“I’m sorry. Hindi ko rin alam. Kagigising ko lang din, hon.”

“Please don’t do this again, honey. Mamamatay ako sa pag-
aalala sa ’yo.” O.A. rin ’to. Pero pwede rin namang kiligin, ’di ba?

“Promise. Hindi ko talaga sinasadya, honey.” Bakit kasi
nahimatay ako at tama bang umaga na talaga ako nagkamalay?

“I know. But I’m glad you’re safe. May masakit ba sa ’yo?
Anong sabi ng doktor?”

“Okay na ang pakiramdam ko. Pero wala pa si Dok… Hey!”
Hinawakan ko ang mukha niya.

“I’m so sorry pinag-alala kita.
For sure pati sina Ate.”
He held my hand na nakahawak sa mukha niya.

“Hindi mo naman kasalanan, hon. Mas mag-ingat na lang tayo. Hindi ko kakayanin ’pag nawala ka.”

“Si Chloe, how is she?”

“Iyak siya nang iyak kagabi. Hindi nga mapatahan nina
Mommy at Ate, e. She wants you. Buti na lang nakinig sa ’kin.
She’s already awake noong umalis ako. Gusto nga sumama para makita ka na agad.”

“Kawawa naman ang bata.”

“Ang mahalaga ay ligtas kayo ng baby natin.” Hinalikan niya
ako sa labi.

“Uhm…”

Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Si Dok Jerica pala, at
kasama niya si Nurse Ally.

“Sorry for interrupting. This won’t take long. Mabuti at duty
ko today dito sa ospital na ’to,” sabi ng maganda kong doktora.

“Trisha, pangalawang beses mo na ’tong nahimatay at hindi
magandang sa ospital lagi ang bagsak mo. ’Di ba’t ang sabi ko sa ’yo ay mag-iingat ka?”

“I’m so sorry, Dok. Napagod lang po siguro ako kahapon.”

“Bawal sa ’yo ang mapagod nang sobra. Nasa ikatlong buwan
ka na ng pagbubuntis mo. You have to be extra careful.”

“Yes, Dok. Sorry po talaga.”

“May dinagdag ako sa vitamins mo. Makatutulong ’yon para
maiwasan ang madalas na pagkahilo mo. Plus, you need to rest.”

“Salamat, Dok.”

Nagpaalam na rin siya pagkatapos niya akong tingnan ulit, samanatalang si Ally ay naiwan muna. Sabi ni Dok, pwede na raw akong lumabas.

“Ma’am, ang gwapo ni Sir, ah!” kinikilig na sabi ni Nurse Ally.
Natawa ako.

“Sige na nga! Tama ka na, Ally. Salamat ulit, ha? Hon, she’s Nurse Ally. Sa kanya ang cell phone na ginamit ko pantawag sa ’yo.”

“Salamat, Nurse Ally.” Kinilig naman si Ally. Haissst… “Bagay kayo ni Ma’am, Sir.”
Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin siya.

After magbayad ni Xander, umuwi na kami. May nadaanan kaming convenient store kaya binilhan namin ng ice cream si
Chloe.

Naalala kong nagbilin nga pala siya kahapon. Kawawa
naman kasi ang bata, umiyak nang dahil sa ’kin.

Hindi pa man kami nakapapasok ng bahay, sinalubong na
agad kami ni Chloe.

“Mommy, you’re here!”

“Be careful, anak. Baka madapa ka naman,” sabi ko.

“I miss you, Mommy. Saan ka po galing?”

“May pinuntahan lang si Mommy, anak.”

“Let’s go inside, baby. Mommy needs to rest,” sabi ni Xander.

Sumunod naman ako sa kanila.

“Is Mommy sick, Daddy?” Napansin siguro niyang
namumutla ako.

“No, baby. Mommy’s fine na,” sagot ko sa kanya.

Tumabi siya sa ’kin sa sofa. “Mommy, I thought you left me.”

“Baby naman, alam mong hindi gagawin ni Mommy ’yon.”
Niyakap ko siya.

“’Di ba promise ko ’yon sa ’yo?”

“Basta Mommy, don’t ever leave me. Isama mo po ako ’pag
pumunta ka sa malayong place.”

“Promise, baby.”
Dumating na rin sa living area sina Ate Marga at Mommy.

“Saan ka ba galing, Trisha? Pinag-alala mo kami,” tanong sa akin ni Ate Marga saka niya ako niyakap.

“I’m so sorry, Ate. Nagising na lang ako kaninang umaga na nasa ospital na ako. Hinimatay daw ako. Mabuti at may nagdala sa ’kin doon.”

“Ang mahalaga ay ligtas ka.”

“Salamat, Ate.”

“Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” tanong naman ni
Mommy Sandra.

“Okay naman na po ako. Sorry po at pinag-alala ko kayo.”

“Natural lang na mag-alala kami sa ’yo. ’Wag mo nang isipin
’yon.”

“Salamat po talaga.”

Nilapitan na ako ni Xander. “She needs to rest. Hali ka na sa
kwarto, hon.”

“Mommy, Ate, akyat na po muna ako.”

“Sige na, anak,” sabi ni Mommy.

“Baby, pasama ka kay Tita Marga. Ibinili kita ng ice cream,” sabi ko kay Chloe bago kami umakyat sa kwarto.

“Yehey! Let’s go, Tita,” yaya niya. Tinulungan pa ako ni Xander maglinis ng sarili ko at
magpalit ng damit. Ang sweet talaga ng husband ko.

“Hon, kaya ko naman,” sabi ko.

“Let me do this for you. I’m happy you’re here with us. Please, ’wag mo kaming iiwan.” Ayan na naman siya, e.

“Hon naman… Hindi ko gagawin ’yon, okay? Mahal na
mahal ko kayo.”

“And I love you more.” He then kissed me.

Ipinulupot ko naman ang kamay ko sa batok niya. Sino ba ang
gugustuhing iwan ang tulad niya? Tanga lang talaga si Choleen para pakawalan siya. Kaya hinding-hindi ako papayag na kunin niya sa ’kin si Xander.

“You need to rest, honey, habang kaya ko pang magpigil.”

“Ikaw talaga, Alexander!” Pinagkukurot ko siya.

“Aray naman, hon! Payakap na nga lang.”

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now