[12] Sealed

22 4 6
                                    

Medyo di naman katagalan ang update (More than a week, di katagalan?! I know... at least di months) so di ko na lalagyan ng nakaraan spiel.

Wag masyadong umasa. Basa na lang ng basa. Pero pwede magreklamo.

_________________________________

[KING'S POV]

PINAGMAMASDAN ko lamang ang dahan-dahang paglakad ng kaibigan kong si Nathaniel papunta siya sa van. Nakalaylay ang puting mga buntot ng lobong karga ni Nathaniel... si Mina iyon. Hindi ako maaring magkamali. Sigurado ako.

Nalulungkot akong makitang ganon ang lagay ni Mina. Sa maikling araw ay natuwa ako sa inosenteng kaibigan naming iyon. Mabait, may malasakit at laging nakangiti si Mina. Magaan siyang kasama kaya't naiintindihan ko kung bakit ganon na lamang si Nathaniel kalugmok sa tila sobrang panghihina ni Mina. Sila ang madalas magkasama at mas malapit sa isa't isa.

Bumuntong-hininga muli ako at dahan-dahan na ring naglakad papunta sa van. Nakasunod lang ako kay Ama.

Si Ama. Napakahusay niyang makipaglaban. Walang-wala ako kung ikukumpara dito. Marahil ako nga ang Legendary Dragom Guardian ngunit alam kong mas magaling pa rin ang ama ko. Hindi na ako makapag-antay. Gusto ko na ring lumakas.

Kapag mas gumaling at lumakas pa ako; mas mapoprotektahan ko na sila. Hindi na magagalusan man lang ang mga taong mahalaga sa akin. Matatapos namin ang misyong naka-atang sa balikat namin at uuwi sa China upang muling makasama ang Lolo ko.

"Where's Ryu?!"

Nakadapa na ako. Nakatagilid ang mukha at nakadikit sa damuhan ang pisngi. Nasa likod ang mga kamay at pinipilit kumawala. Sa isang iglap... naging ganong ang lagay ko.

"What did you do to Ryu?!"

"Aaaah!"

Dumiin ang hawak ng taong nasa likod ko. Balak ata akong balian. Sinong Ryu? Sino na naman ba ito?

Magaling sa martial arts ang isang 'to. Alam ko. Bago ako nakarating sa posisyong ito - nakadapa at walang laban - naramdaman kong may pumatid sa akin sabay ng mga kamay na humablot sa braso ko at inikot papunta sa aking likod.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!- aaaw!" Hirap na sigaw ko.

"Binibi..." narinig ko ang maotoridad na boses ni ama. "Maari tayong mag-usap nang hindi nagkakasakitan. Bitawan mo ang Anak ko..." kalmadong wika ni Ama na mas nagpapakaba sa akin.

"Shut up old man! Where's Ryu?!"

Walang respeto ang kumakausap kay Ama. Anong karapatan niyang bastusin si Ama?

At ako naman, ito, walang magawa.

Bakit kailangan sunod-sunod ang mga abala sa buhay namin? Inatake kami bigla. Muntik nang malason si Nathaniel. Nanghihina si Mina. Nakikipaghalikan ako sa lupa habang ang dalawa kong kamay ay nadadganan ng isang bagong dating na hinahanap ang taong nagngangalang Ryu?!

Sinubukan kong magpumiglas, ngunit tila napagalakas ng nakadagan sa akin. Mabagal at pigil ang hininga ko dahil sa bigat. Pinilit kong tumingala.

Naka-unat ang kaliwang kamay ni Ama. Ang kanan naman ay nasa itaas ng ulo at bahagyang nakatiklop paunahan. Ang kaliwang paa ay nasa unahan. Nakatayo ito at handang makipaglaban. Madilim din ang mukha at tila handang handang umatake.

"You'll just waste your time cranky old man." Bilog at malalim ang boses ng nagsakit.

"Wala kang respeto!" Si Athan iyon. Galit din ito. "Pakawalan mo si King!"

Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon