(7) Muling Pagkikita

54 3 1
                                    

Ang nakaraan...

Naabutan ni Nathaniel ang Boss niya sa loob ng kwarto kung nasaan sina Mina at King.

-----

[Nathaniel]

"Bo-Boss... Ano... Sorry. . . m-magpapaliwanag ako."

Bakit andito na sya?! Bakit sya nasa kwarto ko?! Hindi sya pumupunta sa kwato ko dati ah! Anong-?! Sino kaya sa dalawa ang gumawa ng dahilan para mapansin ni -

"Athan..." Napatayo ako ng tuwid sa pagtawag sakin ni Boss. Hindi naman siya galit. Natayo lang ito sa tabi ni King at parang. . . Naluluha? Iba ito sa inaasahan kong reaksyon ni Boss. Akala ko... Buti hindi!

"Ginoong Nathaniel, bakit mo ako ikinulong? Palabasin mo ako dito. Gusto ko nang yakapin si Ama." Sabik na turan ni King. Pero, sino ang Amang tinutu-koy niya ba si Boss?

"Athan, may nagawa bang masama ang anak ko?" Boses naman iyon ni Boss.

Ama nga talaga ni King si Boss Shin! Ito ba ang ipinunta dito ni King?

"Ma-mabait po Boss si Boss King." Maagap kong sagot kahit kabadong kabado pa ako. "Wala ho siyang ginagawang m-masama."

"Pwede mo na siguro siyang palayain."

Huh? Ano daw? Palayain? Pyansahan? Nakakulong ba si King?

"Tingin ko'y nagamit mo ang iyong kakayahang sa hindi mo inaasahang pagkakataon." Tingin ko nga'y mag-ama sila. Puro kaweirduhan ang pinagsasasabi.

Kung hindi lang seryoso ang mukha ni Boss ay humagalpak na ako sa tawa. Buti presensya pa lamang niya takot na ako, madaling magpigil ng tawa.

"Ginoong Nathaniel... Hindi ako makalabas sa ginawa mong harang."

"King, wala akong alam sa sinasabi mo? Anong harang?" Naguguluhan na ako. Parang hindi naman kasi na sisinungaling. Pero wala akong harang harang na ginawa! Balak ba akong siraan nito kay Boss?

"Athan, tignan mo ito ah." Sabi ni Boss tapos pumwestong susuntok. Susuntukin nya si King? Akala ko ba anak ito? Suwail ba to si King nagalit si Boss sa kanya?

Bumwelo na si Boss Shin, susuntukin niya si King. At ...

"WOAH!"

Napahiyaw pa ako ng tila may kung anong pumipigil sa kamao ni Boss. Parang may... Harang nga?

Tapos si King naman ang sumubok na sumutok. Pero wala. May kung anong naka...harang nga.

"King, Boss, wala ho akong alam sa sinasabi niyo." Matatag kong sabi. Malinis ang konsensya ko. Hindi ko maikukulong si King tulad ng sabi niya. Inosente ako!

"Ginoong Nathaniel, kailangan ko nang makakain. Gutom na ko. Burahin mo na itong ginawa mong harang." Sa totoo'y naawa na ako kay King. Pero, hindi ko naman alam ang gagawin ko.

Ako ba ang dapat sumuntok sa harang? May iicacast ba akong spell tulad sa Harry Potter? Ano bang dapat kong gawin?!

"Athan... Burahin mo na. Kung wala kang galit kay King. Burahin mo na iyong harang na ginawa mo." Mahinahong sabi ni Boss.

Burahin? Pano nga?! May eraser ba?!

Nabuntong hininga ako. Yumuko. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko naman alam kung pano nakulong dun si King? Maayos ko naman syang iniwan dun ah!

"Athan... Burahin mo na ito." Turo ni Boss sa square na ginuhit ko.

Saka ko lamang napansin. Hindi doon makalagpas ang kahit anong parte ng katawan ni King. . . maging si Boss Shin ay ganoon din.

Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon