"Wala na 'to, baksak na eh. Bahala siya kay Ly ko ibibigay ang pagkain niya" sabi ni Ate Kim at binuhat na namin si Ate Ara sa loob. Nga pala narinig kong nagbanggit siya ng pagkain kanina.


"Psst ate Kim! Nasan yung pagkain?" tanong ko naman dito.


"Ha? Ah 'yun ba, nasa loob pa ng kotse. Mamaya na natin kunin ang bigat kaya nitong damulag na 'to" buti na lang at nandito si Manang Shiela para pagbuksan kami ng pinto.


"Good evening Nanay" magiliw kong bati pagbukas ni Manang ng pintuan.


"Oh ano naman ang nangyari kay Vic ngayon?" concern na tanong ni Nanay.


"Nako nay, medyo nalasing lang. Hindi naman grabe yung tamang lasing lang" sagot naman kay Nanay na tila nag-aalala kay Ate Ara.


Lumabas muli si Ate Kim pagkatapos namin ibababa sa couch si Ate Ars. Si Manang naman ay kumuha ng mainit na tubig at palanggana para ilagay dito sa damulag kong ate. Matagal-tagal na ring naninilbihan si Nanay Shiela sa bahay namin at masasabi ko na sobrang bait at maalagain niya.


Speaking of pagkain nasaan na ba si Ate Kim at nagugutom na ako. Medyo napagod kasi ako matulog dagdag mo pa yung nabitin ako dahil ginising ako ni ate Kim. Naalala ko nanaman si Beh, sobrang clingy ko na 'ata sa kanya.


Sa sobrang pag-iisip ko kay Jho ay hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.


"Bea, baliw ka na ba at ngumingiti ka mag-isa?" tanong naman ni Ate Kim. Pake niya ba, isipin di kaya niya si Ate Cyd.


"Masama ba ngumiti mag-isa. Ikaw nga kinakausap mo yung sarili mo kanina tapos sasabihan mo ako baliw. Sino kaya mas baliw sa ating dalawa?" sabi na medyo kunyari ay nag-iisip pa ako.


"In a scale of 1 – Kim Fajardo ang kabaliwan mo Ate ay nasa scale na Cyd Demecillo. Joke, este Kim Fajardo yung scale mo kasi sobrang baliw ka na at wala ng tatalo sa'yo" sabi ko sa kanya.


"Anong Cyd ang sinasabi mo, hindi naman kaya ako baliw sa kanya" defensive na sabi naman ni Kim.


"I was just saying na yung level ng kabaliwan mo ay Cyd Demecillo level. Shunga ka din ate eh, wala ka akong sinabing nababaliw ka sa kanya dahil ikaw ang nagsabi non" huminto ako saglit.


"Kaso mas baliw ka nga kay ate Cyd kaya Kim Fajardo na yung level mo. Kasi ikaw na ang pinakabaliw sa balat ng lupa. Gets? Okay penge na ako ng pagkain" sabi ko at akmang kukuha na ako nang nilaya niya sa akin ang nuggets.


"Ops, dahil tinawag mo akong baliw wala kang pagkain. Bye Bea" sabi nito sa akin sabay dila. Napaka-ano talaga nito. Siyempre hindi ako papayag. All time favorite ko kaya ang nuggets. Konting loko lang naman ay bibigay din si Ate Kim.


"Alam mo ate, hindi ka talaga mabiro. Sa pogi mong 'yan magiging baliw ka? Sus, mas pogi ka pa nga kay Ate Ara eh. Penge na ako ng nuggets" sana maawa, sana mauto.


"Mas pogi ako kay Ara?" ika nito sa akin. Hala siya, naniwala ang bruha.


"Oo naman ate Kim, ikaw pa ba" pangloloko ko sa kanya. Alam ko naman na bibigay 'to eh.


"Pasalamat ka talaga na mas pogi ako kay Vic kungdi wala kang nuggets ngayon. Tara kainin na natin sa dining room" puring-puri namang ang sarili niya. Hay nako ate Kim kahit kailan talaga.


Nag-tungo na kaming dalawa sa dining room habang nililinisan ni Nanay si ate Ara. Nasaan na kaya sina Ate Aly, siguro na-traffic rin sila sa may SLEX. Edi mas okay na kung ganon kasi ako na ang kakain ng extrang pag-kain.


Tadhana: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now