Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya ngunit wala namang sumasagot. Kumatok nanaman ako at nagbabakasakali na pagbuksan niya ako ng pinto kaso wala talaga.
"Ye, buksan mo naman yung pinto" sigaw ko mula sa labas.
"Ate Kim, hindi naman naka-lock yan. Tinatamad akong pagbuksan ka ng pintuan" sigaw naman nito pabalik sa akin.
Jusko, bukas naman pala yung pintuan. Napagod pa ako sa kakakatok, nasayang lang effort ko. Pinasok ko na agad ang kwarto niya at nakita ko si Mika na nakahiga sa kama niya ngunit nakatulala.
"Hoy babae, bakit ka tulala diyan" panggugulat ko sa kanya. Dinaganan ko lang naman siya, haha. Bakit ba, inggit kayo? Mandagan din kayo.
"Ano ba Kim, ang asim-asim mo tapos didikit ka sa'kin. Ew" nandidiring sabi ni Mika sa akin. Ang kapal din ng mukha nitong tangkad na 'to, sila na nga yung pinagluto at lahat tapos ganito pa makukuha ko. Char lang guys.
"Sorry na, sorry na. Ikaw kasi eh bakit ang lalim-lalim ng iniisip mo feel ko malulunod na ako anytime" saad ko sa kanya.
"Wala 'to Ate Kim, nag-away lang kami ni Vic" nag-away lang pala sila eh. HA? ANONG NAG-AWAY.
"Away as in, typical away niyo or world war III away?" tanong ko sa kanya na medyo kinakabahan.
"A—ano, pa—ano ko ba ipapaliwanag. Uhm, medyo world war III na hindi. Basta magulo" so totoong away na pala 'to.
"Care to make kwento? Sige na Ye, you can trust me naman eh" sincere kong sabi kay Yeye. She made a big sigh and said.
"Makakatanggi pa ba ako sa'yo. Ikaw lang naman ang napaglalabasan ko ng sama ng loob kapag wala si Jessey eh" ika ni Mika.
"Ganito kasi Ate Kim, I told Vic that I want to follow my dreams" sabi ni Ye.
"Yung dream mo na makapag-aral sa NYU? Yung dream school mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Oo, yun nga. I want to study sa city that never sleeps. I wanna feel alive ate Kim" saad naman sa'kin ni Ye.
Hindi pa ba sapat na everyday ay gumigising ka sa tabi ng Mahal mo. Na umulan man o bumagyo eh may taong maghihintay at magmamahal sa'yo. Hindi pa ba sapat si Vic para manatili ka Mika.
"Kaya ba kayo nag-away kasi gusto mong umalis at ayaw niya?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ate Kim. Hindi naman sa ayaw niya ako umalis. Nag-away kami dahil ayaw niya akong samahan" naiiyak na sabi ni Ye.
"Sino ba naman ako para diktahan siya kung ano ang gagawin niya sa buhay diba Kimmy. Girlfriend niya lang naman ako" dugtong niya pa.
"Just give her time Ye, alam ko naman na hindi ka matitiis ni Vic. Mahal na mahal ka kaya nung unggoy na 'yon" sincere na sabi ko kay Ye. Totoo naman kasi na ang kryptonite ni Vic ay si Yeye.
"Tahan na ye, 'wag ka nang umiyak please. Lagot ako kay boss Vic baka masapak ako kapag nakita ka niya umiiyak. Hindi ka ba makokonsensiya kapag pumanget itong pogi kong mukha?" ika ko. Natawa naman si Yeye kahit papaano ngunit mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang sakit.
Alam niyo meron akong pakiramdam na may hindi sa akin sinasabi si Yeye. Pero hindi ko na naman siya kukulitin kung ayaw niya. Baka kasi private matters eh.
Tinitignan ko si Yeye at hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Siguro nga nasaktan siya sa mga salitang nasabi sa kanya ni Vic. Pero knowing Vic, hindi naman niya magagawang saktan si Mika. O baka naman si Mika ang nagsabi ng masasaman salita.
"Ate Ki--kim, pw--pwede paku--ha yung in-hailer k--ko sa cabin--net" kapos-hiningang sinabi ni Mika.
"Oo, te--teka. Kukunin ko na" sabi ko sabay takbo papunta sa cabinet niya. Oo, kinakabahan ako. Inaatake nanaman kasi Mika ng sakit niya.
"Nasaan na ba kasi 'yon. Saan ba. Dito ba. Inhailer..inhailer..gotcha" nang nahanap ko na ito ay agad kong tinakbo ang kinaroroonan ni Yeye.
"Ye, ito na. Please calm down" sabi ko. Hinintay ko naman ang pagkalma ni Mika. Pero grabe lang kasi, mas malala ito sa dati. Buti na lang at may gamot na siya ngayon.
"Salamat Ate Kim, maraming salamat" malungkot na sabi ni Ye.
"Ano ba wala 'yon. Ikaw pa ang lakas mo sa akin eh" magiliw kong sabi sa kanya.
"Ye, magpahinga ka kaya muna. Gigising na lang kita kapag kakain na tayo. Sleep ka na dali" saad ko sa kanya.
"Wait lang Kimmy, may sasabihin pa ako" sabi niya.
"Next time na lang Ye, pagod ka na eh" sagot ko naman sa kanya.
"Eto kasi ang totoong rason kung bakit ako aalis. Alam ni Vic na hindi ako nagsasabi ng totoo kaya siya nagalit. Sayo ko lang 'to sasabihin ngunit mag-promise ka na hinding-hindi mo sasabihin kay Vic" sabi ni Ye.
"Oo naman Ye. Promise, cross my heart" ika ko sa kanya.
"Ganito kasi 'yon........"
End of Flashback
Hindi ko na natuloy ang aking pakukwento dahil may sumingit.
"Grabe kayo guys, hindi niyo man lang ako tiniran ng nuggets. Aray, ang sakit" sabi ni Vic sabay hawak sa kanyang ulo.
"Ikaw kasi eh ang lakas mo rin uminom. Wala ka tuloy nuggets" sabi ni Bea. Wala eh matakaw din kasi itong isa na 'to. Hat nako.
"Ano ba pinaguusapan niya diyan kanina?" mapanuring tanong ni Vic.
"Wala ka na doon, tulog ka eh. Bleh" sabi ni Bea sabay belat.
"Magluto ka nalang ng nuggets Vic kung gusto mo. Meron naman tayo sa Freezer" sabi ko sa kanya.
"Gusto ko nga Mcdo, yung sauce pa nila. Huhu. Mean kayo sakin. Lalo ka na de Leon. Ang takaw takaw niyo" sabi ni Vic na tila'y nagmamaktol.
"Siguro ate Kimmy, next time mo nalang ituloy yung kwento. Baka mabisto pa tayo eh" bulong sa'kin ni Bea.
"Oo nga mahirap na haha" bulong ko pabalik sa kanya.
Ang kulit lang ni Vic, parang naiiyak na ewan. Ang alam ko ang gusto nila ni Mika ay yung Tuna Pie ng Jollibee bakit nuggets yung iniiyakan niya. Hay nako Vic ang gulo-gulo ng buhay mo. Nasaan na ba ang tiga-ayos nito.
*****
BINABASA MO ANG
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
Chapter 2
Magsimula sa umpisa
