Chapter 8.3.3

31.8K 627 16
                                    

Published: August 27, 2013

PAALALA:  BAWAL KILIGIN SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS! HA HA HA

********

CHAPTER 8.3.3

KATIE’s POV

            Thank God! Halos lahat ng kailangan ko naipadala ni papa.  Namiss ko talaga lahat ng mga gamit ko… Sobra!

            “So, naggu-gluta ka na nga?”  Nakangisi pa niya akong tinitigan sa mukha.  Tingnan mo ‘tong lalaking ‘to!  Napahiya na nga ako hindi pa nakuntento.

            “Ewan ko sa’yo!”  Umirap ako at ngumuso.  Asar e!

            Hindi naman na siya kumibo at lumapit lang sa kinalalagyan ko.

            “Bagay naman sa’yo ang kulay mo.  Naiinis lang ako sa kagaspangan ng ugali mo kaya ko nasabi 'yun.”  Nakangiting sabi pa niya at umismid lang ako.  Though, ramdam kong sincere siya. “Hindi mo na kailangan i-take pa 'yang gluta mo.  Tulad nga nang sabi ng papa mo.  Maganda ka naman na.”  Pinigilan kong mangiti kahit na parang kinikiliti ang tiyan ko sa sobrang kilig.

            “Hmp!  Maniwala ako sa’yo!”  I tried to hide my feelings at nagkunwari pa ring naiinis.  “Bakit wala ang nanay mo?”  Pag-iiba ko pa.  Ayaw ko nang pag-usapan pa ang kulay ko!

            “Namili kasi siya. Dumaan pa raw sa mga pinsan ko.  Sayang at hindi niya na-meet ang papa mo.”

            “Ah, kaya pala.”  Mariin kong kinagat ang labi ko at nag-iwas nang tingin.  Bakit ba bigla akong naubusan nang sasabihin.

          “Gusto mong magmerienda tayo?”  Tanong pa niya.  Is he asking me for a date?  Shit. OA ko lang.

         "Saan?"

            “Come,”  Senyas pa niya at pakiramdam ko ay nawawala ako sa sarili.  This is not good, Katie.

            “S-sige…”  Ngumiti ako at bigla akong na-excite.  Itong araw na ito ay hindi kami masyadong nag-away. At masarap sa pakiramdam na hindi rin ako nagsusungit.

           

            Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.  Magkakalayo kasi ang mga bahay doon.  Sa may hi-way niya ako dinala at naglakad pa kami nang malayo-layo bago kami makarating sa tila mga kubu-kubuhang kainan.

            “Masarap ang pancit cabagan dito.  Specialty ng probinsya namin.  Gusto mong subukan?”  Tipid pang sabi lang ni Ricky.  At talagang Ricky na ang tawag ko sa kanya ngayon?!  This is really bad!

            “S-sige…”  Sagot ko na lang.  Sa totoo lang ay bigla akong nakaramdam nang gutom kahit na nga ang dami na ring dalang pagkain ni papa.  Medyo nakapag-adjust na rin nang bahagya ang sikmura ko sa mga pagkain nila though I have to admit, namimiss ko pa rin ang mga pagkaing nakasanayan ko na.

            Hindi naman din nagtagal ay dumating na nga 'yung inorder niya.  Dalawang pancit cabagan at dalawang softdrinks.

            “Nakatikim ka na ba ng ganitong pancit?”  Tanong pa niya.

          “No,”  Bahagya pa akong umiling.  “But it looks good.”  I feel so abnormal today.  Parang ang bait ko?  Nakakapanibago.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon