Chapter 18.2.2

29K 629 6
                                    

Published: September 23, 2013

wow! talagang mega wait ninyo ang spg? hahaha dont worry malapit na malapit na wahahaha kapag may ulan na thats ur sign! wahahahaha

********

CHAPTER 18.2.2

RICKY's POV (Cont.)

Nang makaalis ang senor ay para lang akong baliw dito. Napapangiti akong mag-isa at sa itinagal ng panahon, I thought my worries about his dad was a tough one. I guess I was wrong this time.

Malalim akong napabuntong-hininga bago tumayo at magdesisyong puntahan si Katie sa kwarto niya.  Like the usual, I took the stairs instead of the elevator. Actually hanggang 3rd floor ang mansion nila. But still, I don't have any idea kung ano ang hitsura n'ung 3rd floor nila. Siguro nga one time ay papayag na akong mag-stroll sa palibot ng mansion nila.  Lalo pa ngayong legal na kami sa papa niya.

Pero habang mas napapalapit na ako sa kwarto ni Katie ay mas lalo akong kinakabahan. Bakit ba ngayon pa ako inaatake nang niyerbos? What if sabihin na niya na ayaw na niya sa akin dahil malakas ang tipos ko and all. Ugh, I am overthinking again. I was not like this before. I am not even like this with Alexa.

Come on, Ricky.  You need to talk to Katie.  Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa labas ng pinto ng kwarto niya bago magkalakas ng loob kumatok.

"Open 'yan, yaya!" I heard her said.

I am cold as ice when I turned the knob open. Hindi kaya ipagtabuyan niya ako? Jeez, Ricky! Get a grip!

Nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto, I saw her lying on her bed with her legs stretched on the wall. Litaw na litaw ang maputi at makinis niyang mga hita. But shit, she's only wearing a panty?!

"Jeez, Katie!" Napatalikod ako at natutop ko na lang ang noo ko.

"R-ricky?" Hindi ko alam kung ano ang reaction niya.  But damn, Katie!

"Mag-shorts ka nga!" Pautos pang sabi ko at gusto yatang kumirot ng sentido ko.  She's so tempting. Pinapasakit talaga niya ang ulo ko!

"S-sorry..." Naramdaman ko ang paggalaw niya at nagbukas ng closet. "Why are you h-here?"  Tanong pa niya.

"Puwedeng tapusin mo muna ang pagbibihis bago ka magtanong." Parungit ko pa at narinig ko lang ang pag-ismid niya.

"I'm done." Sabi pa niya bago ako tuluyang bumaling ulit sa kanya.

"Gan'un ka lang ba dito sa bahay nyo? What if may ibang taong pumasok sa kwarto mo?! What if papa mo 'yun?" Sunod sunod pang tanong ko at nag-aalala lang din naman ako para sa kanya.

"Sermon agad-agad?" Nakasimangot pang sabi niya sabay irap.

"No, Katie! Sinasabihan lang kita na umayos ka kahit na nandito ka sa bahay ninyo!"  Nagsalubong ang kilay ko sa inis.

"Nagpunta ka ba dito para sermunan lang ako? Bigyan ako ng advice sa dapat at 'di ko dapat gawin? Itulad ako sa mga virtues mo?" Galit pang sabi niya kasabayan nang pagtulo ng kanyang luha. She's crying!  Damn it. "Well, I'm sorry! Ganito na ako before mo pa man ako makilala. May mga bagay mang hindi maganda sa akin, pero you know that I am trying so hard here. Kakalimutan mo na bang mahal mo ako dahil lang hindi ko gusto ang mga gusto mo for me? Gan'un ba 'yun?"

"K-katie..." Natahimik ako at parang saglit akong nawala sa sarili.

"Kung palagi mo na lang akong i-ignore sa tuwing may magagawa akong mali para sa'yo, then just leave me!" Noon na siya tumalikod at nag-iiyak sa paanan ng bed niya. Naupo siya sa sahig at pilit na itinago ang mukha sa kanyang nakabaluktot na mga tuhod.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon