(8) Powers...

45 3 1
                                    

Ang nakaraan...

May kailangan daw si King... (Tinatamad na ako sa nakaraang ito ^^)

XXX

[NATHANIEL]

Hindi ko pa rin lubos na matanggap ang mga pinagsasabi ni King. Maging ang nagawa ko ay hindi ko mapaniwalaan.



Sa biglaang paglabas pa lamang ni Mina sa picture nahimatay na ko, ngayon... Saumasakit na ang ulo ko!


"Uy Tol, anong nangyayari sayo?" Tanong ni Troy sakin. Kaklase at kaibigan. Kapwa kami umiiwas sa mga kaklase naming mga matataas ang tingin sa sarili.



Si Troy, mayaman talaga. Kaso dahil tipikal na nerd ang datingan, nilulubayan ng mga kaklase namin. Maliban sakin.


Magkasundo kasi kami. Hindi sya matapobre, pobre ako.



Ito nga't nasa mini forest kami. Kumakain. Mas trip ko kasing nasa lilim ng puno kesa sa caf na mga maarte lang ang nakakapuno.


"Ah. Wala may iniisip lang." Sagot ko naman. Iisipin nitong baliw ako kapag sinabi ko ang mga gumugulo sa utak ko.


"Muka kang tanga Tol. Pramis."


"Lumayas ka nga. Lalo sasakit ulo ko sayo... Ako mukhang tanga, pero ikaw tong nagngangat ng kuko?"


Hay. Ewan ko talaga sa kaibigan kong ito. Paborito masyado ang kuko niya.


Napatuloy na ako sa pagkain. Si Troy ayun, nagguguhit ng kung anong maiisipan o mamataan.


Kung ako nandito dahil sa katahimikan, sya naman dahil mas trip nyang gumuhit ng mga maka-kalikasang katha. Isa din yun sa pinagkakasunduan namin.


"Ano plano mo after graduation?" Napalingon agad ako kay Troy. "Wala, random thoughts lang."


Naalala ko bigla yung sinabi ni King sa amin ni Mina noong Sabado.


"Kailangan ko kayo..."


Napabangon ako at tumayo sa harap ni Mina na nasa higaan ko pa. Hinarap ko si King.


"Kumalma ka King. Hindi ko kayo sasaktan. Ikaw pa nga magkulong sakin kanina." Mahina pang natawa si King. Kanina ang seryoso ngayon tatawa tawa.



Tingin ko naman ay wala syang gagawin masama. Mas nakunsensya pa nga ako kasi nagutom daw sya nang di sya makalabas agad sa ginawa ko DAW na harang.


"Ang ibig ko lang sabihin, kayo yung dalawa sa nakita kong tao sa pangitain k-"


"King, masakit pa akg ulo ko sa mga nangyayare please, break muna naman oh."


"Ngunit, dapat mo tong malaman kaagad."


"Mamaya na. Please naman oh." Pagod na pagod pa ako. Pwede naman sigurong magpahinga muna?


"Pero Athan..."


"Naman e. Ang sakit sakit pa ng ulo ko... Pwede mamaya naman yung iba? Baka ikabaliw ko ang mga nangyayare." Mahinahon kong pakiusap. Mukhang naintindihan naman ni King kayat tumango sya.


Buti naman...


"Oppa, Mina... Sakit ulo." Saka ko naramdaman ang mahinang tapik sa balikat ko.


Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon