Ang Pang-Dalawampu

Start from the beginning
                                    


Nag-iwas ako ng tingin sa picture. Parang kinukuryente ang aking palad, at ang sakot ay unti-unti nang kinakain ang aking puso. Kinukurot ang aking puso nang makitang may ibang kasama si Jerard.

"Ano ka ngayon, Chrissy? Ang kapal lang ng mukha mong saktan si Jerard! You're a bitch, and bitches likes  should be dumped. Aminin mo na kasi! Jerard broke up with you pero hinahabol mo pa rin!" halakhak ni Clarisse sa kabilang dulo ng silid.

"Desperada! Gold digger!"

Tila ba nauupos na kandila ay naupo na lang ako. Dumukdok ako roon at hinayaan silang tawagin ako ng kung anu-ano dahil totoo naman.

Naririnig ko si Lucy na pinagtatanggol ako ngunit unti-unti akong namamanhid.


Mabilis ang paglipas ng mga araw. Sa school ay kumalat na kaagad ang picture na ito na nasundan pa ng iilang mga stolen shots. Ang tsismis ay madalas silang makitang magkasama. Sa cafeteria, sa car, sa gym. 

Hindi ko maatim na tingnan ang mga picture. Walang araw na hindi ako nabubuntunan ng grupo nina Clarisse at pilit na pinamumukha sa aking ako ang talunan. Nananahimik na lang ako habang nakaupo.


Sa bistro naman ay para akong nakalutang habang nagtatrabaho.

"Ano ba, Chrissy? Lagyan ba ng ketchup ang tofu?" Binagsak ni Ivan ang kaniyang mop nang pigilan ako.

Napatingin ako sa aking ginagawa. Pinilig ko na lang ang ulo.

"Thanks, Ivan..."

"Anong 'thanks'? Ilang gabi ka nang ganyan, Chrissy. Hindi ka naman ganyan." Napakamot ito sa ulo. 

Sa gilid ng aking mga mata ay nakahalukipkip lamang si Mirna habang pinagmamasdan ako. 

"Kaya nga, Ate Chrissy. May problema ka ba?" sabat ni Royette.

"Wala. Bumalik ka nga doon, proby," pang-iinis ko rito.

Nang bumalik silang lahat sa trabaho ay umiling si Mirna sa akin habang sinisipat pa rin ako. Bumalik na lang ako sa aking mga tables.


Kung ang estado sa pagtatrabaho ay lumalala, ang estado ni Sir Ram sa bistro ay ganoon din. Tuwing alas onse sa kaniyang pagbaba ay malupit ito sa crew. Mas lalo lamang siyang naging malamig at strikto. Wala nang nakakaintindi sa kaniya simula noong bumalik siya.


Isang beses ay nag-inspeksyon ito sa dining area. Sinubaybayan ko si Sir Ram. Ang kaniyang built at matangkad na katawan, ang pag flex ng kaniyang muscles tuwing gagalaw at ang matangos niyang ilong. Ayaw ko mang tingnan ang kaniyang mga mata ay hindi ko napigilan ang sarili. 


Hindi nawawala ang nakakapasong lamig sa mga ito. Tuwing ito ay pagmamasdan ay may bumabagabag sa aking sistema. Ang kaniyang makakapal na kilay ay nagdidikit nanaman. At ang noo ay kunot. 


Bawat gabi ay unti-unti kong nakikita ang mga matitigas na pader na binuo ni Sir Ram. Tuwing magtatagpo ang aming tingin ay iyon lamang ang aking nakikita. Isang malamig at matigas na pader. At iyon na lang ang natira sa kaalaman ko tungkol sa kaniya.


"Mirna..." Isang beses ay bumaba ito bago magsara ang bistro. Wala nang customers at puros crew na lang ang natira.

"Tulungan mo si Japeth magligpit sa pool," matigas niyang utos.

Dali-dali namang umalis si Mirna ngunit sumimangot ito sa akin. Dahil umuwi na rin si Royette ay ako na lamang nag-iisa sa counter. Pakiramdam ko ay na corner ako rito.

The PristineWhere stories live. Discover now