Ang Pang-Labing Siyam

Start from the beginning
                                    

Dahil doon naman masaya si Mirna ay hinayaan ko na siya. Malayo iyan sa pamilya, e. Para ako. Magiging masaya na lang ako sa relasyon niya at kapag naghiwalay na sila ay magiging malungkot naman ako. Ganoon naman ang kaibigan, hindi ba?


Pagpatak ng alas syiete y media ay umuwi na akong apartment para makapag-shower at bihis. Pagdating kong bistro ay perfect attendance ang crew, at complete uniform pa. 

"Good evening, Chrissy! My god, babalik na si Sir Ram. Hindi ko kaya!" tili ni Janina sa reception.

Nagulat din ako sa aking sarili nang ngumisi ako rito. Habang nagtatrabaho ako ay kapansin-pansin ang pagiging energetic ng crew. Ang mga kauri ni Joel sa kitchen ay hindi magkamayaw sa kaka make-up. Napapangisi na lang ako.

"Halika rito, Chrissy. Make-up ka para naman hindi boring na boring si Sir Ram kapag kausap ka. Kaya nag-aaway kayo parati, e." Nag-aayos si Mirna sa likuran ng counter nang makita ko.

Umiling ako rito. Hindi ako sanay mag make-up. Habang nag-iintay ng customers ay sumisilip ako sa komosyong nangyayari sa kitchen. Naghahanda sina Kurt at Colofer ng pagkain para sa pagdating ng aming boss.

Tingnan mo nga naman ang isang iyon. VIP!


"Uy...mamaya may word war III nanaman sa itaas. Na miss ko iyon, ah!" Siniko ako ni Mirna bigla.

Lumaki ang aking mga mata. Ganoon ba tuwing may sigalot sa pagitan namin ni Sir Ram? Dinig na dinig hanggang ibaba?

Nang tingalain ko walang lamang second floor ng bistro ay napanguso ako. Maglalaman na rin iyan maya-maya. At hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa kaniyang pagdating.

Para bang awkward dahil halos araw-araw ko itong nakaka-text at nakakatawagan. Na ako naman ang halos palaging nangunguna. Nahihiya ako sa totoo lang, dahil hindi na iyon normal para sa isang boss at employee na relasyon.


Ilang oras makalipas ay malapit na kaming mangalahati sa shift. Kahit pa ganoon ay hindi nauupos ang enthusiasm ng crew sa pagdating ni Sir Ram. Nare-ready na nila ang kitchen para sa kaunting salu-salo.

Dahil medyo kumaonti ang tao ay dinaluhan ko si Japeth sa labas. Nagyoyosi nanaman ito at mukhang badtrip.

"Uy, Japeth! May ginagawa ka ba?" masigla kong sabi rito.

Umupo ito ng maayos at tingala ako. "Hindi naman..."

"Talaga?"


Nang tumango ito ay mabilis kong sinabi ang aking balak. Gusto kong buksan namin ang mga lighting ng bistro. Dahil hindi na naaasikaso ay signage na lamang ang bukas. Maganda siguro kung bubuksan namin para mayroong bagong palamuti.

"Ahh, hahagilapin ko pa sa bodega, e. Tapos may mga kableng nakalawit na, Chrissy..." Umiling ito. Saglit na kumunot ang kaniyang noo nang sumulyap kay Mirna na paparating.

"Oo nga! Tama si Chrissy. Magiging mas maganda ang ambiance ng bistro. Atsaka, matutuwa panigurado si Sir Ram kasi ma-effort iyon, e," singit bigla ni Ivan na dumating.

"May point si Ivan at Chrissy. Sige na, Japeth! Ayusin mo na!" Sumungaw naman ang ulo ni Kurt sa bintana ng kitchen.

Taas-baba ang aking kilay kay Japeth na isang pitik na lang ay papayag na. Hindi naman kasi iyan ganyan. Isang sabi lang ay okay na. Siguro ay talagang badtrip siya.

"Hanapin mo na, Japeth. Sige na!" Umakbay si Mirna sa aking likod.

Lumaki bigla ang mga mata ni Japeth. Hindi niya alam kung saan titingin ngunit hinawakan ni Mirna ang balikat nito.

The PristineWhere stories live. Discover now