Nako Bea baka tumaba ka na niyan. Siyempre, hindi noh hihi. Kailangan kong i-maintain 'tong body ko for my Beh. Para turn-on siya palagi sa akin. Kilig Vibes talaga ako palagi sa tuwing iniisip ko si Beh, paano na kaya ako kapag wala siya.


"Psst, ano gusto mong drink Coke or Sprite?" tanong sa akin ni Ate Kim. Syempre coke all the way. Kaso parang mas gusto ko yung coke light baka kasi lumaki tyan ko sa Coke lang. Pero wala namang masama kung mag coke regular ako kahit paminsan minsan noh?


"Coke na lang" saad ko sa kanya. "Alam mo ate Kim, sa tingin ko lang ha. Parang umo-okay na si Ate Ara. Kung icocompare nating dalawa ang Ara ngayon sa dati. Mas maganda na 'yung Ara ngayon kasi konti nalang ang iniinom niya plus natanggal na rin yung pagsuka niya" dugtong ko habang natatawa sa tuwing sumusuka si Ate Ara. Ang panget lang kasi.


"Siguro nga unting-unti niya ng tinatanggap na wala na talaga sila ni Mika. At Unting-unting na rin nagsisink-in sa kanya na sobra na siyang nasasaktan" sabi ni Ate Kim na tila'y malungkot.


"Alam mo Bea, ako ang pinakamalapit sa kanilang dalawa. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa simula pa nung college kami. Hindi nga sila mapaghiwalay eh, parang kayo lang ni Jho. They started as best friends na naging lovers but in Vic's case they eventually turned ex lovers" dugtong pa nito.


"Ate medyo magulo pa rin sa akin kung bakit sila naghiwalay. Pwede bang paki-kwento naman sa akin" ika ko sa kanya.


"Sige, pero quiet ka lang Bea ha. Hindi ko pa kasi nasasabi sa iba ang tungkol dito" malungkot na sabi ni Ate Kim.


"Ganito kasi 'yon. 2 years ago napapadalas na ang pag-aaway nilang dalawa. Usually hindi nga nag-aaway yung dalawang 'yan kasi nga sobrang mahal nila ang isa't isa. Pero everyone knew that Mika left Vic because she wanted to follow her dreams" saad ni Ate Kim kaso nagtaka ako kaya natanong ako sa kanya.


"So hindi niya iniwan si Ate Vic to follow her dreams? Ano 'yon lokohan lang" oops, sorry ate Mika. Medyo nabigla lang, ikaw kasi eh iniwan mo pa si Ate Ara.


"Hindi kasi, makinig ka kaya muna Bea" sabi ni Ate Kim. Sabagay may point naman siya.


"Ganito kasi 'yon...." pagkukwento ni Ate Kim.

*****

Kim's POV





Flashback

2 years ago





"Ate Kim, nandito na ba si Daks?" tanong sa akin ni tangkad sabay kuha ng milk niya sa ref. Hindi ko nga alam kung bakit nahiligan ni Mika uminom ng Milk eh ang tangkad tangkad niya na.


"Nasa work pa bakit?" balik na tanong ko sa kanya. Usually alam naman ni Mika ang lahat ng schedule ni Vic ah bakit hindi niya alam ngayon. Mamaya ko na tatanugin at tatapusin ko muna ang aking niluluto.


Ano guys nagulat ba kayo? Oo, nagluluto ako. Tinuruan ako ng isang magaling na chef eh. Sino pa ba edi si Victonara. Oo nga noh nasa na kaya 'yon. Mas nauuna nga umuwi si Vic kaysa kay Mika eh.


"Wala lang. Panik muna ako sa kwarto namin" sabi naman ni Ye sa akin. Feeling ko may problema silang dalawa. Una si Vic, wala pa. Pangalawa, si Yeye na parang planner ni Vic ay hindi alam kung nasan ang Daks niya.


"Sige Ye, tawagin na lang kita kapag kakain na o kap—" hindi naman natapos ang aking sasabihin dahil paglingon ko sa lugar ni Mika ay wala na siya doon.


Tinapos ko naman agad ang mga gawain dito sa kitchen at dali-daliang pumanik sa taas. Gusto lang makausap si Mika, mukhang may bumabagabag sa isip niya ngayon eh.


Tadhana: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now