall. Kung maaari ay ayaw kong bumabangga ng mga members ng may frat. Pulutong sila kung umatake.

"Hindi kami sasama sa iyo. Sabihin mo kay Clarisse na siya sana ang humarap sa akin. Hindi 'yung inuutos niya pa sa mga hindi tunay na lalaki," nanggagalaiti kong sabi.

"Aba! Sumasagot ka? Tapang  mo! Kahit babae ka papatulan kita..." Umamba ang lalaki ng suntok sa akin. 

Pumikit akong mariin at hinawakan ang braso ni Lucy. 


Tingin ko'y magiging violet ang aking mukha dahil sa matatamong suntok. Ihahanda ko na lamang ang mga first-aid kit at make-up. Bahala na...

"Oh my god, Chrissy!"


Ilang segundo ang lumipas na walang tumatamang kamao sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata. Nakahandusay sa ground ng sidewalk ang lalaking susuntok sa'kin.

Napawang ang bibig ko.


Kinwelyuhan ni Sir Ram lalaking nakahandusay. Dumudugo ang gilid ng labi nito. 

The PristineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt