Ang Pang-Labing Siyam

Start from the beginning
                                    

"S-Sige, Mirna..." Lulugo-lugo na lamang umalis si Japeth. 

Mabilis akong nag-high five kay Mirna Natsaka bumalik na sa aking mga tables. Kaunti pa rin lang ang tao ngunit baka bukas ay marami na ulit sila. Nararamdaman ko iyon!


Paulit-ulit na nag-tap ang aking mga daliri sa ibabaw ng counter. Sa gilid ng aking mga mata ay nagpapapansin ang aking cellphone. Kahit na wala naman akong dapat abangan ay dinungaw ko pa rin ito sa mga paparating na text.

Bumaba ang aking mga balikat nang walang makita. Isang plain at bulok na screen lang. 


Sa buryungan ay lumabas na lang ako para magpahangin. Sa bawat minutong pumpatak ay parang sasabog ang aking dibdib. At hindi ko rin alam kung para saan.

Naabutan ko si Japeth na nakalupagi sa bermuda grass. Kinakalaykay nito ang mga wire gamit ang kaniyang mahiwagang plais. 

"Japeth! Ano na? Okay ba?" Nag-thumbs up ako rito.

Nag-thumbs up din ito sa akin at isa isang iglap ay nabalot ng soft na puting ilaw ang harapan ng bistro. Umilaw ang duktong-duktong na mga pandak na light post at mga puting lighting sa mga shrubs. Parang prom night ang dating! Ganda!

"Thank you!" Nakipag-high five ako rito bago siya pumasok sa loob.

Ngayong naiwan na ako rito sa labas at nababalot ng puting ilaw ay hindi na napigilan ang sarili. Kating-kati ang aking mga daliri habang dinudutdot ang keypad sabay send.


Ako:

Good evening, sir. Nasaan ka na?


Matagal ang pagtitig ko sa screen. Gusto ko lang namang makasigurado kung uuwi siya o hindi, ay mali, hindi 'pag-uwi' ang tawag dito dahil hindi niya naman itong tinuring na bahay. Hindi tulad namin.

Kapag hindi nga siya uuwi ay sayang ang lahat. Sayang ang katinuan at kooperasyon ng bawat isa, sayang ang mga muffins na ginawa nina Kurt kanina, ang complete attendance, ang mga pumasok na entertainers at kahit ito pang mga lighting. 

Ngayon ay masasabi kong siya talaga ang aming inaabangang lahat.


Nang makarinig ako ng smooth na ugong ng sasakyan ay nag-angat kaagad ako ng tingin. Abot ang tahip ng aking dibdib nang makita ang pamilyar na kotseng itim ni Sir Ram. Nag-abot na ang kaba at pagkatuliro sa akin.

Holy shit, he's here! 


"Hala! Hala!" Hindi alam ni Royette ang gagawin nang tumakbo na ako sa loob at sinabing nasa parking na si Sir Ram.

 Nagkakagulo na rito sa loob ng kitchen. Cramming silang lahat! Natatawa ako sa tuwa habang pinagmamasdan ang crew. Si Japeth at Ivan ay naroon lamang sa gilid, at tumatakam ng muffins! Taksil!

Ang pagpihit ng screen sa likod ang nakapagpatigil sa kanilang lahat. Para itong mga robot na luminya-linya nang eksaktong pumasok na si Sir Ram.


Para bang tumigil ang aking mundo habang pinagmamasdan itong maglakad patungo sa gitna. Nakasuot ito ng puting long sleeves na pinatungan ng coat, ngunit wala itong tie at magulo ang kwelyo. Siguro ay pilit niya itong tinanggal habang nagmamaneho dahil masikip sa leeg.

"Welcome back, Sir Ram!" sabay-sabay nilang sabi.

Matipid ang aking ngiti at unti-unti itong nawala. Inikot ni Sir Ram ang paningin sa buong kitchen. Mayroong iilang mga balloons na suggestion ni Janina. Tumaas pa lalo ang kaniyang kilay at malamig na nilibot ang paningin.

The PristineWhere stories live. Discover now