CHAPTER 34 ~ Cassandra and Andreige ~

101K 1.5K 42
                                    

"Hindi mo masasabi yan kapag ikaw naman ang ikakasal."-me

"Matagal pa yon. Sa ngayon ikaw muna."

"Maniwala ka...mamatay ka din sa kaba."

Nakangiting nagkibit-balikat si Alex at kinuha si Nyx kay Eika. May kung anong humaplos sa puso ko ng makita kong magiliw na tinignan niya si Nyx. Hanggang ngayon hindi niya parin sinasabi sakin ang sekreto niya kaya nanatili akong naghihintay sa oras na iyon. I wont rush her.

"Hindi ako kakabahan. I'm sure si Teo ang mamatay sa kaba at hindi ako."-alex

"Weh? Sabi mo lang yan."

"Hindi lang naman ang babae ang kinakabahan kapag kasal. Ang pagkakaiba lang, masyadong mapride ang mga lalaki na ipakita ang kaba nila. Mukha mang matapang si Teo pero pagdating sa akin, tiklop iyon. Parang kayo lang ni Andreige. Kung ikaw nakakausap mo pa ako....si Andreige kaya sa tingin mo nakakahinga pa ngayon?"

I rolled my eyes. "Masyadong maligalig ang pagkatao ni Andreige para kabahan-"

Naputol ang sasabihin ko ng nakangiting inangat ni Alex ang tablet na nasa isang tabi. Narinig kong napahagikhik si Eika sa tabi ko habang ako naman ay namumula na ang mukha sa pagpipigil ng tawa.

"Say Hi, Andreige!"

"Ilayo mo nga sakin yan! ughhh!" Napatawa ako habang pinapanood si Andreige na kasalukuyang may hawak na maliit na paper bag at hinihingaan iyon na animo hinihika siya. Sa tingin ko si Wynd ang may hawak ng tablet dahil sa likod ni Andreige ay nandoon si Summer at nakaakbay doon si ice. "Ilayo mo yan o gagawin ko kayong pretzel ng kambal mo!"

"You can hardly breathe, bro."-ice

"Bakit ba kabadong-kabado ka? Wag mong sabihing hindi ka sigurado sa magaganap na kasal? Lagot ka kay Cassie."

Hindi ako kinabahan dahil binigyan lang ni Andreige ng matalim na tingin si Wynd. I dont have any doubts in him.

"Ikaw sigurado ka na ba sa buhay mo? Baka kasi gusto mong gawin kitang herbal plant at ng may magawa ka namang maganda."-andreige

Tumawa lang ang kambal na mukhang enjoy na enjoy sa sinasapit ni Andreige. Mukhang nasa gilid sila ng simbahan dahil nakikita ko pa ang ibang agents na padaan-daan habang napapatingin kay Andreige.

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now