Chapter 29.3.4

Magsimula sa umpisa
                                    

"Would you like to dance?" Tanong pa ni Tyler.

"N-no... I don't dance." Bahagya pa akong umiling. Actually, may talent rin naman ako sa pagsasayaw pero I am not in the mood. And besides, kay Ricky lang ako makikipagsayaw. Bakit nga ba hindi man lang siya tumanggi sa tatlo na 'yun? Gan'un ba niya ka-close 'yun?! Meaning ba, 'yung dating pagiging anti-social niya ay nabago na over time?

Nang naging sweet na ang sayaw ay nagwalk-out na 'yung dalawang girls at natira na sina Ricky at 'yung blonde girl. I so hate it! Pero wala akong magawa dito sa upuan ko kundi ang uminom!

"They look so cute together aren't they?" Sabi pa n'ung isang kasayaw nila kanina. Medyo shoulder length ang buhok niya at medyo brunette din.

"Stop that!" Pasimpleng saway pa ni Courtney sa mga kaibigan niya. I only pretended not to hear. Bakit? Sino ba 'yung blonde girl na 'yun? Nang ibalik ko ang tingin sa dance floor ay halos kainin na ako nang selos.  Ang sweet nga nila tingnan. Para bang sila ang mag-jowa gan'un? At 'yung blonde girl, grabe ang kapit sa leeg ng boyfriend ko! Ahas! Shit!

"Are you okay, Katie?" Pasimple pang tanong ni Courtney sa akin. She looked concern. Oh I forgot, nakakarami na pala ako nang naiinom! Jeez, ano bang ginagawa ko?!

"O-of course, I'm fine." Oh shit! Ilang baso ba ang nainom ko? 'Yung saglit na pagsasayaw nila seems like forever!

"If Ricky would have stayed a little longer, I wouldn't be surprised if they become a couple." Ang lakas lang mag-usap? Feeling ba nila hindi ako marunong umintindi ng English?!

"But Ricky don't like Aleeyah. So, quit that." Si Courtney ulit. At ako, pretending pa rin 'di ko sila naririnig. So, Aleeyah pala ang pangalan n'ung makiring blonde na 'yun!

"I saw Ricky with Aleeyah the other day." 'Di ko alam kung sino ang nagsalita. 'Yung curly brunette or short hair brunette! "They were in Tiffany's and she's trying on some ring."

"Really?" 'Di ko pa rin alam kung sino ang nagsalita.

"He must have bought her a ring." Oh no, don't tell me hindi talaga para sa akin ang singsing na 'yun?! Pero bakit nasa bulsa ni Ricky?! Or it could have been hers na nakalimutan niyang ibalik dahil nagsusukat nga ng singsing?! Kaya ba hindi pa niya ibinibigay at wala man lang sa box kasi hindi naman talaga para sa akin?! Oh God, Katie! You don't know anything!

"Why would Ricky bought her a ring they were not even a couple?! Stop those nonsense talks! She might hear you two!" May panermon pang sabi ni Courtney. At kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong hindi siya natutuwa sa usapan ng dalawa.

OA ba kung masaktan ako agad nang hindi ko pa naman alam ang totoo? Nang ibalik ko ang tingin ko sa dance floor ay sweet pa rin silang nagsasayaw.  Sobrang lapit na nila sa isa't-isa at para bang nagbubulungan.  Maingay ang lugar kaya natural na ilalapit talaga ang mukha sa tainga nang kausap para magkaringgan. Iyon lang 'yun, Katie.  Huwag kang praning. Pero 'yung singsing? Akin ba talaga 'yun?

Pamaya-maya ay nakita kong pabalik na sila. Nakaalalay pa si Ricky sa siko nung haliparot na girl. Gusto ko sana patirin! Nakakainis!

"Hey, nakakarami ka na yata a." Puna pa sa akin niya sa akin. Pero wala ako sa mood makipag-usap.

"I'm okay." Iyon lang ang kaya kong isagot.

Pero parang hindi naman niya pansin ang pagbabago ng mood ko at panay pa rin ang pakikipagtawanan d'un sa mga kaibigan niya! Mukhang mali pa yata ako nang sama dito a.

"Punta lang ako sa restroom." Bulong ko pa kay Ricky.

"Samahan kita..." Sabi pa niya.

"No, stay here." Umiling ako nang bahagya at nagdiretso papunta sa restroom.

Oh shit! Grabe ang hilo ko. Pakiramdam ko ba ay umiikot ang paligid ko. Wrong move ka na naman Katie! Ewan ko ba kung gaano ako katagal nakaupo sa toilet bowl. Feeling ko rin kasi ay masusuka ako na ewan. Lalabas na sana talaga ako nang marinig ko ang boses ng mga haliparot na girl kaya nananatili lang ako sa loob ng cubicle at pinakinggan ko sila.

"Can I see that?!" I don't know kung sino ulit sa dalawang brunette 'yun.

"Whoa... that's expensive!" Are they talking about the ring?!

"He gave it to me." That's the blonde girl. "I actually don't know what to say, I am so happy."

"I so hate you now!"

"That is so beautiful..."

"It's Tiffany's..." Tiffany?  Hindi ko singsing 'yun?

Hindi ko na alam kung ano pa ang ibang pinag-usapan nila. Basta't ang alam ko lang ay para akong sinaksak ng sampung beses sa dibdib. Bakit naman niya bibigyan ng singsing ang blodie na 'yun?! Pero akala ko ba, ako lang? Am I over thinking? Pero he loves me. I know he do.  But why? Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon