"Alam mo Kimmy, hindi naman kami nagbibigay ng pangalan pero bigla na lamang lumabas si Cyd sa bibig mo. So si Cyd nga?" mapang-inis na sabi ni Ly with matching taas baba pa na kilay.


"Basta wala nga" defensive ko naman masyado.



"Edi wala" sabi naman ni Ara. Magsasalita pa dapat silang dalawa ngunit dumating naman si Ciennang sa table. Thank you talaga Cienne lifesaver ka at hindi na ako ang magigisa, ikaw na.



"Cienne kamusta" sigaw ko sa kanya.



"Isa Kim, 'wag ka nga maingay" sigaw pabalik sa akin ni Cienne.



"Successful ba?" tanong ko pa sa kanya.



"Anong successful Cienne?" nagtatakang tanong ni Ly. Magsasalita na dapat ako ng marinig kong tumawa si Vic ng super lakas.



"HAHAHAHAHAHAHA. SHET. CIENNE HAHAHAHAHAHAHA. JUMEBS KA NANAMAN HAHAHAHAHAHA. WOOH. NAIIYAK AKO" oops, hindi ko na pala kailangan ipagsigawan kasi si Vic na ang gumawa para sa'kin.



"Oo na, ako na. Ako na ang jumebs! Masaya ka na ba Fajardo?" inis na sabi ni Cienne. Yes, Cienne super saya ko.



"2 points for Fajardo, Wooh" sigaw ko sa kanya. Pero itong si Vic ayaw patibag tawa pa rin ng tawa, malakas na siguro yung tama.



"Kimmang, i-uwi mo na nga si Vic sa bahay. Madami-dami na rin kasi yung nainom nitong babaeng 'to" concern na sabi ni Ly.



"Per—" naputol naman ang sasabihin ko nang magsalita ulit Ly.



"Wala ng pero pero, lasing si kaibigan i-uwi na. Patapos na rin naman yung party Kim, okay na ako. Mamaya na lang ulit sa bahay 'pag medyo maayos na si Vic" ma-autoridad na sabi ni Ly. Wala na akong magagawa si Commander na ang nagsabi.



"Bea!" sigaw ko kaso wala pa ring Bea na lumalapit sa akin. Anak ng talong naman oh, nasan na ba 'tong si Bea.



"Beaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko ulit at isang tumatakbong Bea ang lumapit sa akin.



"Yes, alam ko Ate Kim. Uwi na tayo?" tanong naman sa akin ni Bea. Ngunit napatingin naman siya sa gawi ni Vic. Kanina lang tawa ng tawa 'to ngayon tulog na tulog na.



"That's a Yes. Tara na, nakapagpaalam na rin naman ako kay Beh. So Lesgo" at sabay na rin naming binuhat si Vic papuntang kotse.



Sobrang bigat ni Vic, buti nalang talaga at kasama ko 'tong si De Leon. Tinignan ko naman sa mukha itong aking kaibigan na tila'y pasan ang mundo.



Saludo ako sa'yo Vic. Hindi ko alam kung paano mo nagagawa na maging malungkot at masaya ng sabay. Hindi ba pwedeng ilabas mo na lahat ng lungkot mo? Ayaw kasi namin na nakikitang nahihirapan at nasasaktan palagi. Pwede ba kahit sandali lang eh kalimutan mo muna si Mikang? Pero mukhang malabo naman 'yon noh?



"Magiging okay din 'yan si Ate Ara, Ate Kimmy" sabi ni Bea.



"Sana umiwi na si Ate Mika. Namimiss ko na rin siya eh" dugtong pa nito.



"Sana nga Bea, sana nga umuwi na si Mika" sabi ko sa kanya.



Mika, ganyan na ba talaga kaganda ang US para ipagpalit mo kami -  lalong lalo na si Ara. Uwi ka na please.

*****


Ako ay kasalukuyang nagda-drive papunta sa bahay namin. Ngunit ang malas nga lang namin ni Bea at mukhang may nagbangaan pa rito sa SLEX.


Tadhana: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now