C19- A DATE WITH JSEN (3)

3.5K 78 9
                                    

Paolline's P.O.V


Pagpasok na pagpasok palang namin sa EK ay marami ng mga mata ang nakatingin sa'min. Oo nga pala, SIKAT nga pala itong kasama kong lalaki. Naku~ baka pagkaguluhan kami!

"Huy, Ian. Hindi ka kaya sugurin ng mga fans mo na makakakilala sa'yo dito? Ready ka naman siguro kasi alam mo na maaaring mangyari 'yon diba?" bulong ko sa kan'ya habang patuloy pa rin kaming naglalakad. Naglilibot pareho ang mga mata namin sa paligid para ma-alarm kung mayro'n ngang biglang makakilala kay Ian at pagkaguluhan pa siya dito.

"Iyon na nga e, Mich. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling may makakilala nga sa'kin dito na fan ko. Nakalimutan kong magdala ng pang-disguise e" pabulong niya ring sagot sabay napakamot pa siya sa buhok niya sign ng pagkahiya.

"ANO?!" Dahil sa kagulatan ko sa narinig ko ay bigla nalang akong napasigaw kay Ian at dahil do'n ay agaring tinakpan ni Ian ang bibig ko para pigilan ako sa pagsigaw.

Nakatingin lang ako kay Ian na gulat na gulat pa rin. Hindi kami nagalaw sa pwesto namin na parang bang na-stuck kami sa moment na ito dahil hindi namin malaman kung ano ang gagawin. 

Bakit parang tinatago ni Ian 'yung mukha niya?. Tumutungo kasi siya at parang kinakabahan na siya. Napatingin ako sa parte ng likod niya at doon nakita ko ang iilang mga babae ang nakatulala sa pwesto namin, particularly, sa lalaking nakatalikod sa kanila na kaharap ko. At doon ko na napansin--na sa kabila ng ginawa kong pagsigaw ay may nakaabang ng gulo.


'KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!'

'OMG! IS THAT JSEN THE FAMOUS VOCALIST OF PART TIME LOVE?'

'KYAAAAAAAAAAA! HE'S HERE! PRINCE JSEN IS HERE!'

'PRINCE JSEEEEEEN!'


Sabay-sabay ang mga malalakas na iritan at sigawan ang narinig namin ni Ian at iyon ay DAHIL SA MGA FANS NIYANG NAKAKILALA NA SA KANIYA! PATAY!

Napatingin ako kay IAN. Mukha siyang naririndi--ay hindi pala--rindi na talaga siya kahit ako ay rinding rindi na dahil sa samutsaring sigawan ng mga kababaihan sa paligid namin na ready na kaming lusubin. Kinakabahan pa rin siya na parang hindi malaman ang gagawin. Hahaha, ang cute nga niya tignan e--AY JONGINA! HINDI MUNA ITO ANG TIME PARA MA-CUTE-AN KAY IAN! KAILANGAN NA NAMIN MAKAALIS DITO BAGO PA KAMI SUGURIN NG MGA FANS NIYA!

"WAAAAAA! IAN, PA'NO NA TAYO NIYA--AHHHHHH!" Busy ako sa pagsigaw kay Ian at sa pagtataranta nang hawakan niya ako sa kamay at mabilis na tumakbo papalayo na ikinagulat ko naman kaya hindi agad ako makatakbo ng maayos ngunit hindi naman ako makatigil dahil mahigpit ang hawak sa'kin ni Ian.

"LUH--IAN! TEKA LANG! SAGLIIIIIIIIT!" Sigaw ko sa kaniya habang patuloy pa ring tumatakbo. Dahil nakarecover na naman ako ay kaagad akong humahabol kay Ian para makasabay siya sa pagtakbo at hindi iyong higit-higit niya ako. 

"MICH! DALIAN MO! KAPAG HINDI MO BINILISAN ANG PAGTAKBO MO AY SIGURADONG MAGEGERA TAYO NG MGA FANS KO!" Sigaw niya pabalik sa'kin habang dare-daretso lang sa pagtakbo. Lumingon siya saglit sa'kin na naging sanhi para makita ko ang mukha ni Ian na pawis na pawis na't parang biglang naging cool at gwapo siya sa paningin ko no'ng mga sandaling iyon. 

Wala naman sa sarili akong napalingon sa likod ko kung saan talaga tumingin si Ian kanina noong lumingon siya sa'kin, na naging sanhi para manlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Doon ko lang nakita ang kumpulan ng mga babae na humahabol sa'min.

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon