"Sorry, alam mo na. Medyo affected pa rin ako eh. Mahal ko pa eh" sagot ko naman sa kanya.
"Oo, alam namin. Kaya nga medyo napagtripan ka kanina" binigyan ko naman ng matalim na tingin si Kambal.
"Oops, joke lang. Tara na kanta ka na, pigilan mo na si Kim doon kanina pa 'yon eh. Ang panget naman ng boses" natatawa niyang sinabi.
"Ayaw ko kumanta, alam mo naman na hindi ako kumakanta" saad ko.
"Si Mika nga kinakantahan mo eh. Tapos yung barkada mo ayaw mo. Oops, tatahimik na ulit ako" sabi niya sabay layo sa akin. Hay nako si Kambal talaga kahit kailan. Paano na ako makaka-move on nito. Makaka-move on pa ba ako?
Lumabas muna ako para magpahangin. Dinala ako ng aking mga paa sa parang deck dito sa venue ng party ni Aly. Ang hangin dito at sobrang ganda ng view. Hindi naman gaano ka-init kasi mag-aalasinco na ng gabi. Mukhang nagkakasiyahan ang mga bisita ni Aly sa ibaba.
Mukhang kakanta itong si Kuyang naka-puti. Anyway, pumipili na siyang kanta at nakatingin pa rin ako sa gawi nila. Ayan na in-enter na niya ang kanta.
NW: Stay by Daryl Ong
Yt reference: https://www.youtube.com/watch?v=LWlmp_eHIUs
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
Habang pinapakinggan ko ang kantang ito, isa lamang ang naalala ko – si Mika. I wanted her stay but who am I to stop her from reaching her dreams. Gusto ko nandito lang siya sa tabi ko, nakayakap sa'kin habang pinapakinggan ang puso ko na siya lang ang sinsinta.
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?
It's always been Vic and Mika. Pero ngayon, Vic na lang. Nasaan ka na ba Mika, mahal mo pa ba ako? Kasi ako mahal na mahal pa rin kita. Wala pa rin nagbago, since day one until now. Diba sabay pa natin tutuparin ang mga pangarap natin. Eh ako Mika? Kasama pa ba ako sa mga pangarap mo?
And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on
Kung anu-ano na ang pinagawa sa akin ng barkada para lang makalimutan ka. Kaso yung pagmamahal mo kasi tinuruan akong kumapit – na kahit anong bagyo man ang dumaan ay solid pa rin ako sa'yo na ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi ba parang unfair naman 'yon sa akin?
YOU ARE READING
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
Chapter 1
Start from the beginning
