Napatingin naman ako dito sa aking katabi.



"Huy Bea, magtigil nga muna kayo ni Jho diyaan" sigaw ko kay Bea ng makuha ko ang atensyon nito. Kanina pa kasi naglalandian ni Jho.



"Ate Kim naman, na-miss ko kasi si Beh. Chill ka lang ha, mamaya na natin pag-usapan 'yung tungkol kay ate Ars" at alam niya ang pakay ko ah. Sabagay ilang taon din namin pinag-uusapan ang mga ganitong bagay.



"Pero please, 'wag naman sa harap ko. Respeto naman sa single" saad ko sa kaniya.



"Ang bagal mo kasi kay Ate Cyd. Bahala ka baka maunahan ka"



BAKA MAUNAHAN KA.






BAKA MAUNAHAN KA.






BAKA MAUNAHAN KA.





Oh edi siya ang mangligaw doon sa tao. Eh pa'no nga kung maunahan ako? (Edi hindi na siya mapapsayo, hindi mo na siya matatawag na akin) Paano ba 'to.


Ganito kasi, gusto ko na malaman niyo na sa tingin ko ay may gusto na ako kay Cyd. (so hindi ka sure na gusto mo siya?) Oo? Ata? Basta naguguluhan ako. Pero hindi ko maimagine na may makakatuluyan siyang iba.



I care for her at gusto ko nasa tabi ko lang siya. Baka nalilito lang ako, superfriends kasi kami mula dati.



Oo siguro nga, baka nalilito lang ako. Masaya naman ang buhay single, well, not in Vic's case. Grabe naman kasi kung magmahal 'tong si Vic – ibibigay ang lahat, sagad to the bones. Ang mali lang sa kanya ay hindi siya nagtira ng pagmamahal para sa sarili niya.



Hindi ko naman kasi siya masisisi sobrang daling mahalin kasi ni Mika. Hindi ko naging type si Mika ah (defensive lang?) Hindi nga kasi. Lahat naman kasi ng gusto ni Vic sa isang babae ay na kay Mika na. Dagdag mo pa yung fact na mag-best friends sila.



Eh ako kaya, kailan ako mapapansin ni Cyd? (Nagpapapansin ka ba?) Hindi. (Edi question answered) Oo nga no.



"Sabagay hindi naman ako nagpapapansin sa kanya kaya hindi niya talaga ako mapapansin" bulong ko sa aking sarili.



"Kanino ka naman hindi nagpapapansin?" tanong ng tao sa tabi ko.



"Kay Cy—Kay Sinigang. Oo, paborito ko kasi yung sinigang" shet lang kasi. Si Cyd pala ang tumabi sa akin. Kala ko naman si Bea. Paano ko ba lulusutan 'to.



"Nagpapapansin ka sa pagkain? Weird mo ha" sabi ni Cyd na natatawa.


"Buti na lang nakalusot" sabi ko sa sarili ko.


"Ang alin?" medyo nagulat pa ako, kasi nandito pa pala 'tong babaeng ito.



"Yung karayom, naglalaro kasi kami kanina. Hirap na hirap pa ako eh. Buti nakapasok yung sinulid" mabilis ko na sabi sa kanya.



"Ahhh, eh bakit ang bilis mong magsalita?" ika ni Cyd.



"Ah, a—ano ka—kasi. Oo, 'yun nga" nauutal kong sabi sa kanya.



"Anong ano?" tanong niya ulit.


"Yung ano, inaano. Ano nga ba, ano. Basta ano. Mag-CR lang ako Cyd ah. Bye" mabilis kong sabi sabay takbo papuntang CR.


Hoy Fajardo umayos ka nga, puro ka ano. Mahahalata ka ni Cyd niyan, lagot ka. (Ayaw mo nun, edi mapapansin ka na niya). Naghilamos naman ako sa sink nang sa gayon ay magising ang aking diwa.



Tadhana: Syntax ErrorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora