I want you to stay, never go away from me
Stay forever
I never blamed anyone because I believe that everything was my fault. Kung mas naging maintidihin lang sana ako ay hindi kami hahantong sa ganito. Hindi ko siya hahayaan umalis ng mag-isa bagkus ay sasamahan ko siya kahit saan siya pumunta matupad lang ang kanyang pangarap. Napaka-wrong timing ng pagmamahalan naming dalawa, yung tipong alam mo na siya na yung "the one" kaso pinakawalan mo pa.
Ako na siguro ang pinakatanga sa lahat ng mga tanga sa mundo. Masisisi niyo ba ako, nagmahal lang din naman ako. Pero ang pinakamasakit talaga sa lahat eh yung sabihin niya sa'yo harap-harapan na, "Vic, pagod na ako. Tama na. Itigil na nating 'tong kahibangan natin". Ngunit kahit sabihan pa ako ni Mika ng mas masakit na salita ay hindi pa rin ako matitibag - hindi pa rin ako susuko, hindi pa rin ako bibitaw.
Naputol ang pagmumuni ko ng bigla akong gulatin ni Kim na siya namang nagpasigaw sa akin.
"Anak ng talong naman Kim"
"Sino ang anak ng talong Vic" nakingising tanong Kim.
"Ikaw (sabay turo ko sa kanya) Fajardo ay isang anak ng talong. Isa kang Solanum melongena" sabi ko sa kanya. Aba, best in Botany 'yata ako (siyempre joke lang).
"Saan mo naman natutunan 'yan Solanum melongena na 'yan. Pwede namang talong na lang. Ang arte mo" natatawang sabi ni Kim.
"Ang ganda nung kanta kanina no?" tanong niya sa akin. So, kanina pa pala siya nandito?
"Paiyak ka na nga eh. Buti naman napigilan mo kahit papaano" dugtong pa niya.
"Malapit na nga kaso, sumingit ka kaya 'ayon umurong mag-isa. Pero brad, maraming salamat ah. Sa walang sawang pag-intindi mo sa akin" naiiyak kong sabi sa kanya.
"Vic, 'wag mo nang ituloy ang pag-iyak mo please lang. Ang panget mo kaya umiyak" hala siya, mas panget kaya yung mukha niya.
"Nagsalita ang panget, joke lang Kim. Salamat ulit ha" sabi ko sa kanya.
"Oo na. Tara na sa loob kanina ka pa gustong pakantahin doon. Pagbigyan mo na naman sila. Minsan lang naman Vic" saad niya. Sabagay, pagbigyan ko ba?
At bumalik na nga kami ni Kim sa loob ng room ng barkada at magiliw na nakipagkantahan sa barkada namin. Oo, napapayag nga pala nila ako na kumanta pero mamaya pa. Medyo nagvo-voicing pa ako eh.
******
Kim's POV
Kasalukuyang kumakanta si Vic ngayon – ramdam na ramdam ko ang bawat salita na binibitawan niya. Akalain niyong after ng "break-up of the century" eh nandito pa rin 'yan at tila pinipilit na maging masaya.
Well, hindi ko rin naman masisisi si Mika kung mas pinili niyang tuparin ang kanyang mga pangarap. Ang sa'kin lang naman, hindi naman niya kailangan makipag-break kay Vic. Oo, alam ko mahirap ang Long Distance Relationship pero kapag mahal mo naman ang isang tao magagawa ninyo 'yon diba.
I'm not siding anyone, pero kasi kung tutuusin mas kawawa dito si Vic. Yes, I know that it is also hard for Mika to leave her. Pero kasi si Vic hindi nga niya ma-imagine na wala si Mika sa tabi niya sa buhay niya pa kaya.
"When it gets hard, you know it can get hard sometimes. It is the only thing that makes us feel alive" pag-kanta ni Vic. Oo bro, ilabas mo lang lahat ang nararamdaman mo at sana kahit papaano eh matanggap mo na wala na kayong dalawa ni Mika.
YOU ARE READING
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
Chapter 1
Start from the beginning
