"May nagbangaan nga daw te Kim. Sabi sa twitter mga 5 kotse daw na sunod-sunod ang napuruhan. Wala daw break yung isa, so 'ayon domino effect" saad naman ni Bea.
"Buti pa 'tong si Vic eh sarap na sarap na tulog. Samantalang ako, kanina pa sumasakit ang pwet ko. Baka naman gusto mong magmaneho Bea. Baka lang naman" ika ko sabay tingin sa lugar ni Bea.
"Anong tinitingin-tingin mo Ate Kim? Okay na ako dito, ayoko ngang mag-drive at baka madagdagan lang ang traffic dito sa SLEX" sabi ni Bea sabay tawa na medyo pang-baliw. May sira 'ata sa ulo itong Bea eh.
"Tsaka masakit na rin pwet ko ate Kimmy, kaya patas lang tayo" dugtong pa nito.
Ano kaya ang patas doon, ako nagmamaneho eh siya ka-text lang naman si Jho. Minsan talaga hindi ko na magets ang logic ng mga tao ngayon. Nakakasad.
"Hoy Bea, ang talino mo din talaga noh. Paano nga tayo naging equal doon. Ang galing-galing mo sa math tapos simpleng problem solving eh mali mali ka. Bea baki—" eh kaya naman pala hindi na nagsasalita. Tulog na si Donya number 2. Siyempre si Vic ang number 1.
So pagmumukain talaga nila akong baliw sa storyang 'to. Mga walang kwentang kasama. Pwe. Pasalamat talaga kayo at ako ang pinakapogi dito.
"Hayaan mo na sila Kim, mga batugan talaga 'yang mga kasama mo eh. Buti ka pa masipag, cute, mabait, matalino ay higit sa lahat POGI. Pak Ganern, Perfect Package" natatawa kong sabi sa aking sarili ng biglang magsalita si Vic.
"Manahimik ka nga Kim, natutulog yung tao. Sa bahay mo nalang ituloy 'yang pagmo-monlogue mo" sabi ni Vic na medyo tulog ma medyo gising. Basta parang ganon, magulo diba.
"Victonara, buti naman at gising ka na. Ikaw naman mag-drive dito, kanina ko pa gustong matulog. Binuhat ka na nga namin ta—" hindi ko na naman natapos ang mga sasabihin ko dahil pinutol naman ako ni Bea ngayon.
"Ate Kimmang please, natutulog kami ni Ate Vic. Alam ko naman na kaya ka ganyan eh dahil naiisip mo na naman si ate Cyd. At kaya naman ginugusto ng utak mo na matulog na lang. Pero sorry at naunahan ka namin. So please, stop it na ate. Nagmumukha kang lang tanga" sabi ni Bea sabay hablot sa maliit na unan sa kotse.
So may kinalaman na talaga ang pagkasakit ng pwet kay Cyd. Out of this world na talaga ang logic ni Bea. Hindi ko naman iniisip si Cyd ah (hindi nga ba?) bakit ko naman siya iisipin.
Kasi gusto ko si—sinigang. Oo, tama. Gusto ko talaga ang sinigang, gustong-gusto. Lord please, sana makalusot na kami sa traffic.
It took us an hour and 15 minutes of waiting until we finally reached Alabang. Well, I know is prolly a bit late since nga umalis kami sa party ni Aly ng 7 pm. Na traffic ng 1 & 15 minutes plus idagdag mo pa yung traveling time na 1 hour since wala namang traffic sa laguna.
Nandito na ako sa Mcdonalds at may bibilin lang ako saglit sa loob. Finally! Nakakapagod din kaya mag-drive. Makakahinga na rin ang aking buns.
Habang bumibili ako ng pagkain namin nila Vic ay parang may napansin akong pamilyar na tao sa medyo right side. So parang nasa northwest yung position niya. Parang nakita ko na kasi yung mukha niya, kaso 'di ko maalala kung saan ba.
"Sir, here's your change. Thank you for coming to Mcdonalds" sabi ni Ate sa counter. Sabi na mapagkakamalanna naman akong lalaki. Iba ka talaga Fajardo. (feeler mo talaga kahit kailan)
"Thank you Miss" sabi ko naman sa kanya. Kinuha ko naman yung order at sukli ko at muling tumingin sa gawi nung babae kanina. Hala 'asansi ate nawala agad.
Lumabas na rin ako at sumakay na sa kotse namin, esti ni Vic pala. Alam niyo naman siya ang pinaka-galante sa amin. May kotse naman din ako kaso baka magmukha kaming fast and the furious kung lahat kami magdadala ng kotse ano.
Grabe naman sina Ara at Bea. Bumili na ako at lahat tulog pa rin sila, sabagay mga heavy sleeper kasi. Inilapag ko na ang aking mga pinamili ang nagsimula na muli magmaneho pa punta sa village.
Sino kaya yung babae kanina. Kilala ko talaga siya na parang hindi eh. Siguro sa volleyball din nung college. Bahala na nga, pero in fairness ang ganda niya.
Pero wala pa ring mas gaganda kay Cyd.
******
I decided to post this earlier kasi aalis ang lola niyo ng maaga bukas. Anyway, feel free to leave a comment below.
It's actually my first time to write a story (not kidding) so please do bear with me.
God Bless and Goodnight everybody.
YOU ARE READING
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
Chapter 1
Start from the beginning
