"Kim, umayos ka. Hindi ka pa naman sure diba" sabi ko habang nakatingin sa mirror. Buti nalang at walang tao dito or at least alam ko na wala.
"Hoy Kim, ano ba 'yan ang ingay mo. Nagcoconcentrate yung tao dito eh" mukhang kilala ko na kung sino 'to.
"Ciennang, ano ba ginagawa mo dyan?" mapang-inis kong tinanong si Cienne. Akala niya, huling-huli na siya sa akto.
"Basta nagcococentrate ako. Lubayan mo nga ako" parang nagpipigil talaga si Cienne. Mainis pa nga.
"Cienne, 'wag ka na mahiya please. Matagal na tayong magkasama, okay lang naman na jumebs ka sa harapan ko" Oo guys, jumejebs ang lola niyo.
"Ano ba kim, please. Alis ka na para marelease ko na 'to. Huhu" ika ni Cienne. Pasalamat siya at mabuti akong kaibigan.
"Oo na, aalis na ako. Pasalamat ka at mabait ako. Bye Cienne, sabihan mo ako mamaya kung successful ha" sabi ko sabay alis sa CR.
Andami kasing kinain nitong si Cienne, 'yan tuloy napa-jebs ng wala sa oras. Epic talaga yung moment kanina. HAHA. Jumejebs si Cienne, grabe. Hindi ko talaga makakalimutan 'tong historical moment na ito.
FAJARDO – 1
CRUZ – 0
Yes naman, one point goes to Fajardo. Magkakaroon nanaman kami ng warlaloo ni Ciennang. Kahit dati naman ay madalas na rin kami mag-away, pero sa pagkakaalala ko madalas ay talo siya. Malakas yata ang kamandag ni Fajardo.
Bumalik na rin ako sa room at tapos na kumanta si Ara at kasama na niya sina Aly sa couch. Grabe naman si Ly, kumakain pa rin. Ang takaw takaw talaga.
"Hoy Ly! Lumalamon ka nanaman" sigaw ko sa kanya.
"Ay crispy pata!" gulat na sabi ni Ly.
"At least, hindi talong sinabi mo Ly. Kaya mas gusto kita eh" saad ko sabay belat kay Vic.
"Mas nutritious ang talong Kim, 'wag ka nga" sabi ni Vic.
"Hindi ka kaya kasama sa usapan, bakit ka sumasabat" mapang-inis kong sabi sa kanya.
"Kim bakit mo ba ako ginulat. Ang sarap-sarap ng kain ko dito sa crispy pata. Nasira natuloy yung vibe ko" nanghihinayang na sabi ni Aly.
"Sorry" ngumiti ako sa kanya at nag-peace sign na lamang.
"Oo na, oo na. Nga pala Kim kamusta na 'yung pagiging "emotionally disturbed" mo" loka talaga 'tong si Ly. In-emphasize talaga yung word na EMOTINALLY DISTURBED.
"Ha, a—ayon ba. Na—na ko Ly kalimutan mo na 'yo—yon" pautal-utal kong sabi.
"Oh bakit ka nauutal" nakingising sabi nito.
"Wala nga kasi. Alam mo superfriends lang naman kami ni Cyd. Kaya siguro ganito nalang ang trato ko sa kanya. Kasi malapit nga siya sa puso ko. Kasi nga diba superfriends kami" mabilis kong sabi.
Hindi mo ba talaga gusto si Cyd, Kim? Gust--, I mean pwede na.
Weh, sinong niloko mo? Lolo mo? Baliw Kim ka kim diba hindi hindi, 'Wag mong kausapin ang sarili mo.
"Kimmy, okay ka lang ba" sabi ni Vic.
"Oo okay lang ako Vic, ano ka ba. Sa pogi kong 'to Vic" sagot ko sa kanya.
YOU ARE READING
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
Chapter 1
Start from the beginning
