"Yuck nga Ria, doon ka nga" natatawang sabi ni Kim.
"Yuck ka diyan, mas kadiri naman ang mukha mo ha" bawi ni Ria sa kanya. 'Ayan na sapol ang lola niyo. 'Eto namang si Bea tawa lang ng tawa.
"May sasabihin kasi ako sa inyo, ano carps?" dugtong niya pa.
"Ano naman 'yon ate Ria? Baka isa nanaman 'yan sa mga jokes mo ha. Tatanan mo na kami please, haha" magiliw na sabi ni Bea.
"Trust me guys, iba 'to so R U G?" makakahindi ba kami kay Ria. Alam naman namin na kahit gaano ka-corny ang lumalabas sa bibig niya eh oo-o kami sa kanya.
"Ano pa ba magagawa namin Kambal. Sige na sabihin mo na" sinagot ko naman ang katanungan niya.
"Alam niyo ba kung ano ang pinakamapait sa pag-ibig?" alam ko naman na ako at ako pa rin ang magiging center of attraction dito eh.
"HINDI!" mabilis kong sagot sa kanya at aalis na dapat kaso pinaupo ako ng dalawang kumag na sina Bea at Kim.
Oo na ako na, ako na ang mag-isa. CHAR. Jusko wala na akong kawala dito. Tulong naman oh. Nasaan na ba sina Cyd at Jho sa mga panahon na ito.
"PICS kami" sabay na sabi ni Kim at Bea.
"Alam mo Vic and friends. Ang pinakamapait sa pag-ibig ay ang AMPALAYAin ka. Get it guys? Vic? Ampalayain ka" sabi na eh. Corny yung joke at may kinalaman pa rin sa akin.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay-sabay silang tumawa. Hindi naman sila natawa joke pero dahil siguro sa mukha ko kaya sila natawa.
"Oh tapos, ano gagawin ko sa Ampalaya?" mapait kong tanong sa kanila.
"Wala ka na ngang gagawin sa Ampalaya Vic. Diba pinalaya mo na siya?" sabi ni Kim na tila natatawa pa.
"Guys tama na baka umiyak 'yan. Aba, mahirap na. Wala pa tayong matulugan mamaya" medyo seryosong sabi ni Kambal. Tama 'yan Ria, kapag pinagpatuloy niyo 'yan wala kayong matutulugan mamaya.
Ganito kasi 'yan guys, simula noong college magkabarkada na kami. Kahit sabihin pa natin na tiga- Lasalle, Ateneo, o UST kami eh hindi parin matitibag ang friendship namin. Solid 'yata kami. So, I decided nga to become an engineer kasi sa amin ni Kuya Juna ipamamana ni dad ang construction firm namin.
Buti na lang din at nandiyan si Jessey upang i-design ang "Tambayan" namin – Ako, si Ria, Kim, Bea, Aly at si Mika. Kasi sa loob ng barkada ay kaming 6 ang pinakamalapit sa isa' isa. Gusto kasi namin na mas patibayin pa ang aming samahan kaya naman naisipan namin na mag-pagawa ng bahay na 'yan.
Well, alam ko naman na kalahati ng bahay ay ako ang nagbayad so na sa akin na rin ang tinatawag natin na rights.
Naputol ang aking pag-throwback na marinig ko na sumigaw ng malakas si Ciennang.
"Nandyan na silaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Ano? Nandiyan na sila? Si Mika? Nandiyan na? Ha?
Paano ba. Ano ba. Saan ba ako titingin. Sa likod? Sa kaliwa? Sa kanan? Baliw ka Vic, magpanggap ka na lang kaya na may ginagawa ka. Oo siguro pwede na 'yon. Pero hindi kasi. Ugh, ano ba gagawin ko.
Bumaba na si Jessey mula sa itim na kotse, nakangiti ito at pumunta naman sa backseat upang pagbuksan ng pinto si Mika.
"Guys, saglit lang daw siya today kasi may kikitain pa raw siya mamaya. Hindi rin daw siya magtatagal sa Pinas kaya sulitin natin ang isang linggo na pagtira niya dito" maglungkot na saad ni Jessey.
YOU ARE READING
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
Chapter 1
Start from the beginning
