Chapter 17.1.2

28.8K 603 6
                                    

Published: September 19, 2013

CHAPTER 17.1.2

 

RICKY’s POV

            Ang sama nang pakiramdam ko. Nadali pa yata ako sa pagkakabasa ko kagabi.  Nang i-check ko ang temperature ko ay positibo ngang nilalagnat ako. Kung kailan ayoko pa naman ang lumiliban sa school.  Pero hindi ko talaga kaya.  Ang sakit ng buong katawan ko.  Nagbukas ako ng cp at may mga messages pala ako.

Text #1

Fr: Baby Malditz

            Hi baby!  Good morning!  I am wearing the most beautiful necklace in the world!  You might want to see it?  I’ll be waiting for you.

            Hindi ko naiwasang mapangiti sa text niya. I’m glad that she liked it.

Text #2

Fr: Baby Malditz

            Where are you?  Mag-start na ang klase natin. Okay ka lang ba?  Text back please.

Text #3

Fr: Baby Malditz

            Nag-start na ang klase natin. Nasaan ka na ba?  I am worried.  Please reply.  I love you…

           

            My baby is worried so I immediately hit reply.

To: Baby Malditz

            I am not going to school today.  I think na-trangkaso ako but don’t worry, I’ll be fine.  I’ll miss you, baby.  Be safe, okay?  I love you too.

           

            Immediately, I hit send. Iginala ko ang tingin sa buong kwarto at wala na rin ang mga kasama ko.  I think nagsipasok na rin.  Dati kasi, I used to live here alone.  Pero n'ung magkasakit nga si Pikoy, wala akong choice, kailangan kong kumuha nang makakatuwang sa pagbabayad ng bahay.  Nag-adjust din ako nang kuntodo noong magkaroon ako ng mga kasama sa bahay.  Hindi talaga ako palakaibigang tao.

            Tumunog ang cp ko at alam kong si baby na 'yun.

Fr: Baby Malditz

            What?  You’re sick?  Dahil ba sa nabasa ka kagabi?  I am really sorry, baby. I’m coming there and you can’t stop me.

            What?!  Pasaway talaga! Napailing ako and immediately hit reply again.

To:  Baby Malditz

            'Wag kang pupunta dito!  May pasok ka diba?  You don’t want me angry.  I’ll be okay.  Mag-aral kang mabuti.

            And then I hit send.  Hindi naman na siya nag-reply pa matapos noon.  Possibleng nagka-klase na rin siya.  Alam naman niya kung gaano ko siya gustong magsikap sa pag-aaral niya.

            Bumangon ako saglit at naligo.  Baka naman init lang din ito at matapos kong makapaligo ay mawawala na rin.  Hindi ko na nga lang pinagtagal para na rin makasiguradong hindi na lumala pa ito.  Bumuti nang bahagya ang pakiramdam ko pero ang problema, ni wala na pala akong stock ng pagkain.  Damn it!  Kung kailan hirap na hirap pa naman ang katawan ko!  Ano bang nangyayari sa’yo, Ricky?!  Kailan pa nangyaring nakaligtaan mo ang pamimili nang kakainin mo?!  Naupo na lang ako at pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko.  Nagugutom na rin ako.  Hindi naman makakabuting hindi ko lalamnan ang tiyan ko at mas lalo akong manghihina.

AND I LOVE YOU SOWhere stories live. Discover now