"Presenting, the one and only" dugtong niya dito, at akmang bubuksan niya na ang pinto. Ayoko pa siyang makita, hindi pa ako handa.


Dali-dalian naman akong tumakbo papuntang CR. Kunyare na lang ay sasabog na ang pantog ko. Kinakabahan ako. Tama ba na salubungin ko siyang masaya o salubungin ko siya na medyo seryoso? Pero sino ba ang niloloko ko, kahit naman anong gawin ko eh lalambot at lalambot pa rin ako sa harap ni Mika.






*Ring ring* *ring ring* *ring ring*





May tumatawag pala sa akin, sino kaya 'to.





Calling Kim Pogi...





Si Farjardo lang pala, sagutin ko ba? Oo sasagutin mo.



"Kimmy bakit?" bungad ko sa kanya.


"Anong kimmy bakit! Bigla ka na lang nawala na saan ka na ba. Hinahanap ka na dito!" sigaw na sabi sa akin ni Kimmy. Hindi naman siya galit diba?



"Nay, lalabas na po ako. Nag-CR lang ako, ihing-ihi na kasi ako eh" natatawa kong sabi sa kanya. Pinatay ko na ang tawag at lumabas na ng CR.



Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng mga paa ko. Na sa bawat hakbang ko eh, parang may pumipigil sa akin. Pero heto na, makikita ko na siya. Konting hakbang na lang at ----.



"Viiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic" isang sigaw na aking narinig.



Bakit parang nag-iba naman 'yata ang boses ni Mika. Medyo nagkaroon ng accent pero parang nag-iba nga. Nilingon ko naman kung saan nanggaling ang maingay na sigaw.



Palingon na ako.






Unting-unti.






Unting-unti.






Unting-unti ko inangat ang aking ulot.






"WHAT?" 'yan na lamang ang kumawala sa aking mga bibig.



"Kakauwi ko lang at "What?" lang ang ibibigay mo sa'kin Vic. Porket ba big time ka na ganyan ka na ha" malungkot na sabi ng tao sa harap ko.



"Ah, kasi, a—no. Pa—paano ba." saad ko na medyo nauutal pa.



"Ano kasi Ate Mowky, medyo na-shock si Vic. Alam mo naman" palusot na laman sa akin ni Kim.



Hindi, kayo nagkakamali. Hindi nga si Mika Reyes ang aking nasilayan kungdi ang isa pa naming kaibigan na si Mika "Mowky" Esperanza.



"Tsk, 'yan kasi assume pa more" bulong ni Bea sa akin at nag-apir naman sila ni Kim.


*******


Hindi ko namalayan na dumating na rin pala sila Jho, Cyd, Den at Jia dito sa party ni Aly. Medyo madami nga ang tao dito pero may private room ang barkada dahil nga napagkasunduan nila (oo sila lang) na mag-karaoke daw kami.



Kasi naman guys, alam niyo naman na hindi ako kumakanta. Hanggang twerk lang ako, haha jk. 'Ayon nga buti nalang talaga hindi si Mika yung lumabas sa kotse ni Jessey. Para akong binunutan ng tinik sa puso at medyo nakahinga na rin ako ng maluwag.



"Gusto ko sana sabihin 'yan sa'yo kanina, kaso pinuputol mo ako palagi" sabi ni Ria sa akin. So kanina pa niyang gustong sabihin na si Ate Mowky ang darating. Sorry, nadala ng emosyon eh.



Tadhana: Syntax ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon