Ang Pang-Dalawampu

Start from the beginning
                                    

"Nakakainis naman si Ate Chrissy, e. Ang dami ko nang sinalong tables mo kanina," reklamo niya at nagpapadyak.

"'Wag kang magreklamo dahil proby ka pa lang, okay?" Iniwan kong nagtatalak si Royette sa aking pang-iinis. Natutuwa lamang ako sa attitude nito. 

Humingi lamang ako ng sobrang espresso kina Kurt atsaka tumungong likod. Malaya ang malamig na hangin sa aking mukha. Nalulunod ako sa amoy ng masarap na kape habang pinapahinga ang mga kalamnan.


Sa aking likod ay naririnig ko ang pag-aaway nina Kurt at Colofer. Napapangisi ako dahil ganyan sila tuwing gabi. Mukhang masaya madestino sa kitchen. Pero ang sabi ni Joel sa akin noon, ang mukhang mayroon ako ay hindi dapat tinatago sa likod ng cooking pan at oven.

Nang maubos ko ang aking kape ay sinoli ko sa lababo. Napalapit ako sa aming coffeemaker at mga puting tasa. Napanguso ako sa mga ito.


Gusto kong ipagtimpla ng kape si Sir Ram. Noong huli ko siyang nakita ay medyo umitim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Mukha siyang stressed na stressed. Pinigilan ko ang sarili dahil natatakot akong iba nanaman ang dating sa kaniya at masayang lang ang aking effort.

Tumungo na akong muli sa likod ng counter. Malamig man ang nararamdaman ay pinilit kong maging masaya sa harapan ng customers. 


Sa aking pag-uwi ay pagod na pagod ako. Dahil sa pagtatrabaho, at ang mas mabigat ay ang aking sama ng loob na kanina ko pa dala-dala.

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Nagkakamahog akong pumasok sa school ngunit pagdating ay absent naman ang prof. Napamura na lang ako ng maigi.


"Chrissy! Buti na lang dumating ka kaagad. Tingnan mo ito. Dali!" Naghihingalo si Lucy sa aking pagdating. 

Ang mga naunang classmates ko ay nakatingin din sa akin na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. Kumunot ang aking noo. Nagbaba ako ng tingin sa nakalahad na cellphone ni Lucy.

"Oh well, tingnan mo nga naman ang ihip ng hangin. Bumabaliktad ang lahat. Hindi ba, girls?" Humalakhak ang dumating sina Clarisse. Nakangisi ito sa akin na para bang nanalo siya ng Miss Universe.


Hinablot ko kaagad ang cellphone ni Lucy. Huminto ang aking hininga habang pinagmamasdan ang litrato. Isang album iyon na naka upload sa facebook. Puros grupo ang mga nauna ngunit tumigil ang aking daliri sa sumunod pa. 

Picture ito nina Jerard at Clarisse na magkaakbay. Suot ni Jerard ang maroon at gold na uniform ng kanilang department, pawis na pawis at nakangiti sa camera. Ang katabi niyang si Clarisse ay nakaakbay sa leeg nito habang ngiting-ngiti.

Walang caption ang imahe ngunit napuno ito ng likes at hearts. Nakahakot ng daang comments ang picture na iyon. 


"Relationship goals." Panay ang kanilang mga pusong emoji na sumasakit na ang sarili kong dibdib.

"Nursing and engineering talaga ang para sa isa't isa."

"Mas bagay sila kaysa sa nauna ni Jerard. May taste naman pala!" anang kumento.

Sa partikular na comment na iyon ay parang may unti-unting nabasag sa akin. Naapektuhan ako ng todo roon. Nangapal ang ilalim ng aking mga mata habang tinitingnan ang masayang picture ni Jerard at Clarisse.


Sila ang totoong bagay. Matagal nang may gusto si Clarisse dito. Siya ang babaeng makakapagpasaya kay Jerard dahil hindi siya takot sa commitment. Siya ang mas maganda at mas matalino. Siya ang mas bagay!

The PristineWhere stories live. Discover now